"Bolero! Mahal daw? Eh ang dami mo ngang babae,dami mo na din naging girlfriend at ang dami mo ng naikama!" nakangising pang iinis ko sa kanya.

"Oy! Walang personalan! That was before at walang emotion involved dun,iba sila at iba ka." depensa nya na lalo ko ikina ngisi.

"Iba talaga ako,babae sila at bakla ako." sagot ko naman.

"Dont say that! Para sa akin babae ka,at kahit kailan hindi ka nila napantayan. Huwag mo ngang inaano ang sexuality mo Lai. Binabadtrip mo ba ako?" salubong na kilay na sabi ni Keez,tumigil pa talaga sa paglalakad at hinarap ako.

"Joke lang! Ito naman,tara nood na lang tayong sine,showing na ang She's the one." sabi ko at hinawakan na ang kamay nya. Pero hindi man lang sya kumilos,yun pala nakatingin sa mga kamay namin. "Hoy! Tara na!"

"Ahm.. Ah.. Uhm.. She's the one? Ang baduy naman nun, love story?"

"Ayaw mo? Sige,ako na lang." ani ko at binitawan ang kamay nya at nauna ng maglakad.

"Hoy Lai! Joke lang din! Hintayin mo ako!" dinig kong sigaw nya. Ayokong lumingon dahil for sure madaming nakatingin sa kanya,kanina nga lang ang daming kinikilig sa kanya eh. Malamang,ang gwapo naman kasi talaga nya,kahit si Bless din naman ay isang certified headturner.

Ng maabutan ako ni Keez ay hinawakan nya ang kanang kamay ko at pinag intertwine. Lihim akong napangiti at kinilig. Haay! Kung alam lang nilang dalawa ni Bless kung paano ako mamatay sa kilig sa mga simpleng sweetness nila.

"Hindi ka na mabiro! Sige na,She's the one na papanoorin natin,pagkatapos manood tayo ulit,Thor naman. Okay ba yon sayo?" aniya sabay kurot sa ilong ko.

"Oo na! Huwag mo lang kurutin ang ilong ko." natatawa ko na ding sabi. Maya maya pa ay nasa loob na kami ng sinehan at nanonood. Gusto ko sanang matawa dahil focus na focus si Keez sa panonood. Kaya ng matapos ang pelikula ay sadyang nagtaka na ako dahil bigla syang natahimik.

"May problema ba? Bigla kang natahimik." ang nag aalala kong tanong habang nandito kami sa Mcdo at kumakain.

"H-huh? Wala,iniisip ko lang yung napanood natin. Ang hirap pala nung mahal mo bestfriend mo at ma friendzone ka. Ang sakit nun." seryoso nyang sagot.

"Hindi ko alam na na apektuhan ka pala dun. Naku Keez,nangyayari talaga yun, bakit? Nainlove ka na ba sa amin ni Bless?" ang biro ko naman para huwag na syang magseryoso. Kumagat na ako sa burger at hinintay ko ang isasagot nya.

"Baliw! Never ako maiinlove sa lalaki!" ang sabi nya na tinawanan ko dahil nanlaki ang mga singkit nyang mga mata. "Naisip ko lang,ganun pala pag nagmahal ng kaibigan."

"Huwag mo na ngang isipin yon,hindi ka naman si Dingdong o Enrique para mag emote. Kumain ka na lang dyan at papanoorin pa natin ang Thor diba?" sabi ko naman saka nilantakan ang kanin at manok.

"Napaka ano mo talaga. Teka nga,na inlove ka na ba? O nagka boyfriend?" aniya pagkatapos ngumuya at lumunok. Ang gwapo lang talaga ng singkit na to kahit kumakain lang.

"Hindi pa,crush lang dati. At saka may nakita ba kayong ibang lalaki na kasama ko? O boyfriend na pinakilala sa inyo? Wala diba,yon na tadhana ng mga bakla." sagot ko at bumalik ulit sa pagkain.

Tumigil sya sa pagkain at tinitigan ako,kaya naman tinaasan ko sya ng kanang kilay. "Yan ka na naman eh! Bakit nga ba wala?"

"Huwag mo ng tanungin,baka ma guilty ka lang." ang nakangisi kong sagot. Syempre,hindi ko sasabihin na dahil sa kaka-bakod at protekta nila sa akin ay wala talaga nagtangka dahil takot sa kanilang dalawa. Ayoko namang layuan nila ako para lang magka boyfriend.

"Hmmn.. Okay. Sabi mo eh." ang sabi na lang nya at ng matapos kumain ay naglakad na kami pabalik sa sinehan ng may makasalubong kami na mga babae.

"Hi Keez! Its nice seeing you here!" sabi ng isang babaeng maganda na naka tube dress pa.

"At lalo kang gumwapo huh? My god! I cant wait for that thing to happen again." sabi ng pangalawang babae. Nagsalubong na ang mga kilay ko. At napansin kong napangiwi si Keez at parang namutla.

"Tama ka dyan. Ang galing nya,and his size? Its amazing. I feel like a first timer again." malanding sabi ng ikatlong babae. Medyo nainis ako kaya dumistansya ako kay Keez,sinundan ako ng tingin ng tatlong babae.

I can't believe this! Hindi man lang sila nahiyang pag usapan yon sa harap ng ibang tao? Ano ba tong mga babaeng to? Bisyo na ang sex? Parang candy na lang siguro sa kanila ang ari ng lalaki! Ako nga hindi pa nakakakita o nakakahawak man lang nun,tumikim pa kaya? Grabe mga ito,may mga babae pala talagang ganito.

"Uhm.. Lai.. Uhm tara na." ani Keez na ngayon ay napansin kong hindi na talaga mapakali. Umangat na ang level ng pagkainis ko,alam kong madami syang naging babae,pero hindi ko alam na ganyang klase ng mga babae.

"Whats wrong Keez? Are you with that gay?" sabi nung unang babae kanina.

"Or are you dating that gay?" sabi nung pangalawa.

"OMG! Youre one of them? Those guys who also likes guys and gays? Gosh!" react nung pangatlo. Lalo akong nainis sa mga reaction nila. Para bang krimen ang pakikipag date sa bakla. Pero matagal ko na ngang sinabi diba na hindi dapat pinapansin ang ganyan.

"Nicola! Hoy! Hintayin mo ako." ang sigaw ni Keez ng walang imik na iwanan ko sila at naglakad na papuntang sinehan. Itong si Keez lang ata ang mayaman na kung makasigaw ay parang wala ng bukas.

"Miss,Thor nga po,dalawa." ani ko.

"Hey! Lai,sorry na. Hindi ko naman expect na makikita sila dito eh." ani Keez sa may gilid ko.

"The truth is,I dont really mind kung ilan ang naging babae mo,hindi ko lang gusto ang tabas ng mga dila nila." sabi ko at iniabot sa kanya ang ticket nya.

"Kaya nga sorry talaga! Patawarin mo na ako." pangungulit nya at hinawakan pa ang mga kamay ko. Napatingin ako sa ticketbooth at nakangiti ang babae na nagpapalipat lipat ng tingin sa amin ni Keez.

"Patawarin mo na teh,pinili ka naman nya over those girls eh." nakangiting pagsingit nito na ikinanganga ko. Iniisip siguro nito na boyfriend ko si Keez.

"Ahm,mali po ang iniis--"

"Patawarin mo na daw ako oh sabi ni ate. Sige na please!" nakangising sabi nito na nag puppy eyes pa. Lalo tuloy syang gumwapo,sinamahan pa nya ng pag pout. He is so adorable.

"Hmp! Sige na nga! Kung hindi lang dahil kay ate eh." pigil ang ngiting sabi ko. Tiningnan ko yung babae at nag thumbs up pa sa akin.

"Yes!" masayang sabi ni Keez na napasuntok pa sa hangin saka bumaling kay Ate. "Salamat ate,bati na kami ng boyfriend ko!"

"Boyfriend? Hoy! Gusto mo--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis nya akong hinalikan sa labi at hinila na papasok sa loob ng sinehan.

Panay ang kabog ng dibdib ko. Parang kakawala sa katawan ko ang puso ko. Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ako ni Keez sa labi at sa harap pa ng ibang tao. At sa totoo lang,nagulo ang sistema ko at parang nalunok ko ang dila ko kaya hindi na ako naka imik o nakapag reklamo.

"Hoy! Ang tahimik mo na Lai,magsisimula na oh." pagpuna sa akin ni Keez. Bakit ganun? Parang wala lang sa kanya yung ginawa nyang paghalik sa akin?

"H-huh? Ang tangi kong sagot.

"Iniisip mo yung kiss ko no? Nagustuhan mo ba?"

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now