Chapter 3- Going home part 2...

7.7K 156 28
                                    

(PART  2 NA ITO)

*End of Flashback*


----

Annie?”

Ha? Awchh!” bumagsak lang naman ang can ng softdrink sa paa ko, at dahil naka slipper lang ako ay napuruhan pa ang kuko ko.

Tssssss! Ang sakit, aray!” Nakangiwi kong sabi habang hawak ko ang toe nail ko na lubhang nasaktan.

Oh my god! sorry Annie” Sabi niya habang hinahaplos ang balikat ko

Hindi, Jack okey lang ako” Nag okey sign pa at napakagat labi na lamang para hindi ipahalata ang sakit. Ang tanga tanga ko kasi.

Tulala ka naman kasi, may problema ba?”

Ah wala naman”

Nga pala kailangan na nating umuwi, si Jane kasi parang inaatake nanaman ng asthma, tumawag na rin ang Doctor niya, kailangan na raw siyang ibalik.”

Nasa backseat na pala si Jane ng sasakyan kaya dinaluhan ko siya agad.“Jane okey ka lang ba?”

Nakita kong nakapikit siya na medyo nahihirapan sa pag hinga“Okey lang ako Nag aalala ka pa, nasira ko pa ata ang moment niyo ni Doctor Suarez” Teka? Anong moment ang sinasabi nito? Ngumiti naman siya at nakita kong nakatingin siya kay Jacko, narinig pala nito ang sinabi ni Jane.

Hahahaha, sira ka talaga!”

Sa gitna ng byahe ay binuksan ni Jacko ang music sanhi para mawala ang konting pag kailang na naramdaman ko kanina.


Play the music.--->

Notice me, take my hand.
Why are we strangers when
our love is strong
why carry on without me

Sinandal ni Jane ang ulo niya sa balikat ko, tiningnan ko naman ulit ang mukha niya. “ Okey ka lang ba?”

“Okey lang ako, paulit ulit ka! hehehe” saka sinabayan niya ang music at kumanta.

Everytime I try to fly I fall
Without my wings, I feel so small
I guess I need you baby

Namalayan ko na lang na napapakanta na rin ako kasabay ni Jane.


And everytime I see you in my dreams
I see your face, it's haunting me
I guess I need you baby


Maya maya pa ay nakatulog na si Jane sa balikat ko, dala marahil ng pagod, madali rin kasi siyang mapagod.

I make believe
That you are here
It's the only way
I see clear....

What have I done?
You seem to move on easy


Sa dulo ng kanta ay napalingat ako sa taas ng vanity mirror at napansin kong taimtim pala na nakatingin si Jacko sakin, pansamantala kaming nag titigan habang napapakanta pa rin ako..

FOR THE LOVE OF ANNIE ...(ONHOLD muna)Where stories live. Discover now