RAVEN YAEL D. UNICO

BORN: DECEMBER 21, 1992

DIED: JULY 14, 2010

 

Napaluhod na lang ako sa puntod na nasa harapan ko ngayon...

Hindi to totoo db?? Hindi siya to...

“siya.. si Raven Yael Dela Vega Unico... namatay siya dahil sa paglubog ng barkong sinasakyan niya... noong araw ng Kaarawan ko..”

 

Nagsunod-sunod na naman ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.. bakit ganito?? Bakit ganito kalupit ang tadhana?? Ito ang pinakaayaw kong lugar, bakit dito ako dinala??

“masakit Eunice, alam ko... pero ayan na ang pruweba, kalimutan mo na siya.. wala na siya..”

 

“hindi.. hindi pwede to... buhay pa si Ryu.. buhay pa siya..” tapos, humagulgol ako...

Niyakap naman ako ni Kurt, nagpupumiglas ako... galit ako sa kanya.. galit ako sa kanya ! bakit niya ko dinala dito?? Bakit niya ko pinapaniwala sa kasinungalingan na to?? Ndi to totoo, babalik pa si Ryu.. babalik pa siya..

“Eunice.. parang awa mo na... tama na... hayaan mo naman ang sarili mo na maging Masaya...”

 

“paano ako magiging Masaya?? Paano?? Wala na siya ! pinatay mo ung pag-asa ko na babalikan niya pa ko.. bakit ang sama-sama mo Kurt.. bakit ganyan ka??” napaupo na lang ako... nanghihina ako... all this time, ito ang kinatatakutan kong lugar... ayokong magpunta dito.. dahil ndi ako naniniwala na wala na siya.. ayokong maniwalang iniwan na niya ako..

“kalimutan mo na lang siya Eunice... hayaan mo namang sumaya ka... wag mong ibilanggo ang sarili mo sa mga alaala niya... masasaktan ka lang, malulungkot at iiyak... tanggapin mo na ang katotohanan... wala na siya.. at iyan ang ebidensya..” tinuro niya ung puntod na nasa harap namin...

Ang sakit isipin na wala na talaga siya... sa isang taon, akala ko ndi na ganitong kasakit... pero sa tuwing maaalala ko siya... parang inaasinan ang sariwa kong sugat... mahapdi... masakit... malungkot...

“madaling sabihin Kurt.. pero napaka hirap gawin, kung sana kaya ko... matagal ko nang ginawa...”

 

***

Wala pading tigil sa pag’iyak si Euphy.. habang si Kurt naman.. kahit anung pigil, ndi rin maiwasang tumulo ang luha.. nasasaktan siya dahil sa nakikitang inaakto ni Euphy.. lubos itong nasasaktan, lalo na ngayong iniharap niya ito sa libingan ni Ryu..

“sana kaya kong pawiin lahat ng nararamdaman mong sakit para ndi ka nasasaktan ng ganyan... kung kaya ko lang sana, kung pwede lang sana..”  sabi ni Ryu, habang yakap si Euphy..

Patuloy naman sa pag’iyak si Euphy... ndi naman malaman ni Kurt kung paano niya ito papatigilin, dahil nag’aalala na siya dito.. baka kasi mahimatay na si Euphy dahil kanina pa ito umiiyak..

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Where stories live. Discover now