Baek Eun Jo's Diary Entry 4 (4-6) I need a girlfriend

680 19 5
                                    

Hhmmm...kakaiba ang ikinikilos ni Ha Ni.  Kanina nakita ko syang nakikinig sa labas ng pinto ng banyo habang nandoon sa loob si kuya.  Tapos nag-ingat pa syang naglakad papunta sa kuwarto nila.  Ano yung tunog na yon sa kuwarto nila kuya?  Parang may nabuksan...

Bago 'yon, nakita ko si Ha Ni na kausap si mommy.  Parang may pinaplano sila kasi biglang tumahimik si mommy nung pumasok ako.  Para bang wala ako do'n at yung mga mukha nila parang may mga tinatago at binabalak na hindi maganda.  Ano kayang nangyayari?  Sabihin ko kaya kay kuya o hindi? 

~~~

Sa huli ay sina mommy at Ha Ni ang naisahan ni kuya.  Sinabi ni kuya na iri-register lang nila ang kasal kapag nakapasa sa nursing exam si Ha Ni.  Sinabi pa nya na ni hindi man lang sila nakapag-date ni Ha Ni kaya dapat isekreto ang kasal dahil marami daw ang magugulat pag nalaman yon.  Sabi ni mommy na kahit na ano pang sabihin ni kuya, kasal pa rin sila ni Ha Ni.

Pero syempre genius si kuya...kanina, nag-aaral si Ha Ni pero isinama sya ni mommy na lumabas at nag-try pala silang i-register ang marriage at nalaman nilang nai-register na yon ni kuya.  Bakit kasi sila masyadong sabik na ma-register 'yon eh nagawa na pala?  Ha!  Ang galing talaga ni kuya - napaikot at napaniwala nya sina mommy at Ha Ni.  Kelan ko kaya magagamit 'tong natutunan ko ngayon kay kuya?

~~~

Kanina ko pa hinahanap si kuya kasi meron akong homework na hindi ko masagutan kaya gusto kong magpatulong sa kanya.

Pero hindi ko alam kung bakit ngayon parang ang weird nya...parang laging ang saya-saya nya eh hindi naman sya dating gano'n.  Mula nung ikasal sya at nag-honeymoon sila, lagi na lang syang busy.  Lagi na rin syang nagla-lock ng pinto.  Lagi ko na lang silang nakikita o kaya naririnig ni Ha Ni na patawang nagbubulungan, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.  Dati rati naman nag-i-enjoy syang kasama ako at nakikipaglaro pa sya sa 'kin.  

Nag-decide akong puntahan si kuya para humingi ng tulong sa homework ko at makapag-usap na rin kami.  Kumatok ako sandali at nang mapansing hindi naka-lock ang pinto, binuksan ko 'yon kaagad.  Nakita ko silang parang hindi namalayan na pumasok ako ng kwarto dahil nakita ko pa silang nakahiga at nakayakap sa isa't-isa at katulad ko ay nabigla din sila.

Si kuya na sobrang tigas ng personalidad...si Baek Seung Jo na Ice Prince, nakita kong ubod ng tamis ang ngiti at buong lambing nakatitig kay Ha Ni na nakatingin din sa kanya...kuya, ikaw ba talaga yan?  Gusto kong makasiguro na totoo ang nakikita ko kaya pinili kong mag-galit-galitan at suplado.

Sinabi ko sa kanilang dapat mas maging maingat sila sa mga kilos nila lalo na at malapit ang kuwarto ko sa kuwarto nila.

Ahhh!  Kailangan ko ng makipag-date at magkaroon ng girlfriend!  Sana hindi ko na lang nakita yung ginagawa nila, nakakainggit tuloy.

~~~

Nitong mga nakaraang araw napapatingin ako sa mga babae sa school namin.  May nahuli akong babae na lagi na lang nakatitig sa kin sa bintana habang naglalaro ako sa playground.  Minsan nakikita ko sya sa music room.  Pag nagtitinginan kami, ngumingiti lang sya tapos humahagikgik.  Cute naman sya kahit masyadong maganda.  Medyo weird lang kapag naiisip ko yo'n.

~~~

Yung cute na babae may ibinibigay sa king sulat...pero malakas ang kutob ko sa babaeng ito.  Sa school namin, persistent sya at sya ang hindi pinaka-matalino.  May narinig din ako na nagsabing may gusto na raw sa 'kin ang babaeng 'to last year pa.

Ughhh!  Ayoko sa katulad ni Oh Ha Ni, gusto kong magka-asawa ng maganda at matalino!

-END-

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Where stories live. Discover now