Chapter 22: Wedding Plans

5.3K 115 5
                                    

Ysha


1 month! Iyan na lang ang buwan na natitira! Gragradute na ako. On that day I'll be Mrs. Ramirez. Hanggang ngayon hind pa din ako makapaniwala na gragraduate at ikaksal ako. Kamalayan ko bang behind my back nagplano na pala ng kasal ang kumag.


"Baby magpakasal na tayo dali na!"


Eto na naman po tayo mga kaibigan. Ang walang katapusan niyang pangungulit. Si Aj kasi atat na atat ng magpakasal. Nahihili na daw siya kina Marc dahil one big happy family na daw sila. Dagdag pa na buntis ulit si Janine.


Janine and I are good friends already.  Mas lalo kaming naging close lalo na't missing in action ang bestfriend kong si K. I just hope na maging okay na ang lahat. Anyway eto nga pang 100 na beses niyang pangungulit iyan.


Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti siya. Umiwas naman ako kaagad kasi masyadong nakakasilaw.
Mahirap na masyado kasing nakakabulag ang kwagapuhan ng fiance ko.


"Wala pa nga kasi tayong plano ng kasal baby kaya hindi pa pwede"


Ngumiti naman siya as in sobrang ngiti. Nakikita ko naman sa side view ng mata ko. Ngiting alam mong gumawa ng kalokohan. Oh God don't tell me may ginawa na naman siya.


"Kapag ba may plano na ang lahat at ayos na pakakasalan mo na ako?"


Tumingin naman ako sa kanya. Tumitig ako sa mata niya at alam kong may ginawa siya. Pero mukhang imposible naman na naayos na niya ang kasal namin. Tamad iyan eh! Pero kung ayos na nga why not?


"Of course I'll marry you baby"


Lumiwanag ang mukha niya na akala mo may nakatutok sa kanyang flashlight. Tumayo naman siya at umalis. Problema nun.


Tinapos ko muna iyong ginagawa ko dahil practice na kami sa graduation next week. Kailangan maipasa ko na ito lahat sa professors ko para sa clearance.


Naabsorb naman ako sa ginagawa ko na hindi k namalayang nakalagpas na pala ako ng lunch. Teka nga asan ba ang lalaking iyon? After ng kanina hindi na siya bumalik. Nagitla na lang ako ng biglang may yumakap sa akin. Kilala na kung sino.


"Saan ka nanggaling mister?"


Hindi naman siya sumagot sa akin. May binigay siya sa aking envelope na rose scented. Hmm my favorite scent. Nabigla naman ako ng makita kung ano iyon. Seriously?!


Its our wedding invitation! Ayos na lahat! Ginawa niya lahat. Nakita ko naman ang date. Its the day of my graduation. Well after my graduation tsaka gaganapin ang kasal.


Tumingin naman ako sa kanya. Naiiyak ako kasi di ko maimagine na sisipagin siya sa ganitong bagay. Akala niya ata galit ako dahil bigla siyang namutla. Pero napawi lahat ng iyon ng niyakap ko siya ng mahigpit.


"Surprise!"


"Kailan mo pa ito ginawa?! Kaya pala walang katapusan ang pangungulit mo sa akin kung anong gusto kong wedding!"


My Teacher is my Husband Where stories live. Discover now