My Binondo Girl After Two Years Chapter 8

Magsimula sa umpisa
                                    

   "Thank you, Gerald for the coffee. It was really nice meeting you," paalam ni Jade, sabay abot ng kanang kamay sa kanya.

   "The pleasure is all mine, Jade. I hope this is the beginning of our friendship," nakangiting tugon nito na malugod na tinanggap ang kamay na inabot sa kanya ni Jade. 

   Tahimik lang na nakamasid si Andy, lalong tumalim ang tingin nito kay Gerald nang hindi agad nito binitawan ang kamay ni Jade.

   "Amethyst, ihahatid ka muna namin ni Jade bago kami umuwi."

   "Sa shop ko na lang, I left my car there," ani Amethyst. "See you tomorrow sa shop ko, Gerald,"

   "Sure, I'll drop by around 4 PM."

   Sabay-sabay na silang lumabas ng coffee shop. 

   "Ang bait ni Gerald, hindi suplado. Imagine nag-imbita pa sa amin. Sikat kaya iyon," kinikilig na sabi ni Jade. Katatapos lang nilang ihatid si Amethyst sa shop nito.  "Sayang, nakalimutan kong magpa-picture kanina," nanghihinayang na patuloy ni Jade.

   "Jade, kanina pa puro Gerald na lang ang bukang-bibig mo," naiinis na reklamo nito sa asawa.

   "Excited lang naman, ito naman KJ," naka-irap na sabi ni Jade.

   "Well, I'm tired of hearing his name," asik nito.

   "Tatahimik na po, sungit mo naman," nakasimangot na sabi ni Jade.

   "Kumusta na ang pakiramdam mo? Anong sabi ni doktora sa baby natin?" iniba nito ang usapan.

   "Okay lang ako. Sabi ni Dra. Fernandez wala raw dapat ipag-alala sa baby natin. Next month raw pwede ng malaman ang gender ng baby natin. Andy, dumaan naman tayo sa supermarket, gusto kong bumili ng lanzones at mangga," masuyong utos nito sa asawa.

   "Sige, basta kung ano ang gusto mo, masusunod," masaya nitong sagot.

   "Lahat, susundin mo ngayon talaga?" pilyang tanong ni Jade.

   "Teka, napasubo yata ako sa iyo," naiiling na napangiti si Andy.

   "Basta walang bawian ha?"

   "Okay na po basta huwag kang masyadong  masungit sa akin, pero kung ako ang pinaglilihian mo sige na para kamukha ko naman this time ang baby natin."

   "Hmp, tingnan natin," sabay irap ni Jade sa asawa.

****I hope you enjoyed reading chapter 8. :) Please support me by sharing it with your friends in FB, retweeting it, voting and clicking the like here in Wattpad. Also leaving a comment would help me tremendously. Lastly, please follow me on Twitter @gidgetwitty so you can get an update on the coming chapters. Salamat po sa uulitin. :)))

   

   

   

  

   

   

   

   

  

   

  

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon