Pero walang panahon para magdrama dahil hinihintay na ako ni ate Dor. Sabay kaming mag-aagahan at medyo kanina pa niya ako hinihintay. Tapos na akong maligo at bihis na rin nang may kumatok sa pinto. Baka room service. Hindi ko na sinilip kung sino dahil wala naman sigurong makakatakas na serial killer dito sa super secured at sosyal na hotel.

"Good morning. Wala si ate dito?"

Parang may kuryenteng bumalot sa katawang lupa ko at sumakop  sa aking pagkatao ng ubod na lakas na kabaduyan. Hindi ako makapagsalita, hindi makakilos. Gusto ko siyang titigan at yakapin para mapatunayan kung totoo ito.

"Huy, okay ka lang?"

Lalapit sana ako sa kanya para yakapin siya nang sobrang higpit kaso-.

"Edward?" tawag ni ate Dor na nakapagbalik ng katinuan ko. "Ambilis ng byahe mo."

"Yes, buti nga at hindi ako inabutan ng traffic kundi na-late na ako sa flight ko."

Sabay silang tumingin sa akin nang may pagtataka.

"Bakit? Bakit ka nandito?" mahinang tanong ko. Shoot! Mukha akong tanga.

Pumasok na si Edward sa loob ng kwarto. "Pinapunta ako ni Daddy. Sort of reunion daw namin kahit tatlo lang kami."

"No, kuya Arthur is also coming tonight. I already bought him a ticket for the show."

Tulala pa rin akong sumunod sa kanila sa loob.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Edward at hinawakan pa ang noo ko. Shoot! Gusto ko siyang yakapin.

"Hindi pa kasi siya nagb-breakfast."

"Kaya pala. Tara, sabay na tayo."

Sinabayan niya akong kumain kahit pa nga wala akong gana. Ano ba tong nangyayari sa akin?

"Okay ka lang ba? Yung totoo. Parang matamlay ka kasi," sabi niya sa akin. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Kinikilig ako. "O, ngayon naman natatawa ka. Aba, malala na yang sakit mo."

"Baliw! Okay lang ako," sabi ko na pinipigil ang ngiti.

"Anong oras nga ba yung seminar?"

"4 PM."

"Tagal pa. Gala muna tayo. Ay, hindi pala pwede, baka maubos energy mo para mamaya."

Parang may kumuryente sa dibdib ko. "Hindi! Okay lang!"

Natawa siya. "S-sige. Saan mo gustong pumunta? Disneyland?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Basta libre mo yung rides!"

"Kuripot mo Lukring."

Natawa ako. Ansaya ko na. "Libre ko na lang yung food."

"Baka akala mo parang Enchanted Kingdom lang to ah. Mas mahal to."

"Oo na."

"Good."

"Edwardo."

"Bakit?"

"Hindi ka ba pagagalitan ni boss nyan dahil pumunta ka dito?"

"Hindi yun."

Umaasa pa rin akong sabihin niyang ako ang dahilan ng pagpunta niya dito.

"So... So kung hindi ka sinabihan ng Daddy mo, hindi ka babyahe?"

Napaisip muna siya bago lumingon sa akin. "Kailangan mo ng bantay in case hindi kayanin ni ate yung ka-bitter-an mo." Okay, masaya na talaga ako. "And besides," Nilabas niya ang isang papel, " marami pa tayong plano dito." Nawala yung ngiti ko. "Ay, konti na lang pala matatapos na natin. Anim na lang."

"H-hindi pa ako pumuputi."

"Bilhan na lang kita ng gluta at kojic soap. Tapos tumaya ka na rin sa lotto. Paano ka mananalo kung di ka tataya?"

Marami pa siyang sinabing solusyon at plano sa wish list ko pero wala na akong maintindihan. Ayokong isipin na matatapos na itong adventure na ito. Ayoko.

"At after ng seminar at show, marami ka nang magiging idea para sa fashion line. Pag may business ka na, pwede ka nang hindi magwork."

Eto pa. Eto pa! Magreresign na ako? Totoo namang ayoko sa trabaho ko pero... Hindi pa ko handa.

Tumayo na ako.

"O bakit?"

"Tara na sa Disneyland. Sayang oras."

"Wow, excited?"

30 minutes ang byahe mula sa hotel hanggang Disneyland. Pero hindi kami nakapasok dahil madugo ang ticket. Tinitigan ko na lang ito mulsa sa labas. Sayang nga eh. Gumala na lang kami sa mga lugar sa Wan Chai North, malapit lang sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre na paggaganapan ng seminar at fashion show mamaya. Parang Pinas din ang itsura ng Hongkong. Parang Manila pero iba lang ang sulat. Buti kaunti lang ang tao kaya nakalibot kami ng maayos.

"Last week nagcheck ako ng Facebook account."

"Meron ka pala nun?"

"Oo, hindi ko lang binubuksan kasi puro pictures nina DK at Dana ang nakikita ko."

"Add mo ko."

"Opo," natatawang sagot ko."Nag-message sa akin yung high school friend ko. Nagyayaya sa reunion."

"O."

"Sobrang tagal ko na silang hindi nakita dahil iniwasan ko rin sila dahil kay DK."

"Bakit?"

"They just... reminded me of him."

"Pupunta ba siya?"

"Ewan. Oo daw pero, di ko sure."

"Si Mandy?"

"Hindi. Ibang set of friends ko sina Mandy. Long story."

"Wow. Daming friends. Pupunta ka?"

Tumingin ako sa mga dumadaang sasakyan. Hindi ko kasi alam ang isasagot so baka may sagot dun.

"Ewan."

"Well, in my opinion, you should go. First, you need to explain and apologize sa barkada mo na dinamay mo sa ka-bitter-an mo."

"Harsh."

"But true. Second, kailangan mo na siyang harapin ngayon. Kung hindi ngayon, kelan pa?"

"Linya ba yun sa pelikula?"

Tumayo siya at tumitig sa akin. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala, iba ka lang pag kasama mo siya."

"Sino?"

"Dioskoro."

"Ha, anong iba?"

"You seem so... calm, and kind. Pero yung mga mata mo, as if they're longing for something." Tumaas ang kilay ko. "Maybe you're right. You must really love him."

"Ganun?"

Eh bakit parang... iba? Shoot! Gusto ko pa rin siyang yakapin. Edward! Nakakabaliw ka naman.

Humarap siya sa akin na may ngiti na. "Malapit na mag-2PM. Baka ma-late ka sa seminar."

"Ay, oo nga." Tumayo na ako mula sa bench na kinauupuan ko.

"Hindi pala ako sasama sa seminar. Susunod na lang ako sa show. Sunduin ko lang si Dad sa airport."

Eto na naman. Di na naman kami magkasama. Ano ba to! Daig ko pa ang overprotective girlfriend.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon