Chapter 18: Surprise

5.7K 127 6
                                    

Ysha



Kami na ni Aj! Kami na talaga! Kami na talaga ang walang label! 3 buwan na ang lumipas simula ng aminan namin sa isa't isa at ang lalaking iyon komportable na sa relasyon naming dalawa hindi man lang ata ako tatanungin ng "will you be my girlfriend?"!

Well duh syempre hindi naman sa nag iinarte ang lola niyo pero diba konting sweetness lang sana. Naghihintay lang naman ako na sabihin niya sa akin ang 3 words na hinihintay ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hayyyy



"Anong problema?"



Sinamaan ko ng tingin si Aj na para bang siya ang pinakamakasalanang tao sa mundo. Hindi ba ganun naman ang mga relationship? Magiging maggirlfriend muna bago ikasal! Ano skip na namin ang part na iyon? Diretso kasal na?! Okay lang naman pero paano pag nagtanong ang mga anak namin tungkol sa lovestory namin?!



Napatigil naman ako sa inisip ko at bigla na lang umiling iling. Narinig ko pa ang tawa ni Aj dahil mukha akong baliw. Baliw na maganda. Stupid Ysha! Anak agad ang pinapasok mo sa isip mo!


"Hoy Ysha!"



"AYY ANAK KO! Aj naman wag mo nga ako ginugulat!"



Nagitla namam ako sa kanya! Sumigaw ba naman sa tenga ko. Lalaking ito napakasadista talaga. Kasu iyong lumabas sa bibig ko "Anak ko" mukhang nababasa ni Aj ang iniisip ko kaya iyong tingin niya sa akin parang nangaasar



"Anak mo lang? Anak dapat natin!"



"Che! Alis ka nga naalibadbaran ako sayo!"


Hindi totoo iyon! Sinong maalibadbaran sa gandang lalaki nito. Sinuntok ko siya sa bandang tiyan pero parang ako pa iyong nasaktan sa pagsuntok ko. Tigas kasi eh!


"Wifey wag iyong abs ko"


"Che wala kang abs! Drawing lang iyan!"


Umupo si Aj sa tabi ko at nilagay niya ako sa pagitan niya para mayakap niya ako sa likuran. Pag sa galing talaga maglambing! Pero infairness kinikilig ako. Sumubsob siya sa balikat ko at inaamoy ang buhok ko


"Bakit ba masungit ang asawa ko?"


"Hindi mo pa ako ASAWA"


Diniin ko iyong term na asawa baka sakaling magets niya iyong gusto kong sabihin na kahit ako hindi makita ang connection


"Doon din naman tayo pupunta eh! So bakit mainit ulo mo? Kailangan mong kiss?! Libreng libre!"


Sinamaan ko siya ulit ng tingin dahil sa sinabi niya. Bastos na lalaki pero ansarap magpahalik hahahah. Hayy ano na ba nangyayari sa akin nahahawaan na ako sa pagiging bastos ng lalaking ito


"Bastos!"


"Hindi ako hubad! HAHAHAHA"


"UGHHHH! Wag mo ko inisin Austin ha"


"Eh bakit ka nga kasi naiinis?"


Mukha namang mahaba ang pasensya na binibigay ni Aj sa akin. Baka nga kapag sa ibang lalaki matagal ng sumuko sa ugali ko. Nagaalinlangan ako kung sasabihin ko ba o hindi. Kasi diba baka sabihin niya hindi na kailangan nun o baka sabihan niyang maarte ako. Ala bahala na this is it!


"Kasi Aj hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong maging girl-"

Naputol naman iyong sasabihin ko ng biglang tumunog iyong phone ni Aj! Nilabas naman niya ang phone niya at nagulat ako ng makita ko kung sino ang tumatawag! "Honey" ang pangalan na nakalagay dun sa tumatawag!


My Teacher is my Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon