Chapter Nineteen: Savior

Start from the beginning
                                    

"Eh di susunduin kita dito sa talyer."

"Hindi mo na ako maabutan mamaya rito."

"Why? Saan ka pupunta?" Biglang kumunot ang noo niya. "Pupuntahan mo ba si Mark?

Bakit naman niya naisip na pupuntahan ko ang kaibigan niya?

Nakasunod lang ako ng tingin nang dukutin ni Jared ang cellphone sa kanyang bulsa at mayroon tinawagan. "Hello, Mark! Kapag pinuntahan ka ni Patte mamaya ay pauwiin mo na siya kaagad... Basta! Sundin mo na lang ako kung mahal mo pa ang buhay mo. Bye!"

"Why did you do that?" Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.

Ngumisi si Jared at binalingan si Jianne na pasimple palang nakikinig sa may likuran ko."Hey, Cous. Make sure na makakauwi ng bahay itong pinsan mo." Sabay kindat pa rito.

Nagdududa na nilingon ko si Jianne. May pakiramdam ako na nagsabwatan silang dalawa laban sa akin.

"Six thirty sharp, susunduin na kita, Patte. Ayoko ng pinaghihintay." Bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako at umalis.

Aba! Demanding pa ang loko!

"Jared!" Tawag ko nang may bigla akong maalala.

"Yes?" Paglingon niya ay mayroon akong inihagis sa kanya.

"I'm giving back your car." Ang tinutukoy ko ay ang Alfa Romeo na ibinigay niya sa akin. "I'm not comfortable of keeping it." Lalo na at galing iyon sa'yo, gusto ko sanang idugtong.

Dismayadong napatingin si Jared sa car key na hawak niya. At pagkatapos ay inilapag iyon sa ibabaw ng nakaparadang kotse sa tabi niya. "Kung ayaw mo na, ipamigay mo na lang sa iba. I don't take back what I already gave." Madilim ang mukha na umalis siya at dire-diretso sa kanyang sasakyan.

"You are so mean!" Sita sa akin ni Jianne. "Ang suwerte mo nga dahil mabait si Pogi. At least he's trying to make it up to you. Obvious naman na may gusto siya sayo. Ikaw lang itong manhid."

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" Asik ko sa pinsan.

"Ewan ko sayo!" At kinuha ni Jianne ang iniwang susi ni Jared sa ibabaw ng isang kotse. "Kung ayaw mo na kay Alfa Romeo akin na lang."

Mabilis kong inagaw iyon sa kamay niya. "In your dreams!" Sabay talikod. 

"Akala ko ba ayaw mo na? Ang daya mo!"

Wala pang limang minuto na nakakaalis si Jared nang dumating naman si Mark.

"Dok! Naligaw ka yata!" Sinalubong siya ni Jianne. Ngunit hindi man lang niya pinansin ito at tuluy-tuloy sa direksyon ko. 

"Trisha, lets talk!" Hinawakan niya ako sa braso at tinangka niyang hilahin ako patungo sa opisina.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now