Chapter 26: Student and Teacher

5.3K 116 12
                                    

Ysha

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. 2 hours ko ng ginagawa ito at naiisip ko na kung may problema ba ang lungs ko. Natatakot ako. Kinakabahan ako. Nasusuka ako. Ayy ewan halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Parang may sampung elepante ang nagkakaroon ng karera sa tiyan ko at hanggang ngayon wala pa ding nananalo.


"Ganda huminga ka! Mamaya malaglag iyong make up mo eh"


Tumingin lang naman ako sa makeup artist ko dahil kahit anong gawin ko hindi ko magawang huminga. Naiisip ko kasi ang mga bagay na maaring mangyari mamaya.


Paano kung makalimutan ko ang vow ko mamaya? Paano kung maling kamay ang mahawakan ko? Paano kung magfail ako? I won't let that happen to my wedding. Ang wedding na hindi ko alam kung paano naprepare.


But its not important to me. As long as Aj will be the guy waiting for me at the end of the aisle, everything is perfect. Napangiti naman ako dahil pakiramdam ko lahat ng bagay ay nasang tamang posisyon na.


Napatingin naman ako sa pintuan ng may biglang kumatok dun. Tatayo sana akon kaso sobrang bigat ng gown ko kaya sinagot ko na lang.


"Sino iyan?"


"Ysha okay ka na ba?"


Biglang pumasok si mama. At the age of 48 and still my mom is the most beautiful woman I've ever seen. No wonder patay na patay ang daddy kay mama.


"Ma may problema ata sa paghinga ko"


Natatawa namang lumapit sa akin si mama. Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin sa salamin. Any minute from now alam kong papatak na ang luha niya.


"Ang baby ko ikakasal na"


"Ma naman ikakasal lang ako wag ka ng umiyak. I'll still be your princess"


Pumasok naman sa pintuan ang daddy kong namumugto ang mata. Ni minsan hindi ako nagalit kay daddy dahil sa setup na ito. Alam ko naman na gusto niya lang maging maayos ang buhay namin ni kuya Damon.


"Baby girl"


"Daddy"


Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumayo. Wala na akong pakialam kung mabigat ang gown ko. My dad is and will always be my first love. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nakikita ko naman sa gilid si mama na umiiyak.


"Wag ka ng magpakasal baby girl. Dito ko na lang kay daddy"


"Daddy naman!"


Hinampas ko si daddy sa braso. Alam ko namang nagbibiro lang siya. I know na isa siya sa mga taong masaya para sa akin. Lalo na't ang tanging lalaking pumasa sa taste niya ang pakakasalan ko.


Natigil naman ang iyakan namin ng biglang pumasok si kuya. Ang gwapo talaga ni kuya! Nasa lahi namin iyan eh. But I'm scared for him. I know he likes Anika at iyon ang ikinakatakot ko.


May mga bagay na hindi sinasabi si Anika tungkol sa nakaraan niya. I just hope maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa.


My Teacher is my Husband Where stories live. Discover now