Baek Eun Jo's Diary Entry 2 (1-2) Why does love hurt?

569 17 0
                                    

May nakita akong magandang babae sa school.  Ngayon ko lang nalaman na may maganda pala akong schoolmate...bigla ko na lang syang nakita.

Tinitignan ko sya nung P.E. time pero hindi ko alam na nahuli ako ni Oh Ha Ni.

Hindi ko alam kung anong sinabi ni Oh Ha Ni kay Sara, pero nakumbinse nya itong pumunta sa bahay kaya ang saya-saya ko.

Ipinakita ko kay Sara ang mga geometric toys ko pero sabi nya nabo-bored daw syang laruin ang mga yon at gusto na nyang umuwi...hindi ko tuloy alam kung anong gagagwin ko.

Ano ba kasi ang gustong gawin ng mga babae?

Dumating si kuya at nakipaglaro sa 'min.  Mukha namang nag-e-enjoy ulit si Sara kaya sabi nya uuwi na lang sya after naming mag-dinner.

Natuwa ako nung tinanong ni Sara si kuya kung naniniwala sya sa love at first sight - kasi yun ang pakiramdam kong nangyari sa 'min ni Sara.

Ok na sana pero nung sinabi ni Sara kay kuya na hintayin daw nya si Sara paglaki, dun ko na-realize na sa kuya ko sya na-love-at-first-sight at hindi sa 'kin.

First time akong nainis kay kuya.  Usually proud ako kasi gwapo at genius sya pero ngayon wini-wish ko na sana mas pangit na lang sya sa 'kin.

Sumingit si mommy sa usapan at pinagmalaki ang kaguwapuhan ko pero kahit ano pang sabihin ni mommy, hindi naman apektado si Sara.

Siguro sa paningin ni mommy cool at cute ako dahil mommy ko sya pero para maramdaman kong totoo yon, dapat manggaling yon kay Sara...

Pero si Sara, si kuya naman ang gusto...nakakapanlumo tuloy...

Eh sikat din naman ako at pinakamatalino sa school, ah?  Bakit ayaw sa 'kin ni Sara?

~~~

Ni ayokong makita si Oh Ha Ni.

Si Ha Ni ang dahilan kung bakit nakapunta dito sa bahay si Sara at nakita si kuya...nakakainis talaga ang katangahan ng pakialamerang si Ha Ni!

Pero sa huli kinausap ko pa rin sya...

Sabi ni Ha Ni na it's a miracle kapag ang dalawang tao ay nagkakagustuhan.

Hindi pa yata nya sinasadya pero naitanong ni Ha Ni kung mangyayari kaya yung gano'ng milagro sa kanya...

Pwede rin naman palang kausapin ng parang normal na tao itong si Ha Ni...do'n ko na-realize na isini-share nya sa akin ang nararamdaman nya.

Nasasaktan din ba si Ha Ni sa ginagawa ni kuya sa kanya?

Since seryoso ang usapan namin ni Ha Ni, pakiramdam ko nag-mature ako ngayong gabi.

Para nga akong tumangkad at tumanda ng kaunti dahil sa naramdaman kong sakit.

~~~

Sa wakas, umalis na rin ang makulit na si Ha Ni.

Mabuti nga ngayon, tahimik...pero minsan nakaka-miss din sya kasi wala na akong maasar.  Parang pati si kuya ganon din ang napi-feel kasi nakikita ko syang laging pinaglalaruan yung weird na plush chain ni Ha Ni.

Si mommy lagi na lang wala sa mood, lagi na lang din syang humihiga.  Hindi na sya naglilinis o kaya nagluluto.  Si daddy ini-split ang mga gawaing-bahay sa amin ni kuya pero sabi ko kay kuya na sya na lang gumawa ng lahat no'n.  Kahit minsan naaawa ako kay kuya at gusto ko syang tulungan, nananaig pa rin ang pagka-disgusto ko sa kanya dahil sa nangyari kay Sara.

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Where stories live. Discover now