Chapter 5.b

1.7K 43 8
                                    

DARWIN's POV

“Lalabas muna ako” paalam ko kay Matsuda.

“San ka pupunta?” tanong niya. Takot ata siyang mag-isa.

“Gagawa ng report. Daming kulang ng report mo” sabi ko sabay irap sa kanya.

“Eh first time ko eh. Fresh grad lang sir.” Rason niya.

“I know but i expected more from you” . sagot ko habang patungo sa kotse. 

Pano yun? Magpapakilala na ba ako as detective? Marami nang makakaalam ng sekreto ko if ever. Hindi maari. Bumalik ako sa loob.

Si Matsuda na lang ang uutusan ko.

MATSUDA’S POV

Ganun ba kataas ang expectations niya sa akin? Kaya ba nya ako pinili?

Oh bumalik agad?

Ang bilis naman. Ano siya superman?

“Matsuda, ikaw na lang ang lumabas” Nag-utos na naman.

“Kumuha ka ng CCTV recordings sa business ni Mrs. Castro, profile ng secretarya at ni Callie Ramos.” Ang daming bilin ah.

“Bakit ayaw mo nang lumabas?” tanong ko.

Tumingin sa akin si D. Tsaka nagsalita

“Sa looks ko, paniniwalaan ba ako kung sasabihin kong detective ako? Maniniwala kaya ung officer ng NBI at ung Secretary?”

Natatawa ako promise..

“Hindi, mas mukha kang killer eh.” Sagot ko. Nakabawi na ako.

Nagpakawala siya ng hangin at parang nainis ata.

“Send me a signal before you come here.”

“Ok.” Sagot ko.

Umalis na ako ng rest house ni Sir Reyes.

Lahat ng bilin niya ginawa ko.  And now it’s time to send a signal.

Excited ako dahil first time ko gagamitin ang cellphone na sumasabog.

Double press green button.

Aba ang bilis ah. Tumatawag agad.

Ang cool pa ng ring tone. Intro ng sweet child of mine.

“Hello D. Tapos na lahat. Anu pa kelangan mo?” tanong ko.

“I need a cake ung strawberry flavor, sweetend mangoes at bumili ka rin ng coffee at sugar.” Sabi niya.

Anu siya bata? Cake? Choosy pa siya ah. Sweetend mangoes? Hmmp,. Naglilihi ba siya?

“Wala bang kanin at ulam?” tanong ko.

“Sige bahala ka na”. Call ended.

Teka naman. Pera ko ba gagamitin ko?

Abuso na yun ah. Assistan niya ako sa kaso, hindi katulong. At ngayun banko na rin niya ako? Ang saya niya ah.

Binili ko lahat.

Pagpasok ko ng rest house, I saw him sitting like an owl. Grabe talaga ‘tong lalaking to.

“WIERDO” yan bagay ng bansag sa kanya.

Nilapitan ko  siya. Biglang tumayo at kinuha ang mga dala ko.

Ang luwang ng ngiti. Parang batang binilhan ng laruan.

Inabot niya sa akin ang isang credit card.

“salamat dito ah. Next time gamitin mo yan” sabi niya.

Sisingilin ko palang siya, nagbigay na ng credit card.

Ibig sabihin wala siyang cash? Mamumulubi ako nito.

Kinain niya ang cake directly from the box. Hindi man lang nagbigay.

Grabe talaga ‘tong wierdong ito.

Bumalik siya sa pagka-upo niya kanina. Inilahad ang kamay. Nagulat ako.

Ano pa bang kelangan niya? Kumunot ang noo ko.

Ahhh. Ung mga para sa imbestigasyon pala.

Bumalik ako sa kotse para kunin ang mga reports.

Kopya ng CCTV, profile ng secretary at ung tatlong Callie Ramos.

BUti na lang naalala ko un. Kung hindi sisigawan na naman ako ng

“Matsuda, BAKA! ” mahirap tanggapin yun. Ngaun pa na alam ko na ang ibig sabihin nun.

Kahit pa hindi ako si Matsuda. Ang layo kaya ng Peter Berrean na real name  ko sa Matsuda.

Half-foreigner ako. Enough na yun para idescribe ang sarili ko.

Baka maagawan ko pa nang eksena si D.

Pagpasok ko, Nakalahad pa rin ang kamay. Patuloy pa rin ang pagkain sa cake.

Ibang klase talaga.

“Oh” inabot ko na.

Tinanong ko siya.

“Bakit ganyan ang upo mo?”

“Nababawasan ang intelligence ko ng 20% kung uupo ako ng normal.”

Tinignan ko lang siya.

DARWIN’s POV

Mabuti na lang naalala niya lahat pati ung mga sweets na bilin ko.

Naintriga pa talaga sa pag-upo ko.

“Nababawasan ang intelligence ko ng 20% kung uupo ako ng normal.” Sagot ko. Gulat ulit siya. Ganito talaga ako eh.

“Eh bakit ang hilig mo sa matatamis?” tanong ulit niya.

“My thinking capacity increases upto 20% kung kumakain ako nito. Mas nagiging alert pa.”

Seryoso kong sagot pero ang totoo walang connect. Pati ung pag-upo. Gusto ko lang. hehehe

Naniniwala naman ata. Hehehe

Hahayaan ko muna para next time bilhan ulit ako.

“Bukas ko na titignan to.” Sabi ko sa kanya.

CHAPTER 6 is next.. :) 

Innocent or CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon