Dahil kasi ito sa halik eh,ano ba kasing meron sa lips nito bukod sa pagiging kissable?

"Delamerced, may tawag ka sa landline." Yun ang nagpagising sa kanya

Sino?

"Hello?"

"Gabrielle, susunduin kita sa off mo, akong maghahatid sayo, walang motorsiklo dahil ayoko pang mamatay,kailangan ko pang magkaanak. Wag ka na rin nga palang kumain, magdidinner tayo. Sige, maghihintay lang ako sa labas. Bye, Gab."

"Teka, Acquino...

Pero wala na siyang kausap, ibinaba na nito ang telepono. Ano raw? May dinner sila? dinner date? Susunduin siya nito? Bigla yatang nagwala ang sistem niya.

But wait! Pumayag ba siya? Aba't abnormal talaga na Ruel! Bahala nga siya, mag uundertime siya o overtime.

"Sagutin mo na kasi Delamerced at nang di kami madamay sa init ng ulo mo." Si Filemon.

"Tse! Mga peste kayong mga lalaki kayo."

*****

Plano niya? Pagtataguan ang pesteng Acquino na yan at nang tumirik ang mga mata niya sa kakaantay sa kanya. Pero nung ten minutes before ng uwi niya eh nagpaganda na siya. She was applying lipstick when she realized thay she doesn't need to be beautiful. Para kanino?Para sa abnormal na Ruel? Ibinalik niya ang mga gamit sa bag. Nagsuklay siya ng buhok at di na siya nag abalang magpalit ng uniform.

Tinignan niya ang relo niya? Thirty minutes had passed, siguro naman wala nang taong naghihintay sa kanya sa labas.

Pero mali siya, dahil kalalabas pa lang niya ng presinto nang makasalubong niya si Ruel. Seryosong-seryoso ang mukha nito.

"Hindi ba sinabi ko sayo na ayaw kong nalalate? Thirty minutes ng nakalipas ah. Di ka pa kumakain, ano ka ba."  Hinila nito ang kanang kamay niya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon