CHAPTER 4

200K 2K 47
                                    

 

JAMIE'S POV

 

Ang lakas ng music sa bar, aba't syempre bar nga diba? Gusto naming mag-enjoy at kalimutan ang mga trabaho o problema. Ako lang ang walang partner dito sa mesa pero okay lang naman kahit na-oop ako minsan. I looked at the people dancing and enjoying at the loud music. As usual maraming tao pero hindi naman gaano kasikip. Nakita kong may lalaki na papalapit sa akin.

"Hi miss! Pwede bang makisayaw?" tanong niya. Gwapo naman siya at matangkad pero hindi ko pa rin gusto.

"Sorry, pero pagod ako eh,” pagod na sabi ko. Talagang tinatamad akong sumayaw ngayon, gusto ko lang umupo at uminom. Dismayadong umalis ang lalaki sa table namin pero hindi pa lang siya nakakalayo ay may dumating na naman.

"Hi pretty, pwede bang magtanong?" ngali ngali ko namang sabihin na haller! nagtatanong kana nga eh.

 

"Sure!" Todo ngiti ko pang sagot.

"Titulo ba kita?” Titulo?! Ano bang pinagsasabi nito?! 

"H-ha?!" Nakatingin lang sa amin ang mga kaibigan ko.

"Sa tingin ko kasi pag-aari kita," kumindat at ngumiti pa siya sa akin. Sino ba ‘to? Tumaas ata ang mga balahibo ko dahil sa takot.

 

"Eh, emosyon ka ba?" tanong ko naman.

 

"Bakit?"

 

"Ang FEELING mo kasi,” I arched my brow.

"BOOM!" sigaw ni Althea. Tawa nang tawa ang mga kaibigan ko pati mga kadate nila. Umalis nalang yung pobreng lalaki na kinakamot pa ang ulo niya.

"Mahilig ka pala sa mga banats," tanong ni Cindy habang tumatawa.

"Hindi ah. Nabasa ko lang kasi yun sa internet," umiiling na sagot ko at nagsip sa cocktail drink ko.

"Kaya ka naman pala hindi nagkakaboyfriend kasi lalapit palang eh tinataboy mo na agad," sabi nung kadate ni Zoe.

"Tssss.. Nageenjoy pa po ako sa pagiging single." For sure ako na naman ang target nila ngayon, kaya bago pa nila gawin iyon ay ipagtatabuyan ko na sila. "Pumunta na nga kayo doon! Mga lalaki dalhin niyo na ‘yang mga kaibigan ko sa dancefloor. Alam kong kanina niyo pa gustong magsolo. Haha!" inisang lagok ko ang iniinom ko. Pagsasabihan na naman kasi ako nila tungkol sa BF BF na iyan.

"Kaya mo bang mag-isa?" concerned na tanong ni Althea.

"Oo naman, ako pa." Hello, 24 na po ako. Legal age na, lampas na nga.

"Basta just call us if may kailangan ka, ha?”

Married To My Boss (published by Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon