“I'm studying.”
Muntik pa yatang masuka si Gerard sa narinig. “Are you sick? In the head that is.” He laughed at his own joke.
“Walang mali na gusto kong mag-aral.” Patuloy lang si Khaos sa pagkopya ng kung ano mula sa isang libro.
“You fucking own a computer. Copy, paste, then print!”
“I can learn more this way.”
“Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon, K? Did your kidnappers brainwashed you or something?” Napukaw ang atensyon ng ilan sa narinig mula kay Gerard.
“Hinaan mo ang boses mo. I don't want people hearing about it.”
Lalong hindi maipaliwanag ang naging reaksyon ni Gerard dahil sa isinagot ni Khaos. “What really happened to you is a mystery. Ayaw mong ikuwento sa 'min kung ano'ng nangyari.” Sinipat nito ang kausap bago marahang napailing. “Tingnan mo ang sarili mo ngayon. C'mon K, this is not like you.”
Gerard is just worried about Khaos' sudden change. Ganyan din ang reaksyon ko no'ng una kong makita si Cyan na gumawa ng mga bagay na hindi niya naman talagang ginagawa noon. Hindi ko rin agad natanggap 'yon.
“Let's talk about that some other time.” Sa buong pag-uusap nila hindi man lang nilingon ni Khaos si Gerard.
Itinaas ng huli ang dalawang kamay na para bang sumusuko
“Fine, but here, I brought you something,” tukoy nito sa 'kin. “She was spying you from afar.”
Napayuko na lang ako dahil sa pambubuko nito sa 'kin bago pasimpleng naglakad palabas.
“I thought you were my maid, not my bodyguard,” anas ng katabi ko na seryoso nang nakatingin sa 'kin.
“Ano kasi, ser—nagulat lang talaga ako sa pagbabago n'yo. Kaya ano... araw-araw ko kayong sinundan. Baka lang kasi epekto ng drugs kaya kayo nagkakaganyan. Masama ang droga, ser.”
“When someone starts studying diligently he'll be suspected as addicted to drugs?” It sounded sarcastic, but he was smiling.
Ngayon na lang siya uli ngumiti sa 'kin. His smile that I sought to witness for years is giving me an overwhelming feeling.
“Bakit ka naluluha?” He frowned.
“N-napuwing lang, ser,” pagdadahilan ko.
“Since, you're already here, study. Kapag may hindi ka maintindihan, nandito ako.”
It's like how the old times were. When he was my senior guardian. When he was still watching over me and teaching me all there is to know about magic. When he never left my side.
Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Taranta kong pinahid ang mga 'yon pero patuloy pa rin sila sa pag-agos.
Biglang tumayo si Khaos. Nagpatianod na lang ako nang walang paalam niya 'kong hilahin palakad. Nang makarating sa likod ng isang shelf, malakas niya 'kong hinatak papunta sa kanya. Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang mamalayang yakap niya na 'ko. Tulala akong napatingala sa kanya. Parang huminto ang oras na hindi ko maipaliwanag.
“Go on, and cry. The sooner you're done, the sooner we can go back to studying.”
Hindi man makapaniwala sa nangyayari, kusang kumilos ang mga braso ko para yumakap sa kanya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya saka tuluyang napahagulgol.
“Para kang umaatungal na baka.”
Muntik nang tumulo ang sipon ko dahil sa biglaan kong pagtawa habang umiiyak.
Kahit gano'n ang sinabi niya, iba naman ang naramdaman ko sa higpit ng yakap niya sa 'kin. I can't stop sobbing. As if the tears I shed for the past years as I hope to find him weren't enough.
“Even if I don't understand what's wrong with you.” He paused for a bit. “Don't waste this rare chance I'm giving you.” Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng palad niya sa buhok ko.
“Pa-ra ho kayong tanga, ser. La-lo n'yo lang ho a-kong pina-iiyak,” hikbi ko.
Kapag namatay ako dahil sa dehydration, kasalanan niya.
YOU ARE READING
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasyI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
XI: LONGING
Start from the beginning
