See! Napansin niya ulit ang ganda ko. A big hand for my beautiful self.
"Yung maging fake girlfriend or fake fiancee naman kta, hindi ko naisip yun at hindi yan ang ipagagawa ko. Ang..."
"Ang tagal naman magdecide. Dami pang etseburetse. Hindi na lang deritsuhin. Ganyan talaga ang mga panget. Pinatatagal ang usapan para masiyahan naman ng konti. Kasi nakalapit sila sa kung saan may HD sila. Tsk. Tsk. Diskarte mo talaga pambaduy."
"Teka nga lang. Ba't ka na naman sumasabat. Hindi pa naman kita tinatanong. Kung ayaw mong makipagkaibigan, e di huwag." saka nag-umpisa na siyang maglakad.
"Teka! Sige na nga. Tatahimik na ang diyosa. Heto naman oh. Hindi mabiro. ANo na kasi?!"
Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting tagumpay.
Takte namang puso to oh. Nag-aalangang ngiti na lang ako sa kanya.
Dug! Dug!
Dug! Dug!
"He he...He he." pausong ngisi ko.
"Ang gusto kong gawin mo..........paibigin mo yung isa sa mga nakasagupa mo na mga lalaki dito sa school. Yung grupo ng nasuntok mo. Kung maging boyfriend mo na ang isa doon, friend na tayo." ngumiti siya sa akin ng todo.
"Yun lang?!" sigaw ko. "Ang dali naman. Wala namang mas hihirap pa diyan?..Hay! Walang kachallenge-challenge....Sa ganda kong to...Yung mga panget na yun? Siguradong maiinlove yun. Inlove na nga siguro sila sa akin. Isang malaking check para diyan!"
Napanganga lang siya. Ang dali naman kasi ng kondisyon niya. Sisiw.
"Ano nganga ka ngayon? Yan kasi, hindi man lang nag-isip. Yung mahirap naman sana. Wala ng bawian hah."
Umiiling iling pa siya. "Grabe confidence mo, ha. Lupa hanggang langit."
"Oo...lupa hanggang langit ang confidence ko. Hindi naman ako magiging confident kong panget akong katulad mo. Diyosa ako ng lupa. Kung pwede lang sana pati na ng langit, aangkinin ko na. Pero parang sobra naman yata yun. Diba?" ngumiti ako sa kanya at ginalaw galaw pa ang kilay ko.
Tumingin lang siya sa akin. "Oh see, hindi ka makasagot. Silence means yes. At saka...habang hindi ko pa boyfriend ang isa kanila. Magkasama pa rin tayo. Para makilala kita. Baka kasi hindi ka deserving na maging kaibigan ng diyosang ito. Iba na ang mautak. For sure, hindi ka naman siguro lugi do'n."
Umiling-iling ulit siya.
"Fine!" sabi niya.
"Fine too!" sabi ko rin.
Panget 8
Start from the beginning
