DAHYUN'S POV :
"Dahyun ! DahyunAh ! Daguri ! Dubu ! Dahyunie !" Nabalik ako sa sarili kong katinuan nang marealized kong natulala na pala ko.
"Ahh....Mianhae Unnie" Sagot ko kay Nayeon Unnie na kasama ko sa Practice Room .
"Tsk ! Dubu , Kanina pa kita tinatawag . Natutulala ka na naman" Sabi sakin ni Nayeon Unnie .
Kasi naman eh , Natulala na naman ako sa kanya . Yung totoo ? Sa totoo , Matagal ko nang gusto si Nayeon Unnie kaso nakikita niya lang ako bilang nakababatang kapatid . Kapatid na yata ang turing sakin nito . Kung alam lang niya ~
Sa tuwing pagmamasdan ko siya , Tumitigil ang mundo ko . Sa kanya lang naka-focus ang mundo ko.
"Aminin mo nga , Dahyun . In Love ka ba kaya madalas kang tulala kapag kasama kita !" Sabi niya sakin habang kumakain .
Nakaupo kami sa sahig dito sa Practice Room ng JYP Building . Kami lang ang magkasama dahil may kanya-kanyang activities yung ibang members .
"Dahyun , Kumusta na ba kayo ni Sana ? Kayo na ba ? Or ... Si Momo ba ?" Tanong niya sakin.
I looked at her . Jusko , Im Nayeon ! Kung alam mo lang . Lagi na lang niya kong ishiniship sa ibang members . Hindi niya alam na siya yung gusto ko . Ano pa bang magagawa ko ?! Parang bata nga ang turing niya sakin .
"Ikaw na bata ka ! Umi-Inlababo ka na ah" Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Unnie naman ~ Hindi kaya !" Sabi ko sa kanya.
"Weh ! Kunwari ka pa eh , Aminin mo na nga . In-Love ka noh . Haha ! Wag ka nang mahiya sakin . Satin lang naman . Unnie mo ko eh . I'll support you" Sambit niya sakin sabay smile.
"Sa totoo ...... In-Love nga ko" Sagot ko nang paderetsyo sa kanya .
"Ayown ! Sa wakas , I...Inamin mo din ! So , Si...Sino ang maswerteng nilalang ?" Tanong niya sakin .
Mukhang kailangan ko na talagang aminin sa kanya . Di ko na matiis eh . Kahit anong gawin ko , Di ko magawang kalimutan ang feelings ko para sa kanya.
"So , Sino siya ? May kamukha ba siyang Pokemon tulad ko ?" Tanong niya sakin.
Omg ! Tumpak na tumpak . Gusto ko nang sabihin na "IKAW YUN" kaso di ko magawa .
"Yes Unnie , Meron nga" Sagot ko sa kanya .
"Ta...Talaga ? Si...Sino ? Si Squirtle ba ?" Tanong niya sakin . I looked at her . Naging seryoso siya nang titigan ko siya . Kinakabahan na ko ! Bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko . Nilakasan ko ang loob ko dahil hindi ko na 'to kayang ilihim .
"Unnie , I......Love......" Sabi ko sa kanya kaso natigilan ako.
Bigla niya kong hinawakan sa kamay . Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NAYEON'S POV :
"Unnie , I....Love......" Sabi ni Dahyun sakin pero di ko na siya pinatapos . Hinawakan ko ang kamay niya .
The truth is ....... Mahal ko si Dahyun . Hindi ko man sabihin , Ginagawa ko naman sa pamamagitan ng Actions . Natatakot kasi ako na baka hindi niya ko magustuhan .
Baka mas interesado siya kila Sana at Momo . Baka Unnie lang ang turing niya sakin . Baka hindi niya ko gusto . Palagi kasi siyang natutulala sa tuwing ako ang kasama . Baka naboboring siya na kasama ko kaya ganun .
Baka namimiss na niya ang Sana at Momo niya . Hindi ko masabi sa kanyang "MAHAL KITA" dahil baka tanggihan niya ko . Noon ko pa siya gusto , Nung nasa Sixteen pa kami . Ang saya-saya ko nung makasama siya sa Performance namin ng Truth . Yung last part ang pinakagusto ko . Yung part kung saan magkayakap kami . Dun ko unang naramdaman na mahal ko siya .
Hanggang sa nagdebut na kami sa Twice , Mas malapit na ang loob niya kila Chaeng , Sana at Momo kaya nawalan na ko ng pag-asa . Ipinagsiksikan ko na lang ang sarili ko sa ibang members kaso di ko mapigilan .
Kaya nga nandito kami ngayon at magkasama . Gagamitin ko na ang chance na 'to para magconfess sa kanya . Idinaan-daan ko muna siya sa pagkain namin nang sabay kaso mukhang na-bored kasi natulala siya eh .
Kaya naman sinimulan ko na siyang tuksuhin kila Sana at Momo . Sinusubukan ko kasi kung aamin siya sa crush niya . Hanggang sa magawa ko na siyang tanungin kung kamukha ba ni Squirtle yung crush niya .
Hindi ko na patatagalin 'to . Gagawin ko na 'to kahit masaktan ako . Ang mahalaga ay maamin ko sa kanya .
"Kim Dahyun , Makinig ka sakin" Sabi ko habang hawak ang kamay niya .
"Ano yun , Unnie ?" Tanong niya sakin .
"Kasi , Gu...Gusto kita . Ma...Mahal kita" Sagot ko . Nagulat siya sa sinabi ko.
"What ? U....Unnie ... Totoo ba yan ?" Tanong niya sakin.
"O....Oo , Mahal kita nang higit pa sa pagkakaibigan" Sagot ko.
"Omg !" Sagot niya .
"Bakit ? Pa...Pasensya ka na , Alam kong hanggang Unnie lang ako para sayo . Ayos lang , Naiintindihan ko" Sagot ko sabay tayo .
Nakakahiya . Bakit ba kasi nagconfess pa ko ?! Palabas na sana ko nang pintuan nang .....
"Squirtle !" Tawag niya sakin . Nagulat ako dahil hinila niya ko papunta sa kanya . Hinalikan niya ko sa labi . Napatitig ako sa kanya .
"Da...Dahyun" Mahina kong sabi.
"I Love You , Unnie" Sagot niya sakin sabay smile.
"What ?" Tanong ko.
"Oo , Mahal na mahal kita Unnie ! Ikaw yung Crush ko noon pa man !" Sagot niya sakin .
"Pero , Akala ko wala kang interes sakin . Diba , Natutulala ka pa nga dahil naiinip ka sakin" Sagot ko.
Omg ! Totoo ba 'to ? Sinabi ba talaga niyang mahal niya ko ? Hinalikan ba talaga niya ko ?
"Yes , Natutulala Ako . Alam mo kung bakit ? Dahil super ganda mo , Unnie . Humihinto yung pag-ikot ng mundo ko kapag nandiyan ka" Sagot niya sakin.
Hindi ko mapigilan na mapangiti . Totoo ba talaga 'to ?! Gosh .
"Im Nayeon , Pwede bang sakin ka na lang ?" Tanong niya sakin.
Napatango ako sa kanya . Natuwa nama siya at niyakap ako nang mahigpit . Omo ! Yung taong mahal ko , Mahal din pala ko .
"I love you , Kim Dahyun" Sabi ko sa kanya .
"I love you too , Unnie" Sagot niya sakin sabay smile sakin.
~ The End ~
Alam ko pong boring at ma-Corny . Pasensya na po , Ito lang ang nakayanan ko ngayon. Inaantok na ko eh . Sa susunod , Pagbubutihan ko na . Simple lang ang first one shot . DaYeon Fighting !
SANA MAGUSTUHAN NIYO KAHIT PAPAANO. HAHAHA .
YOU ARE READING
Twice Dahyun One Shot Stories Collection
Short StoryHello ! Sa totoo , Di ako magaling sa paggagawa ng ONE SHOT Stories . Kasi mas sanay ako sa mga kwentong inaabot ng 100 Chapters . Hahaha ! Pero , Sana magustuhan niyo padin . Kinakabahan ako dahil baka boring ang kalabasan . Ito yung sinasabi kong...