Chapter 6- Mabalahibong binti.

7.2K 145 50
                                    

Merberry's note- Bago po ang lahat, wag po sana nating kalimutang isama sa dasal natin ang mga nasalanta ni Yolanda..

----------------------------------------------

                   Chapter 6- Mabalahibong binti


Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang narinig ko ang marahas na pag andar ng sasakyan  palabas lulan siya at matapos ay naiwan na lamang sa akin ang nakakabinging katahimikan na senyales na wala na siya, tuluyan na niya akong binitawan.



Ang tanging maliit na pag asang meron pa sana ako  para saming dalawa ay pinutol na niya, kaya sa huli ay wala na akong ibang nagawa kundi pumikit na lamang.

 

-----------------------------------------------------------------------------

Sumapit na ang bukas pero nakakatawang isipin na nanditoako sa may salas at hinihintay pa rin ang pag balik niya. Umaasa pa rin akong baka sakaling mag-bago ang isip niya at balikan ako nang sa ganon ay makapagpaliwanag at makapag usap kaming muli.




Nakaupo ako sa may sofa  nang naputol ang aking malalim na pag iisip dahil sa bumusinang sasakyan, daig ko pa ang nasindihan sa paa dahil sa tumalilis agad akong palabas, pero nang nakalabas na ako upang mapag-sino siya ay bigla akong nakaramdam ng pagka-dismaya.
 



Si Jacko, nakalimutan kong umo-o pala ako nung nag offer siyang sunduin ako pabalik sa Ospital.


 



Ginantihan ko ang ngiti niya nang nakalabas siya ng kotse upang kahit papano ay matakpan ang nararamdaman kong kalungkutan.

 



"Teka kukunin ko lang ang gamit ko ha, saglit lang." Matapos ko siyang talikuran ay marahas na napabuga na lamang ako hangin na tila inilalabas ko ang mga natitirang disappointment meron sa dibdib ko. "Haayzz Joseph talaga."




 -----------------------------------

Bago ako umalis ay iniikot ko ang tingin ko sa buong kabahayan. Nababalot na ito ng sobrang kalungkutan na tila hindi man lang ito mababakasan na minsan ay napuno ito ng aming mga tawanan, asaran, kulitan, habulan at biruan, isama mo na rin punong puno ito ng pangarap namin dati na akala ko ay sabay naming aabutin, pero tila hindi pa man kami nakakapag umpisa natuldukan na agad ang lahat ng iyon.



Yung tipong sumali ka ng marathon at tinanggalan ka ng finish line na kung saan dalawa lang ang maaari mong pag pipilian. Tatakbo ka pa rin ba kahit  alam mong mapapagod ka pero hindi mo naman alam kung meron ka pang patutunguhan? O hihinto ka na lang at mag lalakad pabalik kung saan ka nangggaling? kahit ano man ang piliin namin, isa lang rin naman ang kababagsakan namin, pareho kaming TALO.






wala na ba talagang PAG-ASA para sa aming dalawa?


Hindi ba talaga kami para sa ISA'T-ISA?


Kung mag hihiwalay ba kami, SASAYA ba talaga kami?



Parang hindi naman ata, parang sa hiwalayang ito pareho lang kaming nawalan. Kaya isang plano ang nabuo sa utak ko.

 

Sa oras na tuluyan na akong gumaling, babalik ako..

 

At sa muling pag babalik ko sisiguraduhin kong MASAYA na ako.

 



Yan ang iniwan at pag hahawakan ko bago ko tuluyang sinara ang pintuang alam kong balang araw ay BABALIKAN ko pa.:)

 

 

 

 
After Three weeks (Hospital)




 

Magka holding hands kaming nag lalakad ngayon ni Jane, ganyan kami kalapit sa isa't isa ngayon, sinamahan ko kasi siya ngayon sa pamimigay ng kanyang wedding invitations para sa nalalapit niyang kasal, alangan namang binyag? Hehe joke ba yun? Paano naman kasi nakakabagot din mag-isa sa kwarto, ang dami dami kasing bakanteng patients bed sa kwarto namin pero kami lang ang pasyente na tumatagal dun, pero hindi ko naman gusto na may iba pang matulad sa kapalaran namin ni Jane.

 

FOR THE LOVE OF ANNIE ...(ONHOLD muna)Where stories live. Discover now