Chapter 6

254 19 0

Death

Scheherazede POV

Imbes na sa address na sinabi ni Kiel ay sinabihan ko ang driver ng taxi na dalhin nalang ako sa kagubatan kung saan kami nakatira noon ni Seth. Gusto ko lang  malaman malaman kung nakabalik na ba siya.

Pagkababa ko ng taxi ay nakita kong buo na ulit ang bahay kaya naman masaya akong tumakbo papasok sa loob. Ang kaninang payapang paligid ay biglang naging mainit kaya naman kinalma ko ang sarili ko pero sadyang hindi ko mapigilan ang kasayahang nararamdaman ko.

"Seth!" masayang tawag ko sa kanya. Nakita ko ang pagbukas ng kwarto niya at mula doon ay lumabas siya. Tanging pantalon lang ang suot niya at wala ng pang-itaas pa. Kita din na pawis na pawis siya.

Napakunot ang noo niya nang makita niya ako. Lumapit pa siya sa akin para masuri ang buhok ko tapos ay tinitigan ako sa mata.

"Anong nangyari sa'yo? Nawala lang ako napaguho mo na ang bahay. Tapos pagbalik ko, makikita kita na ganiyan ang itsura?!" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko at tinitignan ang mata ko.

Napayuko nalang ako at napasimangot. Ang kaninang mataas na sikat ng araw ay bigla nalang nawala at napalitan ng makulimlim na langit. Agad naman akong niyakap ni Seth. Alam kong alam na niya na nalungkot ako dahil sa sinabi niya.

"Sige na, namiss na kita kaya alisin mo na yang emosyon na nararamdaman mo. Pero sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa'yo."

Huminga ako ng malalim upang bumalik na sa normal ang nararamdaman ko. Noong bata ako, masasabi kong nagulo ko ang buhay ni Seth dahil sa pagkupkop niya sa akin. Paano ba naman macocontrol ng isang sanggol ang emosyon niya? I was 7 years old ng matutunan ko paunti-unti ang pagkontrol sa emosyon ko.

I brought disaster to Seth's life pero habang lumalaki ako ay siya ang nagturo sa akin kung paano kontrolin ang emosyon ko at maging ang kapangyarihan ko. Pero sadyang may mga pagkakataon na nawawalan ako ng kontrol kapag matinding emosyon ang nararamdaman ko, katulad na lamang kanina.

Kinuwento ko lahat ng nangyari sa kanya simula nang umalis siya hanggang sa pagkupkop sa akin nina Kiel at pag-eenrol ko sa isang school. Nakita ko ang galit sa mukha niya nang matapos akong magkwento.

"Nakisalamuha ka sa mga tao?" bakas sa boses niya ang galit doon kaya napayuko na lamang ako.

Ayaw na ayaw ni Seth na makisalamuha ako sa mga tao dahil ayon sa kanya ay mapanganib ang mga ito pero naisip ko, meron pa bang nilalang sa mundong ito na mas mapanganib pa kesa sa akin? I can destroy this world buy just being mad. Definitely mad.

"Mabait sila. Lalo na ang Mama ni Kiel. Hindi siya nagdalawang isip na patuluyin ako sa bahay nila. Hindi naman lahat ng tao sa mundong ito ay masama, Seth," paliwanag ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Mapanganib pa rin sila at hindi ka sigurado kung totoo ang pinapakita nila! Malay may kailangan sila sa'yo? O di kaya ay kinokontrol lamang sila ng mga Manipulus."

Doon na ako nainis sa kanya. Naging mabuti sa akin ang ina ni Kiel. Kinupkop niya ako ng walang pagdadalawang isip kaya hindi niya dapat ito pagsalitaan ng ganoon.

"Hede," pagtawag niya sa akin ng maramdaman niya ang malakas na hangin.

"Mabuti sila, Seth. Isa pa, anong panganib ang dala ng mga katulad nila, na wala namang kapangyarihan, sa atin? Hindi ba tayo ang mapanganib, Seth? Ang mga kauri mo ay kinakain ang mga katulad nila at ikaw! Ikaw, kahit sabihin nating patay na tao ang pagkain mo, tao pa rin iyon! At ako? Hindi ba't sa mundong ito ay ako na ang pinakamapanganib sa lahat? Isang pitik lang, isang matinding emosyon lang ang maramdaman ko ay magagawa ko ng sirain ang lahat maging ang mundong ito!"

Chord of DisasterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!