CHAPTER #38

6.2K 271 22
                                    

"Lab, this is Angelica. One of my best friend... Of course si Jennica, I know you knew her already" pagpapakilala ni Glaiza sa dalawang bisita nila.

"Yeah, di ko makakalimutan si Jennica. She's a part of our first special date kaya... Hello Angelica. Pleased to meet you" lahad kamay ni Rhian at kinamayan din sya nang dalawang babae

"If I'm not mistaken... Ikaw yung girl na nakita namin sa bar diba? Yung time na nakipagrambulan tong si Glaiza dahil sa kalasingan"

"Gel! Anu ka ba... Mamaya marinig ka nila tatay" saway ni Glaiza at naalala ang nangyari na isa sa mga kinahihiya nyang nagawa sa tanang buhay niya

"E totoo naman diba?" Hirit pa ng kaibigan nya

Napakamot batok na lang si Glaiza dahil alam nyang wala talagang preno ang dila ni Angge.

"Yeah. That's me" sagot ni Rhian na natatawa dahil naalala kng gaano ka wasted ang mukha ni Glaiza noon.

Nagtinginan ang tatlong babae saka sabay sabay na itinuon ang paningin kay Glaiza at sabay sabay din natawa.

"What?" Pasungit na tanong nito
dahil parang pinagtutulung-tulungan sya ng mga ito

"Wala naman... Mukha ka lang namang engot noon" then Angge start to burst out her laughter

"Hay oo na... Ako na ang engot... Sige at pag tawanan nyo pa ako... Ganon talaga e... When you're torn by love, hindi mo na alam kung anong ginagawa mo. Nawawala na ang paki mo sa paligid at sa mga sasabihin ng tao sayo. Lalo pa if you're fighting for it..." Depensa ni Glaiza sa sarili nya pero kay Rhian nakatuon ang paningin nya.

"But it's fine, at least nagbunga na din yung bali baliwan ko don sa club... Hindi naman ako na lugi coz I got my love back" dagdag pa nito

Napangiti si Rhian sa sinabi ni Glaiza. This girl never get tired of letting her feel and know how much she love her.

"Ahmmm. Hello, andito po kami... Saka single po ako at bitter kaya pls cooperate" biro ni Angge sa dalawa dahil parang naging magnet ang mata nila sa isat isa.

"Naku... Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig... Kagaya namin ng Alwyn ko... Nagka Moori. Diba?" Ani ni Jennica na tila nang iinggit

Nagpasalit salit naman nang tingin si Angge kina Glaiza, Rhian at Jennica saka tumaas ang kilay.

"Oo na, ako na ang walang love life. Kayo na ang meron... Kayo na ang masaya...hmp! Walang forever uy!"

Tumawa na lang ang mga ito sa kabitteran ng babae.

Napuno nang masayang kwentuhan at tawanan ang kanilang pagkikita... Hanggang sa nagpaalam na ang dalawang bisita dahil si Jennica ay nag aalala sa anak at si Angelica naman ay may lakad pa daw.

Napagpasyahan ng dalawa na mamasyal na lang sa mall nang hapon na yon.

"Lab?" Tawag ni Glaiza sa katabi habang ang mga mata nya ay nasa daan lang nakatuon.

"Yes Lab?"

"Gaano na katagal magkakilala ang Kuya mo at si Johnny?"

"As far as I can remember, college friend sya ni Ahya hanggang sa natanggal ito sa pinagtatrabahuan nya ang Ahya give him a job."

"Ganon ba? E sa Dada mo, malapit din ba sya?"

"Casual lang... Hindi naman kasi si Dada mahilig makipag close sa tauhan nya unless it's his long time friend. He always gives a gap between him as a boss and his man... But si Kuya Johnny, inaanak sya ni Dada sa Kasal."

"I know that. Gabriel told me. Pero may naiisip ka bang reason na pwedeng mag udyok sa kanya na patayin ang ama mo?"

Saglit na natigilan si Rhian at tila nag isip. Pero hindi sya ganon ka close sa business ng Dada nya at mga tauhan nito kaya wala sya masyadong idea.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now