Chapter 6

23.9K 872 386
                                    

AIW 6

"Bakit ba kasi ayaw mo 'kong payagan?" Sumimangot s'ya.

Habang nasa ilalim ng kumot ay patuloy ang pagkukulitan namin ni Pierce. Ang sabi kasi n'ya sa akin ay magpapatattoo raw s'ya. Anything about me and he's asking for my permission.

"Ang kulit mo, h'wag na lang sabi! Dudumi lang ang balat mo, tska magpatattoo ka someday, 'yung kung anong gusto mo, hindi 'yung something na tungkol sa'kin." Sabi ko at pinigilan ang kamay n'ya sa paggapang sa dibdib ko. "Stop, Pierce!"

"I want your name tattooed on my skin.." Aniya at lalo akong niyakap, ang bisig n'ya ay dumidiin sa dibdib ko.

Muli kong inalis ang kamay n'ya. Ang kulit naman nito.

"Bahala ka.. ang kulit mo. Masyado ka pang bata para magpatattoo.."

Bumuntong hininga s'ya. Naramdaman ko ang init kaya naman inilabas ko na ang ulo ko mula sa ilalim ng kumot. Ganun rin ang ginawa ni Pierce. Tanging kumot lang ang nagtatakip sa mga katawan namin.

"Nagdudugo 'yung labi mo.." Puna n'ya bigla sa labi ko nang mapatingin s'ya.

Hinawakan n'ya 'yon at nakita kong may kaunting dugo ang napunta sa daliri n'ya. Marahan n'yang pinunasan ang labi ko gamit ang hinlalaki n'ya.

"Kasalanan mo 'to.. 'di mo ba alam na dumidiin ang mga halik mo kapag malapit ka nang.." Huminga ako ng malalim at biglang nag-init ang labi ko.

Nakita ko ang mamasa-masang labi n'yang biglang nangiti. Yumakap s'ya saakin at naramdaman ko ang pa-singhot n'yang halik sa leeg ko.

"I'm sorry.. ang sarap mo kasing.." Huminga s'ya ng malalim, parang uubusin n'ya ang amoy ng leeg ko. "..mahalin.."

Damn, why did that sound so dirty? Ako lang siguro.

Nabulabog kami ni Pierce nang may biglang kumatok sa kwarto ko! Oh shit!

"Princess? Princess!" Dalawang magkasunod na katok 'yon.

"Magtago ka, bilis!" Bulong ko kay Pierce at nagturo ng pwede n'yang pagtaguan.

Tumayo agad s'ya at nagsuot ng kan'yang boxers. Shet! Ano kayang meron?

Nang matapos magsuot si Pierce ng boxers ay tinulungan ko pa s'ya, kinuha ko ang shirt at pajama n'ya para ihagis sa kan'ya. Tinuro ko ang aparador. Agad naman s'yang sumunod at pumasok doon. Ako naman ay mabilis na nagsuot ng aking night dress habang kumakatok pa rin si Mama.

Binuksan ko ang pinto kahit na hindi pa nakabutones ang suot ko.

"Ano 'yon, Ma? Alas dos na ng umaga.." Pinapungay ko ang nga mata ko.

"Oo nga, alas dos na! May pasok ka pa bukas, narinig kitang humahagikgik!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Kausap ko si Loraine.." Pagsisinungaling ko at tinuro sa malayo ang phone ko.

Nang ituro ko ang kama kung saan nandoon ang phone ko ay nag-init ang pisngi ko. Kitang-kita ko kung gaano kagulo na parang nilindol ang kama ko!

"Sige, matulog ka na, ah?"

tumango ako. "Opo, hapon naman ang pasok ko.."

Nang isara ko ang pinto ay nakahinga agad ako. Lumabas naman si Pierce mula sa tukador, tinignan ko ang pinaglagyan n'ya kanina.

"Buti nagkasya ka." Bulong ko.

Nagtawanan naman kaming dalawa. Humiga na lang ulit kami at nagkwentuhan.

"Talaga? Paano 'yon? Mukha naman s'yang maayos no'n ah? S'ya pa nga nagsabi saken na naaksidente ka.." Bulong ko.

Pinaguusapan namin ang pamilya n'ya, ang kapatid n'ya na kasalukuyang nasa rehab for recovery.

TKP II: Am I Wrong?Onde histórias criam vida. Descubra agora