Cheska & Tom

17 2 1
                                    


Bata pa lang tayo meron ng Cheska at Tom pati Tom and Cheska. Hindi tayo mapaghiwalay. Madalas ding napapaprincipal's office dahil sa ating mga kalokohan. Nakailang suspencions at detentions pa nga tayo kaya kilalang kilala na tayo ni Mang July kapag nag cocommunity service tayo. Tayo nga talaga siguro ang tunay na definition ng sakit sa ulo.

Pero kahit ilang beses nating subukan maging hari-harian ng eskwelahan, lagi pa rin tayong tinutukso. Maitim-itim pa kasi ako noong bata pa, ikaw naman, medyo chubby. E ang problema. Pareho tayong enrolled sa karate. Kaya tuwing may nang-aasar sa ating dalawa. Nakakatikim agad sila ng kaliwa't kanang flying kick.

Pero minsan, 'di naman natin maiwasan na maapektuhan ng mga batang walang magawa sa buhay. May mga araw pa rin na maiiyak na lang tayong dalawa dahil kahit gaano kalakas ang sipa namin sa mga tumutukso sa atin, hindi pa rin mabubura na pareho tayong biktima ng bullying.

Kakampi natin ang isa't-isa.

Mag kasangga tayo sa kahit anong hamon ng buhay.

At dahil dito, mas tumibay pa an gating friendship.

Sabi ng magulang ko; "Nako Cheska, bangasan mo lang ang bungo non titigil na 'yon!" Paano, nangununa rin pala ang mga magulang ko sa kalokohan noong bata pa rin sila.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masestress sa trait na namana ko sa kanila.

Baliktad naman sa parents mo, kadalasang linya kasi nila: "Anak, dapat strong ka lagi! Wag mo hayaang magpatalo ka sa bully. Ipagpray mo na lang kay God na makuha nila ang proper punishment," sabay abot ng fried chicken sa'yo.

Kaya one day, narealize nating kailangan na nating i-upgrade ang physical appearance natin para hindi na tayo maasar.

Hindi naman kasi pwedeng hihintayin mo na lang na bumait sa 'yo ang mga bully mo.

Kumilos ka rin kasi!

Tamang tama lang din naman dahil tumungtong na tayo sa 7th grade. Kaya oras na rin naman siguro para maconscious tayo sa mukha natin.

Halos lumuhod ako sa mga magulang ko para lang bilhan ako ng whitening soap and lotion.

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, naghihilod rin ako. Minsan feeling ko second layer na ng balat ang tinatanggal ko, pero tinitiis ko ang hapdi dahil para sa akin din naman ito.

Dahil sabi natin, iproprove natin sa mga walang kwentang bully na 'yan na mali silang tapak-tapakan tayo.

Araw-araw din akong nakajacket kahit gaano katindi ang init ng araw. 'Di tuloy maiwasang asarin naman ako ng jejemon ngayon. Pero baliwala na lang siguro ang pawis ko, lagi ko na lang pinapaalala na magiging worth it naman.

Simula rin noon, halos papakin ko na ang kamatis. Papaya, at kung anu-anong prutas dawn a nakakaganda ng kutis.

Pero syempre, hindi naman kita iniwan.

Madalas na rin akong babad sa computer para lang magresearch ng best way para magpapayat. Tuwing weekends, hinihila kita palabas ng bahay n'yo para magjogging.

Minomontor ko rin ang mga kinakain mo. Ako ang tagacheck kung nasusunod mo ba ang mga diet plans mo. Nagmakaawa rin ako sa magulang mo para lang wag ka palamunin ng wala sa oras o kaya naman yung mga paborito mong deep-fried food.

At hindi mo rin naman ako pinabayaan.

Sabay tayong kumakain ng kamatis kahit pareho nating ayaw. Nagsusuot ka rin ng mga hoodie mo para lang may karamay ako. Minsan nga hoodie ko na ang suot mo dahil nasa labahan lahat ng jacket ko.

Cheska & TomWhere stories live. Discover now