Ay grabe sya! Sa pagkakaalala ko, tatlong beses syang nagdagdag ng kanin at halos sya lahat umubos nung hiwa ng adobong manok na niluto ko. Hayyyy...

"Sorry po... Pero please, lessen your rice Lab-Lab... Diba sabi ng OB mo avoid extra carbo and sugar?" Ani ko ng tumabi ako sa kanya.

Bigla itong tumigil ng subo at sunod sunod na pinahid ang kanyang ilong.


"Yuck!!! Ang baho mo Glaiza!!!"

"Ha? E kaliligo ko lang Lab ah"

"Bat ang baho?! Naligo ka ba talaga?!! Hmp! Dun ka nga... Alis, shoooo! Kumakain ako e." Reklamo nito

Heto nanaman po kami.


"Maligo ka ulit... Kung ayaw mong don ka sa kabilang kwarto matulog. And please, wag mong gamitin yang pabango mo... Ang baho, as in"

"Pero Lab, hindi naman ako gumamit ng pabango e"


Hindi sya sumagot, pinandilatan lang ako ng mata.

"Fine. Maliligo na po." Ani ko saka naghands up at pakamot kamot na lang ako ng ulo saka akmang papasok ulit ng banyo.

Pero bago pa ako makapasok ay patakbong pumasok si Rhian sa loob ng banyo at dumuwal ng dumuwal.


"Lab, what's wrong? Ok ka lang?" Sunod ko sa kanya at hinipo hipo ang likod nya dahil suka ito ng suka

"Ahhhhhgg! Ok na. Kasalanan mo to e! Sige na maligo ka na ulit... Bago pako masuka ulit sa baho mo"


Jusmiyo Marimar naman oh! Oo na, ako na ang may sala... 🙄

...


Isang araw pauwi ako mula sa work. Sobrang busy ang araw na yun dahil naassign pako sa street roving kaya buong araw akong nasa arawan pero ok lang, day off ko na bukas.


"Hi love!" Bati ko kay Rhian habang nakaupo ito sa harap ng laptop nya sa library ng kanyang Dada.

"Hi your face!" Sagot nito


Napaarko ang kilay ko. Alam ko na ang ibig sabihin nun... Mood swings.

"Bakit ngayon ka lang?!"

"Ha?" Tanging nasagot ko dahil mejo nag loading ako. Naguluhan tuloy ako kung sino ang nagtatanong, nanay ko o asawa ko?


"Di ba dapat 6pm andito ka na. Glaiza 6:15 na! San ka nanaman nagpupupunta?! May dinaanan ka noh? Ha! Kasama mo naman yung Sanya mo no?! Hindi mo man lang naisip na may asawa kang buntis na naghihintay sa pag uwi mo!?"

I was like "say whuuut??"

Napanganga ako sa mga sinasabi nito

"Lab hindi... Ma traffic kasi saka 15mins lang naman ang difference ah..."

"Kesyo ma traffic, 15 minutes difference, wala akong paki bastat nakauwi ka na dapat ng alas sais... Dyos ko naman Glaiza, ang daming pwdeng mangyari sa 15mins. Alam mo ba yun?!"

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now