Sa ngayon ito lang muna ang magagawa ko. Ang bantayan ang panget na to.

"Alis na ako. Mag-iingat ka. May mga manggugulo sa iyo dito at paaalisin ka nila sa school na to." paalam at paalala ko sa kanya.

Pasalamat kang panget ka, hinahanda ko ang future ko. Kaya nakakausap mo ako ng matagal. Kahit na medyo nandidiri na ako sa iyo. Taray ng beauty ko.

"Kaya ko sarili ko. Huwag ka ng maging concern sa akin. Nahahalata ka ng may gusto sa akin."

"Bruwaaaaaaaaark!" nag-arte ako na nasusuka. "Grabe ka mag-assume panget ha. Sa ganda kong to, mapupunta lang sayo. Napakalaking LOL. Sige Babush, my future friend. TAKE NOTE! FRIEND not BOYFRIEND. Baka mangarap ka. Kaya tigil-tigilan mo na. Ikaw lang ang masasaktan."

Tinalikuran ko na siya para wala na siyang masabi sa akin at madigest niya ang sinasabi ko. Napakaslow pa naman ng panget na yun.

~~~~O~~~~


Jude's POV

Pasingit lang author. Gusto ko lang tumawa. BWAHAHAHAHAH!

Akala niya madali lang ang pinagawa ko sa kanya. Ngayon, makakaganti na ako sa pang-iinis niya.

Panira talaga ng unang araw ko rito ang panget na yun.

Nasabihan pa akong panget. Sa gwapo kong ito? Panget ako? Sa panget pa nagmula yan ha. Kainis talaga.

Hindi lang nahiya sa mga inaakto at galaw niya. Taas ng confidence, grabe. Walang kapantay sa taas. Tulad ng pagkapanget niya, wala ring kapantay.

Makapunta na nga kay Baby ko. May klase pa yata ako ngayon. Nasan na kaya ang Baby ko. May plano pa kami eh. Matext nga.

To Baby ko:

Wer na u? Here na me. Coming to you baby ko.

From Baby ko.

Ano namang nasinghot mo Pherb? Katol? Punta ka na dito sa room. Maglalandian pa tayo. Nandito na ang mga ahas. 

To Baby ko

Punta na me, baby ko. Wait for my YUMMY body. 

Excited na naman ako sa gimik ni Baby ko. Kaya tumakbo ako ng mabilis.

Dumating ako sa room na pawis na pawis. Pero gwapo pa rin.

~~~~O~~~~~

Chanda's POV

Pumunta ako sa sunod kong klase. As usual, may mata na naman na nakatingin sa akin.

Fine! Hahayaan ko kayong mapagmasdan ang diyosang si ako. Basta huwag lang kayong magparetoke at gayahin ako. Kundi sisirain ko pagmumukha niyo.

Ilang minuto ay tumili ang mga babae. Except sa akin kasi masyado akong maganda para tilian ang ponciong pilatong papasok sa room na'to.

Pero tumingin pa rin ako sa pintuan. Baka si Zac Efron ang dumating at mahuli ako sa pagyakap sa kanya.

Nadismaya ako. Yung tatlong ambulansiya ang pumasok.

Teka! May gagawin pala ako sa mga ambulansiyang to. Ang gawing boyfriend ang isa sa kanila.

Sino kaya sa kanila? Aha! Ganito na lang. Eeny, meeny, miny, moe 

"Si-no-ang-ma-gi-ging-boy-friend-ko-sa-ka-ni-lang-tat-lo? Bu-ti-kaww-bu-ti-kaww-iiiiiii-kaww! Sung-su-ngan-sang-bu-not-du-gay-ma-gal-bot. To-to-ong-si-ya-ba-ang-ma-gi-ging-boy-friend-ko." medyo malakas na sabi ko.

Yun nakapili na ako. Hulaan niyo kung sino. Secret ko lang muna ha.

Tumigil ang lahat nang tumigil ako. Lumalaki ang mga mata nila.

Sigh. As usual nagagandahan naman sila sa akin. Late reaction lang ang show. Grabe ha. O baka extended reaction siguro. Hindi sila maka-get-over sa kagandahan ko.

"Walang hiyang panget to oh. May gana pang pumili at iparinig pa ha." naiinis na sabi ng babae sa likod ko.

"Sarap ilampaso pagmumukha ng panget na yan. Bago siguro yan. Naiinis ako!" sabi ng babae sa bandang kanan ko.

"Ang lakas ng trip ng panget na to ah. Hahaha." sabi naman ng lalaki sa bandang kaliwa ko.

"Hindi ba nanaginip ang panget na to? Mahiya ka sa balat mo panget." sabi ng babae sa harapan ko at nakatingin pa sa akin....para kumpleto na ang apat na direksiyon

Tumingin ako sa likod. Nandito ba si Jude at ganyan sila magsalita. Wala naman ah. Baka ibang panget yun. Andami kasi SILA rito.

Hindi ko sila pinansin. Nakita ko na naman na palapit sa pwesto ko ang mga ambulansiya.

Uupo na sana sila. Pero pinigilan ko sila. "Hindi kayo pwedeng umupo riyan. Para lang yan sa mga gwapo." taray!

Pinandilatan lang nila ako ng mata at umupo sila.

"Grabe ang assuming ng mga lalaking to." parinig ko sa kanila.

Heto na naman tayo. Ang mga dark aura nila, pinapalabas na naman nila.

"Huwag kayong magtangkang bastusin ako. Baka hindi ko kayo matantiya. Anpapanget niyo pa naman."

"KAPAL!" korong sabi ng mga kaklase ko ngayon.

See umagree sila sa akin. Ang kapal ng mga lalaking to. Hindi na nahiya.

Natapos na ang unang araw ko sa eskwelahan. Nakakapagod pero...maganda pa rin ako.

-------------------------------------------------------

VOTE adn COMMENT

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now