CHAPTER #27

5K 255 34
                                    

Nagbago ang routine ng mga sumunod na araw kina Rhian at Glaiza. Iba sa nakasanayan na nila...

Nagigising mag isa.

Kumakain mag isa.

Naglalakad mag isa.

Wala na ang mga kamay na dati'y hawak hawak nila... Pati ang mga brasong madalas naka yakap sa kanila.

Wala na ang mga ngiting nagliliwanag sa kanilang mga mundo, pati na ang kislap sa mga matang animo'y kasing tindi ng sikat ng araw.

Ang dating pulis na alisto at aktibo sa trabaho ay napalitan na nang isang tulala at wala sa sariling tao... Laging mainitin ang ulo... Iritado at mabilis magalit dahil lang sa maliit na bagay.


Naging kublian na din ni Rhian ang apat na sulok ng kanyang kwarto... Ayaw lumabas, hindi makausap ng maayos... Naging irritable at nakasimangot.


...



..


.

*door knocks*

"Come in"

Pumasok ang isang lalaking may dalang folder...

"Maam, may mga pipirmahan po kayong mga papel na ipapasa namin sa crame" sabay lapag nito ng dala sa harap ni Glaiza


Kinuha nya ito sabay binasa...

"Diba nung isang araw pa dapat ito naipasa?!" Pasigaw na tanong nito

"Bakit ngayon lang ninyo ginawa ang memong ito?! Ha!"

"E... ka...si Maam, ngayon lang... Na...tapos yung case report." Nauutal at kinakabahang sagot ng lalaki


"Wala akong paki kng ngayon nyo lang tinapos! Diba sabi ko 17?! 17, hindi 19... Naiintindihan mo?! Sino ang gumawa nito?!!!"

"Kami po nila Alves Maam."

Dali daling lumabas si Glaiza saka pumunta sa isang dibisyon ng opisina nila.naabutan nyang nagkukwentuhan ang mga tao duon.

Bigla nitong hinampas sa mesa ang hawak na folder kaya nagsilungunan ang mga tao doon.

"Kaya siguro hindi nyo natatapos ang mga gawain nyo dahil puro kayo tsismis... Kalalaki nyong tao... Pinapasahod kayo ng gobyerno pero wala kayong mga silbi... Puro kayo pasarap at palaki ng tyan! Nasan si Alves?!" Tanong nito na nakapamaywang pa at kulang na lang bumuga ng apoy.


"Si Alves daw... Tawagin nyo"

"Nasan si Alves? Nako patay nanaman tayo kay Dragonita nito"


"Alves, tawag ka ng Dragon... Este ni Maam"

Sari saring reaksyon ng mga tao doon... Maya maya ay may lumabas na lalaki mula sa pantry. May hawak itong tasa ng kape at hinahalo halo nya po


"Maam, tawag nyo po ako?"

Tinaasan ni Glaiza ng kilay ang lalaki.


"Alvez, wala pang break time... Oras pa ito ng trabaho tapos nagagawa mong magtimpla ng kape? Ni hindi mo nga nagawang tapusin ang gawain mo sa tamang oras..."

"E Maam, hindi naman po ito akin... Sa totoo nyan, para po ito sa inyo e. Pinagtimpla ko po kayo..." Kahit nakita nitong nakasimangot si Glaiza, pinilit nyang bigyan ito ng ngiti


Lumapit ng konti si Glaiza.



"Hindi ka pinapasahod dito para ipagtimpla ako ng kape... Marunong ako magtimpla para sa sarili ko... Hindi ko kailangan ang serbisyo mo... Bayan ang may kailangan sayo... At sana kung gaano ka kaalisto magtimpla ng kape, ganon ka din sa pinapagawa sayo... Saka kung trip mo palang maging taga timpla ng kape, ba5 ka pa nagpulis?! Bat di ka na lang nag apply na maging barista sa Starbucks? Ha?!" Pang iinsulto ni Glaiza sa lalaki.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now