CHAPTER 21: LIGHTS, CAMERA, MURDER!

Magsimula sa umpisa
                                    

Mukhang masyado nga kaming napalayo. Hindi na pamilyar ang tinatahak naming daan at malapit na ring dumilim. Napahinto si Gray nang makitang may nakaset up na mga camera sa gilid ng daan. May mga nakatayo ring tent at abala sa sine-set up.

"Oh, ba't ka huminto? Gusto mong manuod ng shooting?", tanong ko sa kanya. Napatingin din ako sa labas. Base sa nakikita ko ay may gagawin na taping at doon ang setting.

"No. I think I saw someone I know there. Bababa ako saglit to say hi, okay lang ba sayo?", Gray asked at tumango ako sa kanya.

Bumaba siya ng kotse at doon ko na lang siya hinintay. Ilang saglit din ang lumipas bago ito bumalik at may kasamang lalaki. He knocked on the window kung saan ako nakaupo. Agad
ko naman iyong binuksan at lumabas ng kotse.

"Amber, kaibigan ko nga pala, si Direk Harrod. Direk, classmate ko po, si Amber", pakilala ni Gray sa amin ng kasama niyang lalaki. He's a tall guy wearing glasses. Halata sa mukha nito
ang pagiging istrikto. Bahagya itong ngumiti at inabot ang kamay sa akin.

"Hi Amber. I have a little request, if you don't mind. I'm making an indie film about a story of a woman. All her hardships in life as a hostess and tonight, on this set ay isho-shoot namin ang eksena ng proposal and I requested Ivan to stay over for the night. Gusto ko kasi siyang gawing double para sa previous guy namin na may sakit at hindi makakapunta dito. They're of the same built and haircut kaya he's perfect for the role. Konting eksena lang naman at nakatalikod pa. Kung okay lang sana sayo na manatili muna", mahabang wika ng direktor.

"Okay lang naman po kung okay lang din kay Gray", pag-aalangang wika ko. Napangiti naman ito at niyaya na kami papunta sa set upang makilala ang casts at crew.

"This will be my second time being a double dahil sa request ni Direk Harrod", kwento ni Gray sa akin habang naglalakad kami.

"Talaga? Sana nag-artista ka na lang. Papasa ka naman dahil gwapo ka naman", wala sa sariling sagot ko.

"Sabi ko na nga bang nagagwapohan ka sa akin", natatawang wika nito. Nasa malawak na oval kami at medyo madilim na ang paligid.

"Yabang nito oh", wika ko at natawa naman ito. "Pero seryoso, pwede naman talaga."

"Nah. Showbiz is not my thing. I want to be an engineer.", wika niya. I was expecting that he would say I want to be part of the police. O kaya naman ay sabihin niyang I want to have my own detective agency someday.

"I thought you want to be a detective", wika ko.

"I do but I want to have a real profession and that's engineering", wika niya. Hindi ko na siya sinagot pa dahil narating na namin ang tent
kung nasaan ang mga artista. They're not known young celebrities pero kilala daw sila sa mundo ng indie films.

The first girl was Katrina Olaza, the main lead. She's 21 years old ngunit napakamature nitong tingnan. Panay ang ngiti niya kay Gray. Kasama rin nito si Nica Ramara, ang gumanap na bestfriend ni Katrina sa film. There were also three guys present at isa roon si Ryan Ignacio. He was the leading man na tatanggap pa rin kay Katrina kahit pa gaano karaming lalaki na ang dumaan sa buhay nito dahil sa pagiging prostitute nito. He's a tall guy na may morenong balat. Isa pang lalaki ay si Bernie Rosero. He's cute and fluffy like a bear dahil medyo chubby ito. In the indie film, he is a rich man who Katrina always entertains at the beerhouse that she's working. Ang huling lalaki ay ang 20 years old na si Kent Torres. He is handsome, yung tipong kababaliwan ng mga babae.

Nakilala rin namin ang camera man na si Kuya Jun kasama ang mga assistant nitong sina Denden at Maymay. There is also the make up artist na si Erna. May pagkain sila sa set kaya nakikain na rin kami doon. Matapos kumain ay hinintay na lamang nilang dumating ang isa pang crew na kumuha ng mga damit at singsing na naiwan nila sa previous set.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon