Chapter 28 - The meet up

1.5K 35 0
                                    

Butter and Jelly – Chapter 28: See you again


Butter 

Nagising ako sa isang tao na humahaplos sa mukha at buhok ko and then I saw Jillian, ang taong walang ginawa kundi pahirapan ako. Pahirapan ako sa lahat-lahat. Ngayon ang gusto ko nalang makita ay ang magandang mukha ni Jelly, ang pag ngiti nito sa akin beneath the sunset. 

Oo magkamukhang magkamukha sila pero totoo nga ang sinasabi nila ang love mararamdaman mo lang para sa isang tao. Nakaramdam ako ng kirot sa pisngi ko, namamaga na naman siguro ang pisngi ko dahil sa pagsampal sa akin ni Jillian. The usual pero sanay na rin naman ako, I always wake up to a shitty pain and a fuck up life with Jillian. 

 Kung sana meron lang akong magagawa na iba, or may mabait man lang dito na katulong sa bahay na magsumbong pero wala lahat kami takot kay Jillian. 

 "Butter, I'm sorry please patawarin mo na ako. I've prepared you breakfast." Sabi naman nito, ngumiti ito sa akin and damn all I can remember is Jelly bakit ba kasi magkamukha sila? 

"I'm not hungry, papasok na ako sa flower shop today at wag mo nalang akong sunduin." I know this part, ito yung parte na magsosorry siya ng magsosorry hanggang sa magalit at gawin niya yun ulit sa akin. 

 Mababaliw na yata ang utak ko sa kakaisip kung anong mangyayari after this, ganito nalang ba ako sa araw araw ng buhay ko? I want to cry pero it seems like pati mga luha pagod na pagod na rin. 

"But Butter you need to eat." Sinubukan naman ako nitong subuan pero tinapon ko lang ang kutsara at nahulog ito sa kama ko. 

"Ayaw ko okay? Hindi ako gutom." Hindi ako tumitingin rito pero alam kong galit na ito. 

"Pagsinabi kong kakain ka! Kakain ka!" Marahas naman nitong kinuha ang mukha ko, and she put all of the food in my mouth. Jusko, ito nanaman sila ang mga luha ko. Patuloy na naman sila sa pagtulo pero hindi ako sumigaw, wala kang maririnig na sigaw. 

"Ano masaya kana na nakikita akong ganito?" Tanong ko naman dito, at parang bigla naman itong natauhan sa ginagawa nito. 

"Butter, I'm sorry hindi ka kasi nakikinig sa akin gusto ko lang naman kung ano ang best para sayo." Hinaplos naman nito agad ang mukha ko. 

"Jelly is the one who's best for me, siya lang naman Jillian bakit ba hindi mo nalang akong hayaan na puntahan siya at maging masaya kami. What's happening right now? Ito ang pinakamiserableng parte ng buhay ko! Hindi ko nga alam kung bakit to nangyayari to sa akin, because honestly hindi ko to deserve. I don't deserve any of the crap you're giving to me." Akmang lalapit ito sa akin pero mabilis kong nakuha ang isang butter knife sa gilid ng tray. 

"Look Butter just calm down okay?" Akmang hahawakan pa nito ang kamay ko, pero itinutok ko sa kanya ang kutsilyo. 

"You're not the only psycho in this house Jillian, kinukulong mo ako sa mundo mo na hindi ko gusto. Kaya wag kang magulat baka isang araw mapatay na kitang hayop ka!" Sigaw ko naman rito, tila nagulat naman ito sa ginagawa ko at isang halaklak ang pinakawalan ko. 

Playing crazy is nice at mukhang nadadala naman si Jillian. Yan matakot ka nga. 

"Please Butter just calm down okay? Magiging okay rin ang lahat." Tunay na ngang baliw si Jillian, holyshit sana hindi ko nalang siya naging crush noong una.

"Magiging okay rin ang lahat? Are you blind? O bingi? Nasan dito ang okay ha Jillian? Ikaw oo masaya ka pero ako? Alam mo napakaselfish mo and you're fucking bossy too! Kinulong mo na nga ako dito at ikaw pa ang gumagawa ng decision sa buhay ko? For fucks sake! English lit ang gusto ko! I don't want to take some business crap pero tangina dahil sayo iyon ang natapos ko!" It feels better na ilabas ang sama ng loob ko, umiiyak man ako ngayon pero alam kong sa sarili ko na I'm strong and I'll get through this.

What happened in Beihone [ under revision ] Where stories live. Discover now