KABANATA 1

56 2 0
                                    

KABANATA 1

"Third! Bumangon ka na diyan! Late na tayo!" sigaw ko habang hinihila ko ang mga paa niya. Ang hirap talagang gisingin ng isang 'to! "Ezekiel Nervaez the Third! Babangon ka ba diyan o isusumbong ko kay Tita na nag-bar ka na naman kagabi?"

"Sabi ko nga babangon na ako. Give me fifteen minutes huwag mo lang sabihin kay Mommy please, Denisse?" nagmamakaawa nyang sabi. Gusto kong tumawa sa hitsura niya. Antok na antok pa siya at halatang napipilitan lang. Kung hindi ko siya binulabog, malamang late na naman siya. "Please Denisse ko? Please?"

"Oo na. Make it fast. We're going to be late," dire- diretso kong sabi bago lumabas sa connecting door nya para makapunta sa kwarto ko.

Inayos ko ang mga gamit ko. I sighed and shook my head. This is really my problem every Monday. Hindi kasi sila matigil sa bar escapades nila every weekend the reason why he always over slept. Alam naman kasi nilang may pasok, ang tigas ng mga ulo!

True to his words, Third showed his face in front of me after fifteen minutes.

"I'm ready! Let's go?"

"Akala ko late na naman ako sa first subject ko," pang aasar ko sa kanya. Madalas kasing late ako sa first subject ko dahil sa kanya.

Sabay kaming bumaba. Naabutan namin si Tita Mary na nakaupo na sa dining table at hinihintay kami.

"Good morning, Mommy!" masiglang bati ni Third sa kay Tita. Hinalikan nya ito sa pisngi.

"Good morning po Tita!" bati ko rin at umupo na para makapag-agahan na.

"Good morning din sa inyo." Tita smiled at us. "By the way, your twin cousin will stay here for months, Ezekiel," Tita announced. I smiled widely upon hearing it.

"What? Why? Bakit dito? May bahay naman ang dalawang iyon?" he said a bit irritated. Sumimangot siya at simulan nang lagyan ng pagkain ang plato ko.

I smiled. He is really sweet.

"Ask Yoona?" natatawang sabi ni Tita. Patay ako kay Third nito.

"Denisse?" he looked at me. I did the peace sign and smiled.

"Uh... Nagrequest ako sa kanila. Pumayag naman," sumubo ako ng hotdog para maiwasan ang tingin niyang nakakapanghina.

"You didn't asked my opinion?"

"Mahalaga ba ang opinion mo? That's a girl talk," belewala kong sagot sa tanong nya.

"Tss. Whatever," he rolled my eyes at me. Ang arte naman ng playboy na 'to!

After our breakfast ay dumeretso na kami sa sasakyan niya. He opened his car's door for me. He is that sweet to me and one of the reason why I fell in love with him.

Thirty minutes after, we reached the University. He opened the car's door again for me at kinuha ang bag ko para siya na ang magdala. I smiled at him.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa mismong loob, nariyan na ang mga fans niya at sinalubong kami. I rolled my eyes at them and crossed my arms on my chess.

This is not new but I really felt irritated whenever his 'fans' gone wild like this every morning. Nakakainis at ang kasama ko naman, balewala lang sa kaniya.

Hindi ko rin naman sila masisi. I, for myself, adore him so much. Mas malala pa nga yata ang sa akin dahil ako? I fell and I don't know if he feels the same way. Baka hindi kasi he haven't move on from the past. He is still stuck in it.

"Hi Ezekiel, ang gwapo mo today," fan number one said. Ay girl, araw-araw siyang gwapo sa paningin ko.


"Date tayo mamaya?" higad number one asked. Sorry ka, ako ang ka-date niya.

Until The End Of ForeverWhere stories live. Discover now