Patungkol niya na sa ilang araw ko nang paghahanap ng impormasyon tungkol sa sinabi ni Eve bago umalis. It pushed me to a conduct a research about the reincarnation spell I used in Cyan as soon as I left Khaos' room.
"Last night I found a passage saying: body and soul that has been separated can never be whole unless they're reunited once more. A test shall be bestowed by Forbidden Magic itself. Fail, and both body and soul will be eaten by darkness where a new being shall emerge, a being never the same as before."
Inilayo niya ang librong hawak at napatitig sa mukha ko. Napaisip siya sa sinabi ko.
It's been days, yet I couldn't find any clear information. Sa totoo'y, nakakabagabag buklatin ang bawat pahina ng mga libro ng itim na mahika. Nakakabigla basahin ang bawat nilalaman. That aside, I can't comprehend everything that's written. There are lot of words which I don't know the meaning. I didn't perform a contract under forbidden magic, I'm not completely a follower. Thus, my knowledge is incomplete.
"Anything else?"
Umiling lang ako. Hindi ko rin kasi talaga kayang tagalan ang paggamit sa mga librong 'yon.
"Are the voices getting to you?" he asked, concerned.
Voices speak directly to my ears everytime I hold a forbidden book; whispering, laughing, even crying. Tempting me, forcing me, enticing me, to form a full forbidden magic contract. And he heard those voice, by just standing outside my door.
"Don't push yourself too much." Namilog ang mga mata ko nang itinaas niya ang palad pahaplos sa sentido ko. "Ang laki na ng eyebags mo."
Napatitig ako sa mukha niya. He dyed his hair back with a little touch of white. He also wore his earrings and went wearing clothes in black like before. Pero kahit pa ganyan na uli ang ayos niya, pumapasok pa rin siya sa mga klase namin. He still read books and wear glasses. It's as if he's combining his old self to who he is now.
Nahimasmasan ako nang mapansing kanina pa pala ako nakatitig sa mga mata niya. "P-parang kailangan kong maghilamos," paalam ko nang maalala ang sinabi niya tungkol sa eyebag ko.
Bahagya kong ini-angat ang ulo niya at ipinatong sa bag ko na magsisilbing unan.
"Saglit lang ako. 'Wag kang aalis sa tabi ng mga kaibigan mo." Bilin ko pa bago nagmamadaling naglakad palayo.
I entered the closest washroom and went straight for the sink. I started washing my face under the running water. Ilalayo ko na sana ang sarili sa tubig nang maramdamang may kamay na pumigil sa buhok ko. Inginudngod ako nito sa bukas pa ring gripo.
"Kailangang hugasang mabuti 'yang kalandian mo." It was Gerardine.
Kahit hirap makahinga dahil sa tubig pinilit kong manlaban. Nagawa kong tapakan ang paa niya kaya napabitiw siya sa 'kin. Napasandal naman ako sa pader habang naghahabol ng hininga.
Tatakbo na sana ako palabas nang hawakan niya 'ko sa leeg.
"You're just a maid, you'll never be a part of us!" Pinandilatan niya 'ko ng mata. Mahigpit ang pakakasakal ng mga kamay niyang pinipilit kong alisin sa leeg ko.
Dahil hindi ko kayang makawala sa gano'ng paraan, inipon ko na lang ang lakas saka hinatak siya sa magkabilang balikat bago malakas na tinuhod sa sikmura. Napabitiw at napanganga siya sa sakit.
Mas lalong tumalim ang titig niya na akmang susugod na naman. I was still coughing, but I braced myself. I'll be ready this time.
Patakbo na siya papunta sa 'kin nang may humaklit sa bewang niya. "Whoa! Easy, sis." Maagap na napigil ni Gerard ang kapatid. "You too, Laida." Nakangiti siyang bumaling sa 'kin. "Para kang makikipagsuntukan." Tukoy niya sa magkabilang braso kong nakataas at handa ngang manuntok. "Chill lang kayo."
"Let go!" Pagpupumiglas ni Gerardine na hindi nito pinansin.
"Sorry, mainitin lang talaga ang ulo ng kakambal ko. Deep inside she's nice."
"I'm also nice deep down." Inangilan ko sila.
He just grinned ear to ear. "Didn't know that you can be gutsy."
"I said let go, dumb Gerard!"
"I like how persistent you are, dear sister," he answered as he carried the raging girl over his shoulder. Lalo tuloy lumakas ang mga sigaw nito. "See you, Laida." Bahagya pa niya 'kong nilingon bago naglakad palabas bitbit ang kapatid.
"We're not done, bitch!" Gerardine raised her middle finger.
Itinaas ko ang magkabilang pang-gitnang daliri ko. I gave her double of what she did. Nang makita ang ginawa ko, lalo siyang nagwala habang inilalayo ng kapatid.
Saka ko lang namalayan na basang-basa pala ang damit ko dahil sa ginawa sa 'kin ni Gerardine. Pinili kong dumiretso sa locker room ng university para magpalit muna ng P. E uniform bago bumalik kay Khaos.
I was rummaging for my uniform in my locker when I noticed a portal appearing on the wall.
Naestatwa ako sa kinatatayuan nang mapagsino ang lalaking inaalalayan ni Eve na tumayo.
I threw a confused look at her. Hindi ko mabuo-buo ang mga tanong na gustong banggitin dahil sa kalituhan.
Eve just opened her mouth for a bit, and closed it again. Hindi rin siya sigurado sa kung ano ang dapat sabihin.
All I could do was bit my lower lip as I stare at them.
YOU ARE READING
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasyI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
XV: WHO?
Start from the beginning
