"Baby, diba sinabi ko sa iyo na may bago akong trabaho."
"Uhmmm." tumango-tango pa ako.
"Siya yung boss ko. Hinatid niya lang ako rito. Hindi pa naman siya nanliligaw. Pero alam kong manliligaw yun sa akin. Nararamdaman ko. Sa ganda kong to..." umiiling-iling pa muna siya "...magsisi siyang hindi ako ligawan. Iba na ang lahi nating magaganda." ngumiti siya sa akin ng todo.
"Tomo!" pag-agree ko kay nanay.
"Saka, baby....Ehem," tumikhim siya. Saka ngumiti na parang nagsusupetsa. "Kumusta ang beauty natin sa school? Madami na bang humahabol sayo? May boyfriend ka na ba?"
Ngumiti rin ako sa kanya. "Tinatanong paba yan?" hinawi ko ang magandang buhok. "Diyosa tong anak niyo na. Kaya nakakapit na sa akin ang pagiging mahabulin sa lalaki. Saka wala pa naman akong boyfriend NGAYON. Pero BUKAS, meyron na."
Lumaki ang mata niya sa pagkabigla.
"Talaga anak?! Sino naman ang maswerteng lalaki,baby? Pakilala mo sa akin para maakit ko rin."
"Nay!"
"Hehehe. Peace! Gwapo ba anak?"
"Hindi masyado." dismayado kong sabi sa kanya. "Saka napilitan lang akong gagawin siyang boyfriend. Naaawa kasi ako doon sa panget na kaklase ko. Paalisin daw siya sa school. Kaya ayun, gawin ko daw boyfriend yung hindi masyadong gwapo na lalaki. Kung magagawa ko raw yaon, magiging friend ko na siya. Nag-agree ako kasi mababantayan ko silang dalawa.Wala ng gulo."
"Ganun ba? Akala ko pa naman...Pero ipush mo lang yan anak. Mabuti iyan. Pero huwag masyadong magpadala sa emosyon ha. Masasaktan ka baby ko. Kaya mag-ingat sa feelings."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay yinakap niya ako. Niyakap ko rin siya.
Kakaiba na yata ang yakap ni nanay ngayon. Yung parang mawawala ako sa kanya. Yun ang nararamdman ko eh.
Kumalas siya sa akin ng pagyakap. Ngumiti.
"Sige baby. Magsasaing lang ako at magllto ng pagkain natin. Punta ka muna sa kwarto mo at ihanda na maganda mong plano para bukas. Aja!" masigla niyang sabi sa akin at tumungo na siya sa kusina.
Pumunta ako sa room ko.
Naghanda ako ng mga plano ko para sa Gawing Boyfriend si Ambulance. Kumuha ako ng papel at ballpen at nag-umpisa na ako sa paglatag ng aking plano.
Dumapa ako sa sahig ng aking kwarto habang ang mga paa ko ay ibinababa-taas ko. Kinagat-kagat ko muna ang ballpen. Saka nag-umpisa na akong magsulat ng plano ko.
Heto na ang sisiw na challenge ni Jude Panget.
Transform into a beautiful lady- gawing maganda ang sarili. Hmmm. Maganda na ako.Kaya erase na ito. Nilagyan ko ng ex ang first step.
Make him notice that I exist - dahil masyadong akong maganda ay nanotice na niya ako. Kaya burahin din to.
Nilagyan ko rin ito ng ex.
Seduce him - dahil maganda na ako. Hindi ko na kailangan i-seduce siya. Kusa na siyang maiinlove sa akin. Kaya ekis na to.
Nilagyan ko na rin ng ex ang third step.
The last but not the least step.
Make him your boyfriend - Ito na lang yata ang hindi ko nagagawa. Kaya bukas na bukas ay gagawin ko na 'to.
Sabi ko na nga ba ang dali lang ang pinapgawa ni Jude Panget. Ngayon, I hit two panget in one stone. Mababantayan ko na ang mga Ambulansiya at mababalaan ko pa si Jude panget. Pwede ko rin silang gawing magkaibigan. Hahaha. Ang galing ko. Iba na talaga ang maganda.
Humanda ka sa akin Jude Panget. Magiging friend na tayo. Bwahahaha.
Ikaw na ambulansiya ka. Humanda ka rin sa pagiging boyfriend ko. Masyado akong demanding kaya gagawin mo lahat ng utos ko. Kung hindi magsisi ka. Bwahahaha.
---------------------------
Alamin ang gagawin ni Chanda sa susunod na Chapter. Sino ang maswerteng lalaki ang gawing boyfriend ni Chanda? LOL. Magiging boyfriend niya kaya?
Panget 9
Start from the beginning
