Baek Eun Jo's Diary Entry 4 (1-3) Big Brother is a coward

479 10 0
                                    

At last, magpapakasal na rin sina kuya at Ha Ni.  Pero...paano ko na palang tatawagin si Ha Ni?  Ate?  Pinagsasabihan ako ni mommy na mag-practice sa pagtawag kay Ha Ni na ate pero hindi ko talaga magawa...sa tingin ko Oh Ha Ni pa rin ang dapat kong itawag sa kanya.  Hindi naman sa ayaw ko na tawagin syang ate pero para kasing hindi bagay sa kanya.

Bukas ay magpapakasal na sila.  Masuwerte si Ha Ni dahil mahal sya ng pamilya namin at ngayon ay magiging asawa na nya si kuya.  Si kuya naman mabuti rin na magkakaroon na sya ng sarili nyang pamilya.  Sa ugali ni kuya, medyo mahirap syang pakisamahan at kung hindi ko lang siya kuya, hindi ko sya susundin.  Hindi si Ha Ni ang ideal woman ko pero si Ha Ni, sya lang talaga ang nababagay na maging asawa ng kuya ko.  Kung ako ang mag-aasawa, maghahanap ako ng mas maganda at matalinong babae.

Ayos lang ba talaga ang magpakasal?  Kasi hanggang kahapon, naririnig ko na naghihimaktol si kuya sa mga preparations na ginagawa nila para sa kasal kaya parang pakiramdam ko ayaw ni kuyang magpakasal.  Pero ngayon, si kuya ngiti naman ng ngiti...hayyyy...nakakabaliw!

~~~

Araw ng kasal; ang ganda ni Ha Ni sa wedding dress nya.  Mukha nga syang anghel.  Dahil sa nerbyos, hinawakan pa nya ang kamay ko ng mahigpit.  Ang makulit na si Ha Ni, hindi naman dating ganito, bakit ngayon parang kabadong-kabado?  Sinabihan ko syang mag-relax para hindi nya mahulog ang singsing o kaya ay madapa sa sarili nyang damit.  Kahit na sinabi ko yo'n, hindi pa rin nawala ang panginginig at panlalamig ng kamay nya.  Para mawala ang kaba nya, naisip kong bigyan sya ng regalo para ma-relax sya.  Sinabi ko sa kanya ang ginawang paghalik ni kuya sa kanya sa pension house habang natutulog sya sa bench.  Okay lang siguro na sabihin ko na kay Ha Ni, tutal naman ay magiging mag-asawa na sila.

Katulad ng nasabi ko, nalaglag nga ni Ha Ni ang wedding ring nung isusuot na nya yo'n kay kuya.  Nakakahiya talaga itong si Ha Ni, ugh!  Teka lang...bakit biglang tumingin sa 'kin si kuya?  Don't tell me sinabi na ni Ha Ni kay kuya yung sikretong sinabi ko kanina?!  Ugh!  Nagkunwari na lang akong hindi ko nakita si kuya na tumingin...pero kinailangan ko pa ring sabihin kay Ha Ni...kahit anong sama pa ng tingin sa 'kin ni kuya, wala na syang magagawa kasi totoo naman ang sinabi ko sa asawa nya.

Ang masasabi ko lang, duwag si kuya.  Nagkunwari syang hindi nya gusto si Ha Ni sa matagal na panahon kahit alam nyang gusto sya ni Ha Ni.  Lagi pa nyang inaasar si Ha Ni...duwag ka talaga, kuya!

Wala akong matandaang oras na nag-iba ang tingin ni Ha Ni kay kuya.  Kahit ano pang masamang trato ni kuya kay Ha Ni, ibig bang sabihin no'n wala na syang gusto kay Ha Ni?  Ah, ako lang ang nakakaalam ng sikreto ni kuya...

~~~

Nakakairita na 'to.  Kinaladkad ako ni mommy dito si Jeju island para mabantayan sa honeymoon ang bagong kasal.  Mukha tuloy akong weird dahil kay mommy.  Kailangan kong magsuot ng spy shades at wig pero namukhaan pa rin ako ni kuya kaya nalaman nyang nando'n kami.  Hindi tuloy nabili ni Ha Ni ang dapat ipapasalubong nya sa 'kin kasi pinigilan sya ni kuya at tumingin si kuya sa 'kin...hayyy...hindi talaga ako makapagtago kay kuya, kilalang-kilala nya 'ko kahit naka-disguise pa 'ko. 

Pero bakit ba yung isang babae ang nakadikit kay kuya?  At bakit walang ginagawa si Ha Ni at hinahayaan lang sila?  Bad trip ang babaeng 'yon, ah!  Maling asawa ang kinakapitan mo, buwisit ka!  Grrr!  Grrr!

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Where stories live. Discover now