*singhap “Okay lang kahit bukas ka pa umalis.” Ano ba ang problema nito?

Nalito ako sa sinabi niya kanina kaya tiningnan ko ang posisyon namin. Nakahiga siya sa sofa at nasa ibabaw ako, nakalilis na rin ang damit ko showing my thighs. Ang manyak niya! Kinagat ko siya pero parang hindi naman siya nasaktan. Tatayo na sana ako kaya lang wrong move kasi sa kamamadali ko eh muntik na akong mahulog mabuti nahawakan niya agad ako at binalik ang posisyon ko kanina pero nakayakap na ako sa kanya. 

“Ay, s-sorry po ma’am and sir, labas muna ako,” sabay kaming napalingon sa tinig na iyon at bigla nalang siyang umalis. 

“Ano ba ‘to! Nakakahiya!” Nag-iinit na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan at napayuko nalang ako sa chest ni Brent habang tumatawa lang siya. Pinalo ko siya sa dibdib. “Tatawa tawa ka pa diyan! Manyak kang aswang ka!”

“Ako manyak? Eh mukhang nag-eenjoy ka ata diyan eh..”

“Ha?” Ay oo nga pala! Tumayo na ako at inayos ang damit ko. Lalabas na talaga ako dito sa office niya.

“Saan ka naman pupunta?”

“Wala kang pakialam.” Umalis na ako at nakahiga pa rin siya sa sofa niya habang tatawa tawa. Nagsmile nalang ako sa secretary niya at paglabas ko pinadyak padyak ko pa ang paa ko sa sahig. “May engkanto ba ang office niya at mukhang palaging may kababalaghan doon?!” Ang pervert talaga na lalaking iyon!

-------

Nagdidinner kami ngayon sa Mendrez’s residence. Mas prefer kong dito nalang kami kesa sa bahay namin dahil baka ano pa ang gawin nung manyak na iyon. 

“Pakiss naman oh,” Nagulat ako nung bumulong si Brent sa tenga ko sabay abot sa isang ulam. Mabubulunan pa ata ako dito. “Babe, are you okay?” Cool lang na sabi ni Brent sabay abot ng tubig at may pahimas himas effect pa sa likod ko. Ano daw?! Babe!

Ininom ko nalang ang tubig at baka mamatay pa ako dito. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ng akmang iinom rin si Brent ng tubig ay kinurot ko naman siya sa tagiliran, hindi na siya nakasigaw kaya inihit nalang siya ng ubo.

“Dahan dahan lang kasi BABE, hindi naman mauuubos ‘yan.” Inemphasize ko pa ang BABE at hinimas himas ko rin ang likod niya.

“Aren’t they sweet?” malambing na tanong ni Tita Samantha.

“That’s why I’m very excited for their wedding! They will surely be a good couple,” sabi ng mommy ko. Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi nila, anong good couple? Kung alam lang nila ang mga pinagsasabi nila.

“So, let’s set the date. How ‘bout 2 weeks from now?” tanong ni Daddy.

“2 weeks? Well, mukhang maganda nga kapag 2 weeks from now”

Married To My Boss (published by Lifebooks) Where stories live. Discover now