I should stop these train of thoughts. Hindi sya nakakatulong sa kabang nararamdaman ko.

Ting!

Halos mapatalon ako ng marinig ang hudyat ng pagbukas ng elevator. Mukhang wala na ang kasama nyang dalawang Engineers at ang secretary nya. Dito ba namin gagawin? Sa mesa nya? Sa swivel chair habang sya nakaupo at ako naman nakakandong sa kanya? Saan? Sa sahig?

Halos pangatugan ako ng mga tuhod sa mga scenario na naglalaro sa utak ko. Ano ba to? Dapat pala nag research muna ako. Nanood ng porn. Ang dali lang naman mag search sa internet. O kaya nag hanap ng mga forums about sa mga first time na magse-sex katulad ko.

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga naiisip ko. This isn't me! At all! Dahil pa rin ba to kay JP o para kay Lex na? Ewan! I don't even see Lex as a boyfriend material. Simula't simula palang, kaibigan ng kuya ko ang tingin ko sa kanya. Ni hindi man ako natinag noong unang kita ko sa kanya. He doesn't even bother me kahit na ang laki ng pinagbago nya, physical appearance wise.

Pero ngayon, I don't know! May excitement sa kaalaman na may mangyayari sa amin.

Huminga muna ako ng malalim at pinagpag ang mga kamay ko para maibsan ang panginginig ng mga to bago ako kumatok.

"Come in." ng marinig ko ang boses nya, parang mas dumoble ang kaba ko kay isang hiningang malalim ulit ang ginawa ko. This is it! There is no turning back!

"Hi!" I can hear the breathlessness in my voice. I'm sure kahit sya narinig nya ang panginginig sa tinig ko kaya kunot noong tiningnan nya ko.

Gone is the brave girl who begged him to bang her! Isang babaeng inosente na parang nakapasok sa den ng isang leon na anumang oras ay sasagpangin sya nito. Ganon ang nararamdaman ko ngayon.

I feel like I am in a very dangerous teritory. A teritory where I am vulnerable and afraid that my prey will see my vulnerability.

"Have a seat." nilingon lang nya ko saglit at humarap ulit sa computer at nagtipa. Mukhang may tinatapos pa syang trabaho.

"Sandali nalang to." sabi nya ng hindi ako nililingon. Instead na umupo ako, pinuntahan ko ang work station nya at tiningnan ang mga tinatapos nyang mga designs at blue print.

Magaling talaga sya. May pagka moderno ang mga gawa nya at the same time makikita doon ang functionality ng bawat design.

"I'm done..." napatingin ako sa kanya at nakita kong prente syang nakasandal sa swivel chair nya at pinagsiklop pa ang mga kamay. Biglang sumikdo ulit ang puso ko.

This anticipation is killing me! Daig ko pa ang masisilya elektrika!

Lumapit ako sa kanya at uupo na sana sa isa sa mga upuan sa harap ng mesa nya pero inabot lang nya ang kamay nya tanda na pinapapunta nya ko sa harapan nya.

Ilang beses muna akong lumunok at pinakatitigan sya para makita ang expression ng mga mata nya. Wala man akong mabasa sa mga mata nya dahil napakaseryoso nya. Nakatitig din sya sa akin at hindi inalis sa pagkakaunat ang kamay kaya wala nakong nagawa kundi abuti iyon.

"Waaahhh!!!" napasigaw nalang ako ng higitin nya ko at paupuin sa kandungan nya. Agad naman nyang sinubsob ang mukha sa gilid ng leeg ko kaya hindi lang iisang beses akong napasinghap.

I wasn't expecting this but I was expecting this at the same time. Ewan! Ang gulo ko! Mixed emotions kasi ang nararamdaman ko ngayon. Hindi nagpa-function ng mabuti ang utak ko.

"I am reconsidering your offer but..." sininghot nya muna ang gilid ng leeg ko bago nya tinutok ang bibig nya sa may tenga ko. Hindi ko maiwasan na hindi kilabutan at ma-... Arouse? Ganito ba ang ito? Normal lang siguro ang nararamdaman ko no?

Operation: Pop My CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon