Ang Ganda ko
Refrain:
Halika na, Halika na (halika na)
Kanta tayo, Halika na (halika na)
Sabay sabay tayong awitin na
Ang ganda ko, feel na feel ng long hair ko (6x)
Ang ganda ko, The lucky one magiging papa ko
Ang ganda ko....
*Clap! Clap! Clap*
*Clap! Clap! Clap!*
*Clap! Clap! Clap!*
"Ang galing! Ang galing! Ang galing galing KO!"
"Ang ganda rin ng boses mo." tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na narinig ko.
Napangiti ako. "Maganda kasi ako eh. Aper!" nakihighfive ako kay Delilah.
Oo si Delilah nga. Siya lang naman ang tunay na kaibigan ko rito eh. Nagkamustahan lang naman kami. Nag-update sa mga buhay-buhay.
Mahiyain pa rin siya. Nag-aadjust daw siya sa bago niyang buhay. Panget daw siya noon. Paggising niya, maganda na siya.
May ganun?!
Hindi katulad ko na pagkaluwal sa akin ni nanay ay maganda na ako. Kahit hanggang ngayon, maganda pa rin ako at hindi iyon magbabago.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pagkatapos ay umalis na ako doon at hinanap ang mga ambulansiya.
Nasan na kaya sila?
Habang nakaupo ako sa bench ay nakita ko si Jude panget na may kasamang babae. Yung babaeng kasama niya sa unang pagtatagpo namin. Parang panget naman pakinggan ng pagtatagpo. Katulad ni Jude, panget.
Nakikita ko siyang tumatawa. Ang saya-saya ng aura niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang nakikisabay ako sa mga babaeng nakatitig rin sa kanya. Sila nakangiti at kinikilig. Habang ako....hindi ko alam kung bakit medyo kumikirot ang dibdib ko ngayon.
Hanggang sa napaisip ako.
Nagkakagusto na ba ako sa panget ngayon? Hindi pwede ito.
Pero bakit ang sakit sa mata nang nakikita ko. Masama ito. Nanganganib ang kagandahan ko. Pati na ang magiging lahi ko.
Naalis ang tingin ko kay Jude panget nang biglang tumili ang mga estudyante at alam niyo na kung sino ang darating. Sino pa nga ba, kundi ang mga ambulansiya.
Tumayo ako at nagpunta sa kanila. Nang malapit na ako sa kanila ay tumigil ako sa mismong harapan nilang tatlo. Tinignan ko silang mabuti, mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo.
Binibigyan ko sila ngayon ng tingin na Look-At-Me-Mga-Panget. Napatingin naman sila. Tinignan din nila ako mula ulo hangg paa. Paa hanggang ulo.
Mga gaya-gaya.
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong gawin ito kahit na napipilitan ako.
"What do you need?" tanong ni Apollo sa akin kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
"You!..I need you."
"What?!" nanlaki ang kanyang mga mata. "Do you know what you are saying?"
NapaWHAT rin ang mga estudyante.
"Ang kapal ng panget na to ah. Wala siya karapatang magmanyak kay Apollo natin." sabi ng isang epal na estudyante sa istoryang ako ang bida.
Hindi ko na lang pinansin ang mga comments nila.
"It is not what you think. Hindi ako nagnanasa sa mga panget."
"Grabe! Humanda ang panget na yan sa atin. Kung makapagsalita kay Apollo parang wala lang. Good luck na lang sa kanya sa mga darating na araw." inis na sabi ng isa sa mga estudyante.
"What the heck! Sagad sa buto na itong ginagawa mo sa amin na panget ka. Hindi ka nahiya sa mga sinasabi mo. Kahapon mo pa sinasagad ang pasensiya ko. Pasalamat ka ay rumrespeto pa ako sa babae. Kung hindi..." inis na sabi ni Apollo.
"Kung hindi ano?! Subukan mo lang." Binigyan ko siya ng magandang tiger look ko. Matakot kang panget ka.
Yung dalawa sa likod ang naiinis na rin. Tumngin ulit ako kay Apollo. Nangingitngit siya sa galit. Pulang pula ang kanyang mukha.
Pero binaliwala ko lang ulit iyon.
"Ganun?! Naiinis ka? Sure ka diyan? Baka tinatago mo lang yung tunay mong nararamdaman ng inis mong yan.....Huwag na nating pag-usapan yan. Narito ako hindi dahil diyan. You will become my boyfriend. Take the one in a million opportunity now knocking at you or magsisi ka."
Hindi siya sumagot. Mga ilang segundo ang lumipas at bigla na lang siyang tumawa. "Ha...Ha...Ha....Ha Ha Ha Ha."
Oo si panget na Apollo ang napili ng kamay ko. Kamukha niya naman kasi si Zac Efron, ang ultimate crush ko. Kaya pwede na rin siyang pagtiisan.
Tinalikuran ko siya. Pero huminto ako saglit dahil may nakalimutan akong sabihin. Ngumiti muna ako.
"Saka sunduin mo ako mamaya. Sabay tayo maglunch. Bye, boyfriend." kaswal na sagot ko. Parang wala lang. Maganda ako eh.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
Habang papunta ako sa room ko ay marami na namang nakatingin sa akin ng masama. Gusto nila akong patayin.
Alam ko naman kung bakit. Gusto nila na hindi ko masapawan ang kagandahan nila. Kung maganda ba talaga sila and.........I doubt it. Taray!
__________________________________
Sabaw ako ngayon. Kaya eto lang muna. Vote and Comment pa rin.
Panget 10
Start from the beginning
