Wala kaming pasok ngayon pero inakit kong lumabas si Sin Bi, at tulad ng inasahan ko ay hindi niya ko tinanggihan. Nasa isang famous korean restaurant ako kung saan kami magkikita ni Sin Bi. Sakto lang sa oras ng usapan namin nang dumating si Sin Bi. Kinawayan ko siya pagkakita ko sa kanya. Agad ko naman siyang pinaupo pagkadating niya.


Sin Bi: anong meron? At naisipan mo biglang makipagkita?

Ako: ah.. mamaya ko na sasabihin sayo pagka-order mo. (agad akong tumawag ng waiter) Waiter!


Agad namang lumapit sa 'min yung tinawag kong waiter at kinuha niya yung mga order namin. Pagkaalis nung waiter...


Sin Bi: ano ba yung sasabihin mo? At dito mo pa sa restaurant na 'to naisipang makipagkita??

Ako: uhm... kasi... uhm... mamaya na lang, kapag kumakain na tayo. (sabay ngiti)

Sin Bi: hay naku! Pa-suspense ka, alam mo ba yun!?


Nang dumating na yung order namin, at habang kumakain kami ay halatang hindi na talaga makatiis pa si Sin Bi na malaman yung sasabihin ko, kaya muli niya kong kinulit.


Sin Bi: (bigla niyang binitawan yung chopsticks niya) J alam mo, hindi ako makakakain ng maayos hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin yung dapat mong sasabihin! Ano ba kasi yun!? sabihin mo na kaya!


Agad akong napahinto sa pagkain ko.


Ako: (kilala ko na siya at nasa ugali na talaga niya ang pagiging MAINIPIN) Sige na, sasabihin ko na, pero ipangako mong hindi ka magagalit ha??

Sin Bi: (?_?)

Ako: mangako ka!

Sin Bi: oo na! hindi ako magagalit. Ano ba yun??

Ako: (huminga muna ako ng malalim) tanda mo pa ba nung nangako tayong dalwa???....

Sin Bi: ng ano??

Ako: na hindi tayo magkakaron ng feelings sa isa't-isa. (hindi siya nagreact) uhm... kasi Sin Bi..... gusto kong humingi ng tawad, dahil... hindi ko nagawa yung pangako ko. (wala pa rin siyang reaction pero pansin ko na sa mga mata niya ang unti-unting namumuong emosyon) sana patawarin mo ko, dahil..... nagkagusto ako sa bestfriend ko.


Wala pa rin siyang imik at kibo, kaya naman agad kong naisip na sumama yung loob niya sa nalaman niya.


Ako: oy Sin Bi? Magreact ka naman oh? Maskinakabahan ako sayo kapag wala kang reaksyon eh. Kung galit ka, okay lang, sampalin mo ko! kurutin mo ko! o kaya tadyakan mo ko! hindi ako papalag promise!.. Oy?


Medyo nagulat ako nang bigla siyang tumawa.


Ako: oh? bakit ka tumatawa?

Sin Bi: wala lang, nakakatawa ka eh!

Ako: hindi naman ako nagbibiro eh. Gusto kita Sin Bi, matagal na. Wag mo naman sanang isipin na nagbibiro pa din ako, dahil SERYOSO na ko ngayon, at totoo ang sinasabi ko.


Muling naging seryoso ang mukha niya. Sunod niyang ginawa ay tumayo siya at aktong mag-wowalk-out.


Ako: teka, san ka pupunta?

Sin Bi: uuwi na, hindi na kasi ako natutuwa sayo eh! dyan ka na! (sabay walk-out)


Agad ko siyang sinundan palabas. Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan.


Ako: sabi mo hindi ka magagalit!?


Kinalma niya yung sarili niya at tumigil siya sa paglakad. Tumigil siya pero hindi na niya ko tiningnan, iniyuko nalang niya ang ulo niya, at tinakpan niya ng kamay niya ang mukha niya. Maya-maya pa'y narinig ko nalang siyang umiiyak, dahilan para medyo magpanic ako at mag-alala.



~Sin Bi's POV~



Hindi ko na kinaya at napaiyak na ko.


(Nakakainis! Bakit siya umamin?! Hindi ako handa! Hindi ko akalaing pareho kami ng nararamdaman. Oo aaminin ko.. hindi ko alam, pero bigla ko nalang naramdaman na nafofall na ko sa bestfriend ko! Ang hindi ko lang maintindihan, diba dapat masaya ako dahil umamin na siya?! Pero bakit ako nag-iiyak!?? Dahil kaya 'to sa sobrang pagkabigla?? Haiyst... nakakainis talaga! Hindi ako naiinis kay J-Hope, kundi sa sarili ko!!)


Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin.


J-Hope: oy Sin Bi, okay ka lang ba? bakit ka naman umiiyak??

Ako: (Hindi ako sumagot at patuloy lang ako sa pag-iyak ko)

J-Hope: sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan. Wag ka ng umiyak please? (kinabig niya ko palapit sa kanya at ikinulong niya ko sa bisig niya na halatang sinusubukan niya kong icomfort)


Ilang sandali pa kami sa ganung pwesto at hindi nagtagal ay tumahan na din ako sa pag-iyak ko. Agad kong inayos yung sarili ko, at tinulungan pa niya kong punasan yung mukha ko na nabasa ng luha.


J-Hope: okay ka na ba?

Ako: (tumango lang ako bilang sagot)

J-Hope: wag ka ng iiyak ha? Ayokong nakikitang umiiyak ka eh, ha?


Walang anu-ano'y bigla ko siyang sinapok.


J-Hope: aray! (sabay hawak sa ulo niya) bakit mo naman ako sinapok??

Ako: nakakainis ka eh!

J-Hope: anong ginawa ko??

Ako: bakit kasi ngayon ka lang umamin?!

J-Hope: huh?

Ako: alam mo bang pareho lang tayo ng nararamdaman? Matagal ka na palang may feelings para sa 'kin, bakit ngayon ka lang umamin!!

J-Hope: eh kasi... ano... na-natakot ako eh! na baka pag-umamin ako sayo.. ireject mo lang ako, at ang masaklap pa.. baka pati yung maganda nating pinagsamahan bilang magbestfriend ay maapektuhan, at ayokong mangyari yun!

Ako: kalalaki mong tao napakaduwag mo!

J-Hope: Sorry. Uhm... so ano?... tayo na?? (sabay medyo ngiti)

Ako: anong tayo na?? aba! sineswerte ka! Manligaw ka muna noh! hmf! (sabay walk-out)

J-Hope: MU na tayo diba!?...

Ako: manligaw ka muna! (at nagpatuloy lang ako sa paglakad ko)

J-Hope: teka! Hintayin mo ko! (at sumunod na siya sa 'kin)


Ngayon ay pareho na kaming nagkalinawan ni J-Hope na hindi na basta magbestfriend ang turingan naming dalwa, dahil anytime ay pwede na naming iextend yung relasyon namin to the next level na higit pa sa pagiging magbestfriend.

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن