Pagkabukas ng pintuan. Natulala kami sa nakita namin.

"Diyosa kong anak!/Diyosa kong nanay!" sabay na sigaw namin ni nanay at saka naghawakan kami ng kamay at nagtalon-talon pa.

 "Stop! In the name of my beauty!" sabi ko bigla.

Nagpout si nanay. Kadiring magandang matanda to oh.

"Ano na naman to?" tanong niya rin bigla and she is still pouting.

May bigla akong naalalang eksena. Naningkit ang aking mga mata.

"May tinatago ka ba ngayon sa akin Nay?" tanong ko sa kanya.

Umayos si nanay. Gumalaw ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Wala. Wala akong tinatago baby. Kailan pa ako naglihim sa iyo? Eto naman oh." nagpout siya ulit.

"Nay, hindi bagay sayo ang ngumuso. Dapat sa akin lang yan. Tigilan niyo na nga yan." sabi ko na lang bigla.

Hindi pa rin kasi nawawala ang pagnguso niya.

Naniniwala naman ako kay nanay na wala siyang itatago sa akin. Kung may itinatago man siya, sasabihin niya naman iyon agad.

Sabi niya kasi noon na parang kinakain siya ng konsensiya niya kapag may inililihim siya sa akin at hindi niya raw ito kayang buhatin araw-araw o kahit isang araw lang.

Sa ngayon, hindi ko naman kasi naramdaman na may kailangang itago siya sa akin. Kung may nararamdaman man ako ngayon at meron nga. Gulo ko diba. Hindi ko na iyon inatupag. Baka maging salot pa yun sa maganda na naming buhay.

Pero sasabihin ko pa rin sa kanya na may nakita akong lalaki galing sa bahay namin. Baka ako naman maglihim sa kanya na may nakita ako. Hindi ko magagawa iyon.

"Sino nga po pala yung lalaking nanggaling dito kanina? Yung may magarang kotse. Manliligaw mo nay? Taray ni nanay ah. Hindi nauubusan."

"Ay! Pasok ka muna baby. Masyado nang expose ang beauty natin dito sa labas." pag-iiba niya.

Pero alam kong sasagutin niya rin naman ang tanong ko. Dahil alam na ni nanay ang ugali ko 'pag hindi niya sasagutin ang tanong ko. Kapag ganun nga. Hindi ako magsusuklay ng buhok ng isang linggo. Diba ang harsh lang.

Pumasok na nga kami at umupo sa sahig malapit sa may television namin. Wala kaming upuan dito sa munting sala namin. Doon lang sa kusina, kasama na ang hapagkainan, ang may upuan.

 Ngayon tinitigan ko siya sa mata. Tumitig rin siya sa akin. binibilang ko ang paghinga niya. Sa ikaanim na paghinga niya ay doon na nag-umpisa siyang magsalita.

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now