Chapter 3

21.5K 858 282
                                    

AIW 3

"Pierce.." 

Alas onse na ng gabi at s'ya ang bumungad sa pinto ng aming bahay. Isang pagring ng doorbell ang ginawa n'ya kanina at mabuti ay gising pa ako. Wala si mama dahil s'ya ang bantay ni papa sa ospital, bukas ay may trabaho pa ako.

Pagod na mga mata ang ipinakita ko sa kan'ya. Pagod ako, pagod ang katawan at isipan ko sa lahat ng nangyayari.

"Anong ginagawa mo dito.. gabi na, Pierce.." Muntik ko nang makalimutan na dapat ay matigas ako sa kan'ya.

Hindi n'ya malaman ang gagawin. Kung ipapasok ba ang paa sa loob ng aming bahay o mananatili sa labas, nasaktan ako dahil doon. Nasasaktan ko si Pierce, buo sa akin ang kaalaman na 'yon. Pero ang lahat ng ito ay para sa aming dalawa rin. Mahal ko s'ya.. pero hindi ganito.. may mas marami pang bagay na dapat kong pagtuunan bago 'to.

"We are over. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?" Marahang tanong ko. Masyado akong naging malupit sa kan'ya kanina, ang reaksyon ng mukha n'ya ay nakakapanghina.

Yumuko s'ya sandali na para bang nag-iisip. Tumingin s'ya sa gilid, kitang-kita ko sa dalawang mga mata ko na gusto n'ya nang tapusin ang away naming 'to. Hinintay ko s'yang tumingin sa mga mata ko. I love you, Pierce. Sana ay maintindihan mo rin.

Napunta ang hintuturo n'ya sa kilay n'ya para pabalik-balik na ayusin 'yon, nanginginig ang labi n'ya.

"Is something wrong..?" Tanong n'ya.

Kailangan mo ba talagang tanungin 'to, Pierce. Alam mo kung ano ang mali.

"Where did I go wrong, Princess? I -- I don't understand.." Bulong n'ya.

"Masyado pa tayong bata.."

"Bullsht!" Sigaw n'ya at ginulo ang buhok. "Nasabi mo na 'yan noon! Wala ka na bang ibang excuse bukod dyaan?!"

Nilunok ko ang hikbi ko. "Iyon pa rin ang rason ko."

Nilamutak n'ya ang mukha n'ya at tumalikod sa akin.

"You don't love me anymore." Narinig kong sabi n'ya habang nakatalikod sa akin.

Umiling ako ngunit nanatili sa pwesto ko. "Mahal kita!"

"Another bullsht," Mariin n'yang sabi. "You don't hurt someone you love, Princess."

You're wrong. You can hurt someone you love. You can hurt them over and over again. You will hurt them even if it hurts you too. You can hurt them if it is for the better.

"Kung ganun, bakit ako nasasaktan, Pierce?" Tanong ko sa kan'ya.

Mabagal na humarap sa akin si Pierce. Tumulo ang luha ko at nakita ko ang pagaalala sa mukha n'ya. Lumapit s'ya sa akin hanggang sa mahawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko.

"Saan? Sa papaanong paraan kita nasasaktan?" Tanong n'ya sa garalgal na boses. Pinahiran n'ya ang luha ko at hinalikan ang nakapikit kong mata. "Sabihin mo.. kasi hindi ko alam. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita.."

Suminghap ako ng maraming hangin at tinitigan ko s'ya sa mga mata n'yang naghihintay ng sagot.

"Nasasakal ako, Pierce.."

Para s'yang napaso sa mukha ko, biglang nawala ang pagkakasayad ng palad n'ya sa pisngi ko.

"I -- I didn't know.." Aniya.

Nasaktan ako para doon. Sa tingin ko ay mas tinatanggap n'ya ang mga sinasabi ko ngayon kesa kanina dahil mas malumanay kami. Iniintindi n'ya ako ngayon dahil gusto ko nang magkahiwalay kami.

"Wh-what can I do, then? How can I make it up to you?" Tanong n'ya.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at umiling.

TKP II: Am I Wrong?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن