CHAPTER #44

5.8K 277 15
                                    

Sumalubong sina Sanya at Kylie kasama ang isang lalaking nag ngangalang Rocco kina Glaiza at Rhian na ngayon ay kakababa lang ng sasakyan.

Agad namang umasim ang mukha nina Sanya at Rhian ng makita ang isat isa.

"Naligaw ata tayo..."

Kumunot noo si Glaiza sa sinabi ng girlfriend habang inaalalayan sya nitong bumaba ng sasakyan

"Anong naligaw Lab? Dito naman talaga ang headquarters ng NBI e."

"Ah dito ba? Akala ko kasi pond to dito... Coz I can see an ugly duckling" sarcastic na sagot ni Rhian

Na gets na ni Glaiza ang ibig sabihin ng kaharap kaya binigyan nya ito ng sweet smile.

"Lab, sila ang makakatulong satin ngayon kaya let's take it easy, ok?"

"Aw, lab naman... easy naman ako diba? believe me, wala pa nga sa kalingkingan ng ka easyhan ko to" hirit uli ni Rhian

Napabuntong hininga na lamang si Glaiza dahil alam nyang hindi naman makikinig sa kanya ang girlfriend

"Magandang araw inspector, salamat sa pagpunta" salubong ni Rocco kay Glaiza sabay kinamayan ito

"Magandang araw Maam" baling nito kay Rhian

"Magandang araw din" biglang kuro nina Rhian at Glaiza

Bigla namang sumingit si Kylie saka naglahad ng kamay sa kadadating lang na pulis at may pa hawi pa ng buhok.

"Hi Inspector, kamusta po, ako nga pala si Kylie Padilla, trainee nyo po ako before..." ani nito pero bigla itong naputol ng hinablot sya ng isang babae.

"Pssst. This is not a getting-to-know-you game... tama na yan" bulong ni Sanya sa kaibigan

"Whatever" sagot naman ni Kylie sabay napa rolled eyes pa

"Ahhmmm, Glai... i mean Inspector, this way po." Magalang na sabi ni Sanya

Binato naman ni Rhian ng matalim na titig ang babaeng biglang nagbreezy moves ng paghawak sa bandang likod ni Glaiza.

"Eeehhheeemm..." ani nito kaya napalingon ang apat

"Can I have water pls? Can you give me water??? PLEASE?" saka bumaling kay Sanya na parang umuorder lang sa isang restaurant.

She give the girl a bitter-sweet smirk na para bang nang iinsulto.

"Yeah, sure..." nakangiting sagot ni Sanya

"Kyl, lead them sa investigation room, susunod ako, kukuha lang ako ng tubig para sa palakang to," pabulong na dagdag ni Sanya
Sabay baling kay Kylie

"May sinasabi ka? Sinong palaka?!" Sabat naman ni Rhian

Nagtuwid nang tayo si Sanya na akala mo ay poposing nang pang Miss Universe saka hinarap si Rhian

"Did I say that? Did I say something? Baka inner voice mo lang ang naririnig mo, madalas kasi, truth comes from within" sarkastikong sagot ni Sanya sabay talikod.

Pasimpleng humagikhik naman si Kylie sa sinabi ng kaibigan kaya nalipat ang irap ni Rhian sa kanya at kunyari naman itong walang ginawa.

Akmang hahatakin ni Rhian pabalik si Sanya nang bigla itong hinarang ni Glaiza.

"Lab,.." saway nito

"What?!" Pasigaw na Singhal ni Rhian sa kaharap

"Don't shout pls... leave it..wag mo nang pansinin si Sanya."

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now