Baek Eun Jo's Diary Entry 1 (1) Weird Things Happening

1.5K 27 1
                                    

Nakakainis naman si mommy kanina...ilang beses nyang inulit-ulit na kailangan naming lumabas ng bahay dahil importante daw syang gagawin.  Tinawagan pa nya si daddy para mag-meet kami sa restaurant ni tito na daddy ni Ha Ni.  Kinaladkad nya ko ng bahay paalis dahil may malaki daw problema pero anong ginawa namin?  Nagpunta lang sa restaurant para kumain?!  Kainis!

Inaantok na nga ako pero si mommy nagpilit pa na pumunta sa karaoke place.  Dun naman sa pinuntahan namin, puro silang matatanda lang ang kumanta at puro mga kapanahunan pa nila yung mga songs kaya batong-bato ako do'n.  Ano na naman kaya ang binabalak nitong si mommy at isinama pa nila ako dito?

Weird.  Tahimik ang bahay pag-uwi namin.  Hindi ko naririnig ang madaldal na si Oh Ha Ni at kahit si kuya wala rin.  Teka lang...bakit biglang lumabas patakbo ng kwarto namin ni kuya si Ha Ni na namumula pa ang mukha?...hmmm...nakakasuspetsa...

Pagpasok ko ng kwarto nakita ko si kuya na tawa ng tawa habang naka-off ang ilaw.  Tinanong ko sya kung anong nangyari kay Ha Ni at sinabi nyang hindi nya alam habang nakatitig pa rin sya dun sa English book na tumatawa.  Nakakatuwa ba ng sobra ang English?  Bakit parang ang saya-saya ni kuya?  Pero nung tignan ko sya ulit, bakit parang pati si kuya namumula rin ang mukha tulad ni Ha Ni?

Nakahiga na ko't lahat pero naririnig ko pa rin si kuya na tumatawa; ano bang nakakatawa?  Ang ingay-ingay hindi tuloy ako makatulog kay kuya!

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Where stories live. Discover now