Patuloy pa rin kami ako sa paghahanap. Pati si Jasmine eh nanghahalungkat na din.

haiist.. Nasaan na ba yun??? San ko nga ba yun huling nahawakan?HMMM...

TAMA!!! DUN SA MEMORIAL!!!

Para namang nabuhay ang lahat ng parte ng sistema ko sa pag-iisip na baka nakay Joseph lang yun. Pero teka... Pano ko masisigurong nasa kanya nga? Kung tatawagan ko naman sya gamit angphone ni Jasmine, baka magtanong ang babaeng to at maghinalang sya ang kasama ko at mabuko pa ako.

"Bes, wala din dito sa sala eh"

"bukas na lang yun Jas, baka naiwan ko kina tita"

"Naku baka nga, ang sakit na ng likod ko kagagapang dito."

Naku.. nakakalungkot naman, sana lang mahanap ko yun, bigay pa naman yun ni papa sa akin. Haist.. Ang tanga ko talaga. Sige na nga lang, titiisin ko tong gabing to na wala ang phone ko.

********

Medyo nahuli kami ng pasok ni Jasmine ngayon, ay as usual pala dapat. Pagpasok namin eh sya ring pagpasok ng first subject teacher namin sa araw na ito, sa kasamaang palad , science pa talaga .

"Good morning class"

"Good morning maam Bermie"

"Before we start our class, i want you to pick up the pieces of papers under your chairs, make sure that your seat is in proper line, and be ready for my discussion today."

Nag hanap naman kami kaagad ng upuan ni Jasmine. No choice kami kundi ang umupo sa gitna. Yung upuan pa na nakuha ko eh medyo sira yung arm chair na puro pa vandal. Haist, eto ang mahirap pag nasa public school ka lang.

" Settle yourselves now. Everyone sit down"

 Hinanap ng mata ko si Joseph. Ay langya, ang layo nya!! nasa pangalawang row sya mula sa likod habang ako eh andito sa gitna kaya di ko sya makalabit. Mamaya ko na nga sya tatanungin.

"Bring out your learning modules and open it on page 168."

Kinuha ko naman yung akin. Inayos ko muna ang gilid ng cover ng libro kasi medyo tupi na ito, di kasi ako ang first user nito eh kaya medyo gusot na talaga ang dulo ng cover nito. Binuklat ko na ito at hinanap ang pahina na sinasabi ni maam.

" So we're now on Module three, and it's all about..."

"Mirrors and lenses" sabay sabay naming sagot. Ewan ko ba, pansin ko lang, kapag medyo humihinto ang guro sa pagsasalita eh talagang mag cho-chorus ang mga studyante sa pag tapos ng mga sasabihin nila, yun ay kung alam na nila ang susunod na sasabihin nito, pero kung hindi, naku, tahimik pa sa mga patay  ang mga studyante.

"So who have a prior knowledge about mirror and lenses? i supposed that you already encountered this kind of topic during your previous years. Anyone?"

Tumahimik ang klase. Sabi ko na nga ba, yung nasa harapan pa nga eh pansin  ko na todo ang pagyuko. Tss.

" Ms. Dasco."

Nagulat naman ako ng madinig ko ang pagtawag ni maam. 

"Maam?"

"Do you have any idea about it?"

Tumayo naman ako.

"As far as I can remember, Lens is the one which refracts light and mirror is the one which reflects it."

" Very good. You can now sit down"

Phew!! Buti nalang talaga naalala ko pa yun.

" Ok now, Ms. Dasco mentioned about the reflection and refraction of light, who can differentiate the two?"

 Nag pataas naman ng kamay si Isla.

"Yes Ms. Ferrer."

"Reflection is when light bounces off an object, while refraction is when light bends while passing through an object "
 
"Very good. So, to better understand our lesson, go now to your group and perform the activities in your module. Move."

Kaloka. Group activity na naman. For sure ako lang din naman ang gagawa at sasagot para sa grupo namin. Ito talaga ang ayaw ko basta group activity, porke nasa top list ka ng room nyo eh sayo na aasa ang mga groupmates mo. Buhay nga naman.

Papunta na ako sa spot ng group 3 ng mapansin kong lumabas si Joseph. Tinignan ko naman si maam. Mukhang di naman ata niya napansin ang paglabas nito dahil busy siya sa cellphone niya. Speaking of cellphone , yung cellphone ko pala nawawala parin. Tinignan ko ulit si maam, tapos yung ka grupo ko , tapos yung pinto, at inisip muli ang missing soul ng cp ko. Siguro naman kaya lang ng groupmates ko ang activity ngayon diba? Madali lang naman yun. Siguro din naman di ako mapapansin ni maam. Madali lang din ako promise. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko bago ko tinahak ang daan palabas ng room.

Inilibot ko ang tingin ko sa hallway para hanapin si Joseph pero wala na ito. Real quick huh. Kaya no choice ako kundi ang maglakad at hanapin siya. Nakalabas na ako eh, alangan namang bumalik pa ako.

Lakad.lakad. lakad. Yan ang ginagawa ko ngayon. Seriously , nakakapagod siya. Nasaan na ba kasi yung isang yun?kaloka. Ay ewan ko rin bat ko ba yun sinusundan. Kung di lang sana dahil sa cellphone ko. Arghh..

Napadako ako sa may parking lot.

Teka, sasakyan yun ni Joseph ah!

Saan kaya siya pupunta? Class hour pa ah?

Napadaan ang sasakyan niya sa gilid ko, at sakto namang bukas ang bintana nito.

At beside him, I saw a boy na parang pamilyar.

Teka...,

Nakita ko na siya dati ah?

Pero di ko maalala kung saan!

-0-

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now