"Eh bakit hindi n'yo na lang rin ilipat si Lolo?" Tanong ko.

Umiling si Mama. "'Yon ang gusto ni Lola mo. Tska kapag namatay na rin daw s'ya, doon rin n'ya gusto, kasama ni Papa Berting. Mas gusto n'ya sa memorial park para daw mukhang garden, ayaw raw n'ya sa mausoleum. Pati si Papa mo, gusto isama sa kan'ya.."

Tumawa ako.

"Pagbigyan n'yo na lang si Lola."

Alas dos na ng hapon dito, sa Canada naman ay alas dos na ng madaling araw kaya paniguradong naghihilik na si Jack.

Habang nag sscroll ako sa facebook ay biglang may nagnotification saakin. Nagulantang ang buong katawan ko nang makita kung ano 'yon! Kung sino 'yon!

Pierce Jyn Jimenez sent you a friend request.

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang sumakit 'yon sa hindi malamang dahilan. Dinala ko ang kamay ko at tinapat sa puso ko para patilain 'to.

Tinitigan ko munang mabuti 'yon. Totoo ba 'to? O namamalikmata lang ako? He just.. added me on Facebook.

Lumunok ako bago in-accept 'yon.

Pagkatapos na pagkatapos ko s'yang i-accept ay nakatanggap ako ng message mula sa kan'ya sa FB messenger.

Pierce Jyn Jimenez:

Hi ate Princess! Bakit di kayo friends sa FB ni Pierce? I'll add you later sa account ko. Irene here :)

Hindi agad ako nakapagreact. Oh. It's Irene. Oh. Hawak n'ya ang phone ni Pierce. Oh.. I get it.

Mabagal akong tumango at nagreply.

Princess Jade Torres:

Hello! Kagagawa ko lang kasi ulit ng FB.

Pagsisinungaling ko na lang para hindi s'ya makahalata.

Pierce Jyn Jimenez:

Pogi pala ng boyfriend mo 'te Princess! Huwaw. Green eyes! Hihi!

Siguro ay tinignan n'ya ang profile ko. Si Jackson ang nagpalit nito. Naka-akbay s'ya sa akin don habang kinukurot ang pisngi ko.

Princess Jade Torres:

Syempre! Haha.

'Di ko malaman ang sasabihin kaya iyon na lang ang sinabi ko. Hindi na s'ya nagreply. Ako naman ay nagstalk kay Pierce.

Tinignan ko ang mga profile pictures n'ya doon. Puro magisa lang s'ya. His appearance has changed so much at ngayon ko lang 'yon napansin. Ngayon na natititigan ko na s'ya ng malaya. Ang magandang kilay n'ya ay nanatiling ganoon. Ang malamig at inosente n'yang mga mata ay lalong gumanda. Ang ilong n'ya at lalo na ang labi n'ya.. His jaw is now more noticeable. And damn that Adam's apple! Ang masasabi ko lang talaga ay lalo s'yang gumwapo. Talaga. Sobra.

Ang sumunod kong tinignan ay si Irene. Sofia Irene Calderon ang full name n'ya. Hindi pa kami friends pero hindi naman private masyado ang account n'ya. Ang current profile picture n'ya ay isang mirror selfie. Nasa likod n'ya si Pierce.

Ngumiwi ako at tinignan pa ang ibang picture na upload rin ni Irene.

Pumukaw sa pansin ko ay 'yung naka black muscle tee si Pierce na loose. It's a stolen shot. Pierce is talking with a girl bartender while leaning on the bar counter.

Litaw ang gilid ng katawan n'ya sa bandang sleeve. Mayroon doong.. tattoo. Hindi ko alam kung Chinese o Japanese letters. He's got a tattoo? Isang letra lang ang kita doon dahil natatakpan na ng damit n'ya ang sumunod na letra na mukhang taas-pababa ang pagkakalagay. Nagsimula ang tattoo sa ibaba ng armpit n'ya, sa gilid ng dibdib at pakiramdam ko'y pababa iyon sa kan'yang hip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TKP II: Am I Wrong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon