Chapter 24: Reconciliation

4.8K 113 15
                                    

Ysha


Nakaupo ako ngayon sa kama. Hindi ko alam ang gagawin. Makikipagkita ba ako o pababayaan ko na lang siya? Pero ngayon naiisip ko kailangan namin itong dalawa. Kailangan namin ng closure.


Tumayo ako at nagsuot na lang ng hoodie. Naisip ko din na magpadrive na lang kay manong para mas safe. Nagpaalam naman ako kay mama. Alam naman niya ang kwento sa pagitan naming dalawa ni Nathan.


Habang nasa byahe ako iniisip ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Kung tatanungin niyo ako kung may galit ako sa kanya, wala na. Binura ni Aj lahat ng galit sa puso ko. Nabigla naman ako ng biglang nagring ang phone ko. Si Aj tumatawag na naman! Sinagot ko naman agad.


"Saan ka pupunta?"


"Ahm Aj ano kasi"


"Ano?"


Kahit sa pakikipagusap nararamdaman kong galit siya. Bakit ba kasi ang lakas ng radar ng lalaking ito?! Teka nga paano niya nalaman na umalis ako?!


"Paano mo nalamang umalis ako?"


Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya. Ano na naman kaya ang ginawa ng kumag na ito. Huhulaan ko.


"Sinabihan mo si manang na tawagan ka ano? Kung aalis ako o hindi?"


Mas lalong siyang naging tahimik. Sabi na eh! Hayy lalaking ito he makes fall for him again and again. Hindi ko naman mapigilang mapatawa dahil tama ako ng sinabi.


"Ysha! Saan ka nga pupunta!"


"Aj don't worry hindi ako tatakas sa kasal natin hahahahah"


"Ysha, seryoso ako. Saan ka pupunta? Kapag hindi mo sinabi ako mismo ang hahanap sayo"


Ako naman ang natahimik sa sinabi niya. Alam kong seryoso na siya sa lagay niya ngayon. Iniisip ko naman ang way para hindi siya magalit. Hanggang ngayon kasi nagseselos pa din siya kay Nathan.


"Baby ano kasi MakikipagKitaAkoKayNathan"


Hindi ako huminga habang sinabi ko kay Aj kung saan ako pupunta. Tahimik naman siya. Alam kong sasabog na siya dahil binanggit ko ang forbidden word, "Nathan".


"Bakit?"


Naghihimala na ba ang langit? Hindi siya nagagalit? Baka okay na sa kanya si Nathan!


"Sumagot ka Ysha! Seryoso ako pinipigilan ko magalit dahil alam kong may rason ka kaya makikipagkita ka sa lalaking iyon"


Sabi ko nga galit siya eh. Naaninag ko naman ung coffee shop kung saan lagi kaming nagkikita ni Nathan noon. Mga panahon kung saan nabaliw ako. Its been a long time.


"Baby maguusap lang kami promise. You don't have to worry kasama ko si manong or else you don't trust me?"


"May tiwala ako sayo baby pero sa lalaking iyan wala!"


Napatawa na lang ako dahil sasabog na siya sa selos. Minsan ko ng pinagselos si Aj and believe me hindi maganda ang kinalabasan.


Asan ba ang lalaking iyon? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi mahagilap. Dumaan naman ako sa ibang faculty room dahil baka may meeting siya at nahagip ng mga mata ko si Aj na may kausap.


My Teacher is my Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon