BRENT’S POV

“Ehem, good afternoon Sir! Here are the files that you were asking.” Napaangat ang ulo ko sa nagsasalita.

“Okay. Put it here on my table.” Gusto kong matawa kasi nakayuko lang siya habang kagat ang labi niya.

“O-okay.”

“So kailangan lang pala ng blackmail.” I rise from my chair and went in front of my table. Hindi siya sumagot imbes tiningnan niya lang ako ng masama. Kanina ko pa kasi siya pinapatawag pero kung ano ano nalang ang mga palusot niya kaya wala na akong ibang choice kundi ang iblackmail siya. Maasar nga ‘tong babaeng to.

“Ang cute naman ng lips mo parang ang lambot,” panggagaya ko sa sinabi niya. Nakita kong nagtitimpi at namumula na ang mukha niya. Kinuha ko ang cell phone ko ng may maalala ako. It’s time to have fun.

JAMIE’S POV

Kainis talaga ‘tong lalaking to, iparemind ba naman ang kagagahan ko?! Tumalikod nalang ako kasi mukhang busy naman ito sa cell phone niya. Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sa kanya ng marinig ko ang boses ko, mukhang yung video ata yun.

“HAHAHA!! S-sige n-na!! Ikaw nalang –first kish ko.. Hihi. Pwede naman d-diba?!”

 

 “Ituloy mo na kashi. Kainnish naman ang tumawag, muntik na eh.!”

 

“WAAAAA!! B-bakit ka may ganyan!!” Tumakbo agad ako papunta sa kanya at kukunin ko na sana yung phone pero iniwas niya lang iyon. Patuloy pa rin ako sa pag-agaw sa kanyang phone hanggang sa natumba kami sa sofa.

“Ano kaya sasabihin nila kapag pinakita ko ‘to?” Nakasmile niyang sabi at itinaas pa ang cell phone para hindi ko maabot.

“Akin na sabi eh!” Pilit ko pa ring inaabot ang cellphone niya.

“HAHA! Ayaw ko nga!” 

"oh bilis na, kiss na. Sa shusunod, t-turuan mo rin ako ha at d-dapat yung l-lips ko lang ang ikikish mo."

“Aba’t akin na sabi eh! WAAAHH” Ano ba iyang sinasabi ko?! Ngayon, as in ngayon na, gusto ko ng lumipad sa ibang planeta! “Ibigay mo na kasi sa akin.”

“Alam mo sa tuwing nakikita ko ang lipsh mo, para nila akong inninvite na halikan shila. Hihi.”

 

“Remembrance ko sabi to – ohh,” narinig kong suminghap siya. 

“Kainis ka naman! Hindi ako aalis dito kapag hindi mo binigay sa akin ang phone na iyan,” patuloy ko parin sap ag-aagaw ng phone at tumalon talon pa ako para mabigatan siya sa akin.

Married To My Boss (published by Lifebooks) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora