Taas-kilay with evil smile ang sinalubong ko sa kanya.

"Bakit?" Pinasingkit ko pa ang mata ko para i-emphasize ang pang-aasar ko. "Tara na nga, bili ka na ng gulay."

Tapos na kaming mamili pero hindi pa kami umuuwi. Nasa tapat kami ng Department store, hinihintay si Edward.

"Tagal naman nun," bulong ni Crey habang tumatanaw-tanaw.

"Excited?"

Paglingon ko sa kanan ay may nakita akong pamilyar. Lalaki at babae.

Oh my gosh! Si Dustin, kasama ang jowa nito.

Lumingon ako kay Crey na patanaw-tanaw pa rin. Papalapit na sina Dustin pero mukhang hindi pa rin napapansin ni Crey.

"O bakit?" tanong niya nang mahuli akong nakatingin sa kanya. Sasagot sana ako pero nakalapit na si Dustin at kinalabit siya.

"Uy, long time no see."

"DK?" Halatang nagulat si kapatid.  "A, kamusta?"

"Okay naman. Nakilala mo na si Dana diba?"

"Ah, oo. Hi."

Nagtitigan pa sila nang wagas na ka-awkward-an.

"Sige, una na kami. Magsho-shopping pa to eh."

"Sige, ingat."

Natulala pa si Crey bago ako magsalita. "Okay ka lang?"

Tumango siya. Maya-maya biglang nanlaki ang mata at ngumiti. Lumingon ako sa tinitingnan niya at nakita si Edward na papalapit sa direksyon namin. In fairness, anlayo pa lang nito pero wagas na ang ngiti ni kapatid.

"Ambagal."

"Sorry."

"Ang-itim mo na. Hahahahaha."

"Okay lang, pogi pa rin naman."

"Yabang."

"Ehem," sabi ko. Epal lang,

"Hi ate," sabi ni Edward, "kamusta?"

"Dumaan si Dustin kanina dito. Hindi ako ang dapat kamustahin."

"Grabe, namamalat ka na o," sabi ni Crey kay Edward.

"Hindi naman effective yung sun block."

Ay, anggaling, hindi pinansin yung sinabi ko.

Nakita ko ulit na papalapit si Dustin pero hindi na kasama ang jowa nito. 

"Uy, ambilis magshopping a."

"Hindi, nag-CR si Dana. Hinihintay ko lang."

"Ah, DK, boss ko."

"Pare," Inabot ni pogi ang palad kay DK, " Edwardo nga pala. Ikaw si Diosk-"

"Dustin," singit ni Crey habang tinitigan ng masama si Edward.

"Boss? Ano ngang work mo Cresia?"

"Accounting clerk, dun lang sa JMC building, mga three years na. Ikaw?"

"Freelance engineer. May offer nga sa akin sa Dubai pero-"

"Dubai? Okay yun ah."

Napakamot sa ulo si Dustin. "Kaso mukhang ayaw ni kumander. Anlayo nga naman."

Inoobserbahan ko ang mga titig ni Edward sa dalawa habang nag-uusap. May ngiti pa rin siya pero hindi kasingsigla ng kadalasan. Panay din ang lunok niya kapag napapangiti ni Dustin si Crey.

"Maiintindihan niya yun. Para sa future niyo naman yun. Anggaling mo nga eh, engineer."

"Napatingin si Edward kay Crey nang banggitin niya yun. Tapos unti-unting nawala ang ngiti niya.

Matapos ang maikling kwentuhan ng naudlot na love team, dumating na ang jowa ni Dustin. Nang magpaalam ang mga ito, nawala na rin ang ngiti ni Crey.

"Okay ka lang?" tanong ni Edward.

Nag-isip pa si Crey bago sumagot. "Mas okay kesa dati."

Sumimangot si Edward. "Yun na pala yun."

"Ano?"

"Yun na si Dioskoro? Phew!"

"Anong? Anong trip mo na naman?"

"Yun yung kinabaliwan mo ng ilang taon?"

"Angyabang mo talaga," sabi ni Crey habang tumatawa. Naglakad na kami para maggala.

"Ano namang pagyayabang ko? Hindi naman ako engineer," narinig kong bulong ni Edward. Lumingon si Crey sa kanya. "Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay ang alindog ko." Natawa naman kami sa sinabi niya.

Hinatid kami ni Edward pauwi ng bahay matapos maglakwatsa. Syempre pinatuloy namin siya sa aming munting mansyon bago siya umalis.

"Buti naman at nakauwi na kayo. Gutom na ko," sabi ni Mama. "Oh, who's this?"

"Good evening po," bati ni Edward.

"Ma, boss ko," matabang na pakilala ni Crey.

Lumapit si Mama at inasikaso si Edward.

"Ampogi naman ng boss mo."

"Thank you po tita."

"Tita? Call me Silvia."

"Silvia?" gulat na tanong ni Edward.

"Yes, why?"

"A, si Tito po anong name?"

"George. George Manansala," sagot ni Papa.

"Wow."

"Bakit?"

"Wala lang po. Hindi lang ako sanay na nakakarinig ng pangalang... Normal, sa bahay na to." Tumawa siya. "Joke lang po."

"Oo nga naman. Sisihin mo silang pangit ang pangalan ko," sabi ni Crey.

"Ipinangalan kaya kita sa Lola mo."

"Ma, Lucinda ang pangalan ni Lola."

"Pangmatanda yun."

"A, so modern ang Lucresia?"

"Okay lang naman ang pangalan mo," sabi ni Edward, "Lukring."

Natawa kami sa sinabi nito.

"I hate you people."

Tumayo si Mama at nag-unat. Lumapit si Papa niyakap siya sa likod, tapos nag-sway-sway sila na parang nagsasayaw kahit walang tugtog. Nagbubulungan pa na parang teenager na nasa prom.

Napatingin sina Crey at Edward sa dalawa tapos nagtinginan.

"Masanay ka na sa dalawang yan. Anlalande."

"Ang-sweet nga eh," sabi ni Edward habang nakatitig sa kanya.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon