Chapter 3

68.2K 1.9K 60
                                    

Keya's POV
"Good morning po" ngumiti lang ako ng maliit para sa pagbati

Kakagising ko lang, late na nga ako nagising dahil sa pagod

Naabutan ko ang mga magulang ko na nasa lamesa na at kumakain

"Morning" Pinaghain agad ako ng mga katulong ng makaupo ako, nagpasalamat ako pagtapos

"Good morning baby" Masayang sabi ni Mom na ikinailing ni Dad

simple lang ang pagkain namin ngayon, hindi naman kami ganon ka arte sa mga pagkain. Kahit nga na ganito kayaman sila dad, tinitipid padin nila ako. Ang lahat ng binibili ko lalo na ang mga kotse ko, galing sa pera na pinalanunan namin sa mga laban. Maganda na rin yon, may naiipon ako

Kaysa naman sa umasa ako sa pera ng mga magulang ko kung kayo ko naman bat pa ako manghihingi

"Naka ready na ang lahat mamaya"balita sa akin ni Dad

Ano pa bang magagawa ko? Kahit naman na gusto ko nalang dito kase mas tahimik wala ako magagawa

"Tsaka doon ka sa paaralan na pinatayo namin, sinabi ko na ang lahat lahat sa secretary ko para pagdating mo ay alam niya na ang gagawin.." kumunot ang noo ko

Ano?

"ikaw muna ang titingin para sa amin don" dagdag pa niya hindi pinapansin ang tingin ko

"Yung University?"takang sabi ko

Tumango si Dad

"Paano? Studyante palang ako, Dad Tsaka wala ako kaalam alam tungkol don"

Ako? Magaasikaso sa University na napakalaki? Ano gagawin ko doon? Makipag bugbugan? Matalino ako pero parang hindi ko kaya mag handle mg isang napakalaking University

Since bata ako wala ako kaalam alam sa ganiyan bukod sa away

"Hindi naman ikaw lahat gagawa, baby. May mga tutulong din sayo pero syempre magaaral ka padin. Wala kase kami doon ng mommy mo para tumingin kaya habang nandon ka, ikaw na muna" Paliwanag nito

"Magugustuhan mo doon sa Garcia University, baby. Ang lola mo ang nagpatayo non" Sabi ni Mom

Alam ko ang sinasabi nilang University, Kilala iyon sa Pilipinas at doon nagaaral halos lahat ng mga sikat na anak ng mga kilalang tao. Si lola nga ang nagpatayo non at hanggang sa tumanda na siya ay si Mom ang nagpatuloy hanggang sa umabot sa akin

Pasa pasahan lang?

Kala ko ba naman wala na ako gagawin don kundi mag gala nang mag gala at makipag away, hindi naman sa bully ako. Hindi ako umaaway ng mga inosenteng tao

_______
"Usap usapan na pupunta ka sa Pinas" Kwento ni Charm sa akin

Nasa Kwarto ko sila

Mamaya na kase ang Flight ko pauwi ng Pilipinas. Kaya dito nalang nila inubos ang oras na makasama ako. Nakahiga si Alexa sa kama habang si Charm naman ay nakasandal sa kama

Ako naman ay nakaupo sa Harapan ng lamesa at kaharap ang laptop

"nagkagulo nga ang Underworld na marinig iyon. Kase pag aagawan na nila ang posisyon mo"

"Agawin nila" Walang pake na sabi ko

Kung maagaw nila

Garcia University...

Found it

"What are you doing ba? Hindi ka man lang ba natakot na pwede ka maalis sa pwesto?"

Umalis si Alexa sa pagkakahiga at sumilip sa Ginagawa ko. Naabutan niyang nirereview ko ang site ng paaralan na papasukan ko

"Diyaan ka magaaral? Laki ah... Wait sa inyo yan?" tumango ako

"Gusto nila Dad doon ako"

"I'll tell my parents na ilipat ako diyan ayoko mahiwalay sayo" umiling nalang ako sa sinabi niya

Nung nalaman nila na pinapauwi ako ni Dad sa Pilipinas ay agad agad silang nakiusap sa mga magulang nila na sumunod sa akin. Katulad ko ay laki din sa Pilipinas ang mga magulang nila Charm pero dito sila nag stay ng magkaanak na, kaya dito na kami lumaki pero hindi ibig sabihin non wala kami alam sa pag tatagalog, tinuruan kami ng mga magulang namin at hindi hinahayaan na hindi namin malaman ang wikang tagalog

Tumango tango naman ito

"Oy, bakit hindi kayo natatakot?" ngusong sabi ni Charm

Tinignan ko siya

"Wala naman dapat ika takot, alisin nila tayo kung kaya nila"

Kahit naman mawala ako dito hindi parin nila ako kayang tapatan

"Tama si Keya, Sino bang kayang paalisin tayo?"

"Sabagay" umiling malang si Alexa

Bumalik ako sa ginagawa ko. Hanggat maaga pa ay inaalam ko na ang papasukan ko para hindi ako mangapa pag nandon na ako

"Magugulat nalang ang mga kaaway mo na nasa ibang lugar kana"

Edi matutuwa sila bawas sakit sa katawan

"Lalo na pag umabot sa Pilipinas na Nandoon ka"

Napahinto ako sa pagbabasa

"Remember? Madami ka din kaaway don"

"Wala silang magagawa, maging handa nalang sila sa mangyayari"

Get ready because the Queen is back

______
don't forget to votes, comment and follow!:)

Gangster Queen Meets The Mafia Boss(UNDER REVISION) Where stories live. Discover now