Baek Eun Jo's Diary Entry 3 (3-4) Big Brother's secret

508 12 0
                                    

Kaninang umaga, nakita ko si Ha Ni na naka-red na bag at sapatos pa na halatang nag-ayos talaga.  Ang aga pa nga nyang umalis...para sa date?  Sobrang aga naman yata para sa date.  Pero ano kaya ang sasabihin ni kuya kapag nalaman nya?  Hindi naman siguro nag-iba na kaagad ang gusto ni Ha Ni?

Kelan lang nakita ko sina kuya at Ha Ni na nag-e-enjoy na parang mga newlyweds sa mga pinag-gagagawa nila.  Ano kayang nangyari?  Bakit bigla-bigla naman yatang nagbago ang ihip ng hangin?  Dati rati si Ha Ni araw-araw kung asikasuhin si kuya.

Tinanong ako ni kuya kung nasa'n si Ha Ni.  Sabi ko lumabas at nag-date.  Nung sinabi ko 'yon, nag-iba kaagad ang mood ni kuya, umasim ang mukhan sa galit.  Pati yung inosenteng diyaryo na hawak nya napagtuunan yata nya ng galit.

~~~

Bakit kaya umalis na lang si Ha Ni at nakipag-date sa iba habang ang alam ko ay si kuya ang gusto nya?  Kahit si kuya si Hae Ra nakipag-date pa kay Hae Ra at sinabing magpapakasal daw sila.

Kahit lumabas si kuya kanina kasamang nag-date si Hae Ra, mukha pa rin syang galit at wala sa mood pag-uwi nya.  Matagal pa syang tumayo do'n sa may likod ng pinto hawak yung door handle at kahit wala syang sinasabi, halata sa mukha nya ang pagka-depress at pagka-miserable.  Parang meron syang tinatago na pinipigilan nyang lumabas...sobrang seryoso ng mukha nya kaya nagpanggap na lang akong tulog na.

~~~

Kamakailan lang ay nakita kong umiiyak si Ha Ni sa sala at narinig ko pa rin ang pag-iyak nya buong gabi sa kuwarto nya.

Nitong mga nakaraang araw halata sa dalawa na depressed sila kaya parang pati ako nadi-depress din.  Ano ba kasing nangyayari?  'Di ba gusto naman nila ang isa't-isa?

~~~

Nagkasagutan sina mommy at kuya.  Ayoko nang magkasakit ulit si mommy.  Sa tingin ko may solusyon ako dahil may alam akong sikreto pero ano ba talaga ang dapat kong gawin?  Sasabihin ko ang secret ni kuya...ayokong umiyak si mommy kaya sasabihin ko kay mommy at daddy!

Bakit ipinagkakalat ni kuya na pakakasalan nya si Hae Ra?  Bakit nya sinasabi yo'n kung ayaw naman ni kuya sa kanya?  Bakit gusto nya yong pakasalan?  Gusto mo bang ipagsabi ko yung tungkol sa stolen kiss, kuya?  Kahit saang anggulo ko pa tignan, si Ha Ni ang gusto ni kuya.  At kahapong nag-date si Ha Ni, halata ang galit at selos nya.  Kahit na sinasabi ni kuya na magugustuhan ko rin si Hae Ra para sa kanya, halata sa mukha ni kuya ang lungkot at pagka-miserable.

Parang ang hirap tumanda...masyadong komplikado.  Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila gusto...si kuya parang nagmamalaki pa na pakakasalan nya si Hae Ra kahit bakas sa mukha nya na ayaw nya.

~~~

Si mommy kinukulit ako para sabihin ko sa kanya ang nalalaman ko...hindi pwede mommy, nag-promise ako kay kuya!

~~~

Kung kelan napag-usapan ng mga matatanda na magmu-move-out ulit si Ha Ni, dun naman sinabi ni kuya na gusto nyang pakasalan si Oh Ha Ni.  Nagulat silang lahat, pero hindi ako dahil alam ko na noon pa na may gusto rin si kuya kay Ha Ni.

Mabuti na lang at magpapakasal na sila; ibig sabihin magiging parte na talaga ng pamilya namin si Ha Ni at hindi na sya aalis.  Kahit na ang dami naming pinag-daanan dahil sa katangahan at kakulitan ni Ha Ni, iniligtas na rin nya ako ng dalawang beses.  Mabuti na lang at hindi ko naibulgar ang sikreto ni kuya kung hindi lagot ako sa kanya.

~~~

Nakakatawa na ngayon ang buong pamilya.  Parang ang tagal na ng panahon na hindi namin nagawa 'to.  Imbes na si kuya, ako na ang magmamana sa game company ni daddy.  In fact, alam ko na noon pa na hindi mahilig si kuya sa mga games at hindi rin sya magaling maglaro.

Hmmm...magiging president ako ng game company...ano kayang pwede kong i-develop para sa company ko?  Nag-start na nga akong mag-drawing ng game character, si "Kerik".  Pagbubutihin ko at gagalingan ko para maging karapat-dapat na susunod na president ng company ni daddy.  Hindi lang ako magdi-develop ng exciting at best games para sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo! 

Magiging busy na ngayon si kuya sa pag-aaral para maging doktor.  Sa lahat ng sinabi ko, ngumiti lang si kuya.  Masaya talaga ako dahil lahat kami ngayon ay nakakatawa na at nakakapag-usap ng ganito katulad ng dati.

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin