Baek Eun Jo's Diary Entry 2 (3-4) Why does Oh Ha Ni cry?

555 13 0
                                    

Sobrang sakit ng tiyan ko at pakiramdam ko mamamatay na ko.  Nung umalis sina mommy at daddy at naiwan akong mag-isa, napadami ang kain ko ng pizza at inom ng softdrinks habang naglalaro ng video games maghapon.  Para akong naparusahan sa sakit..buti na lang dumating si Ha Ni at tinulungan ako.

~~~

Masakit yung surgery pero may na-meet akong bagong kaibigan - si Nori kaya naging masaya rin ako.  Tinulungan kaming pareho ni Nori ng kuya ko sa pagri-review habang nasa hospital.  Nag-celebrate din kami ng birthday ni Nori dito sa hospital.  Si Ha Ni araw-araw na lang dumadalaw, nakakairita kasi ang kulit-kulit nya.  Tinutulungan pa nya si Nori na mag-aral eh mas madami pa akong alam sa kanya.  Minsan nag-race kami ni Nori habang naka-wheelchair at tulak-tulak nina kuya at Ha Ni kaya tuloy napagalitan kami nung nurse.    

Pero napapansin ko na parang masyado yatang maraming oras ngayon si kuya kasi araw-araw din syang dumadalaw dito sa hospital gaya ni Ha Ni.  Hindi ba talaga nag-aaral ang mga college students?

~~~

Nakauwi na ko galing ng hospital at nalaman kong babalik na rin dito sa bahay si Ha Ni.  Mawawalan na naman ako ng sariling kuwarto pero mapapalampas ko yon...si Ha Ni naman ang sumagip sa 'kin sa pangalawang pagkakataon.  Pasimple akong nag-pasalamat kay Ha Ni sa ginawa nyang pagtulong sa 'kin - hindi ko kasi alam kung pa'no ko gagawin kaya tinukbuhan ko sya agad pagkasabi ko no'n; alam kong naintindihan na nya yung gusto kong iparating.

~~~

Nung makabalik sa bahay si Ha Ni napansin ko na naman ang mga sariling pagtawa ni kuya buong araw.  Pero pagkatapos ulit ng ilang araw, balik na naman si kuya sa pag-iisip nya ng malalim at walang ganong makipag-usap sa amin.  Minsan tinatanong ko na hindi pa rin sya sumasagot.  Ano na naman kaya ang problema ni kuya?

~~~

Nag-desisyon si kuya na umalis sa bahay para magsarili.  Kung ako yon hindi ako aalis ng bahay kasi mas kumportable.  Sabi ni kuya gusto daw nyang subukang maging independent at gawin ang mga bagay na mag-isa. 

Nung paalis na sya nakatayo lang ako sa may harapan ng pintuan para magpaalam.

Nakakalungkot nung magpaalam sa 'kin si kuya kaya yumakap na lang ako sa kanya at umiyak.  Pero kahit ako ang nakayakap sa kanya, hindi naman sya nakatingin sa 'kin kung hindi kay Ha Ni.  Ang weird talaga ni Kuya.  Ni hindi nga sya nagpaalam kay Ha Ni - tinitigan nya lang si Ha Ni...ang weird.

~~~

Kagabi narinig ko si Ha Ni na umiiyak sa kwarto nya.  Gusto ko syang puntahan at sabihan na manahimik pero sobrang lungkot nya sa pag-iyak nya kaya hinayaan ko na lang.  Siguro umiiyak sya dahil kay kuya.  At since si kuya naman ang iniiyakan nya, hindi ko na sya sinita.

Pero bakit ba lagi na lang pinapaiyak ni kuya si Oh Ha Ni?

Umiiyak ba si Ha Ni kasi lagi syang inaasar ni kuya?  Makalawa lang bago umalis si kuya inaasar nya pa si Ha Ni.

Sa totoo lang ako ang naunang nakakita dun sa panty ni Ha Ni sa sahig.  Inisip kong kung kinuha ko 'yon para ibigay sa kanya, mapapahiya lang sya kaya nagkunwari akong di ko yon nakita at dumiretso na lang sa kuwarto.  Pero ang weird lang na itong si kuya na mas matanda sa akin at dapat  mas nakakaalam ng tama ay kinuha yung panty at dinig na dinig kong inasar nya si Ha Ni.

Sabi ni kuya na para daw hindi na nag-develop ang katawan ni Ha Ni mula nung elementary.  Sinabi pa nyang pag nakikita nya si Ha Ni hindi nya mapigilang hindi ito inisin.

Bakit kaya ginagawa ni kuya ang mga ganoong klase ng pang-aasar na kahit nga ang isang elementary student na tulad ko eh hindi iisiping gawin yon?

Bakit laging pinapaiyak ni kuya si Ha Ni?

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon