Chapter 26: Show Ability 2

Start from the beginning
                                    

Naging weird ang pakiramdam ni Dara dahil naaamoy niya ang mga ito. Kahit malayo sila sa kinatatayuan ngayon ni Dara ay naamoy niya talaga sila. Parang masangsang at malansa.

Habang papalapit sila ay napapaatras ng konti si Drage. Sa isip ni Dara ay tiyak na kayang talunin ni Drage ang lahat ng 'yan dahil dragon siya.

Nagulat naman si Dara nang tumawa ang isa sa kanila. Boses lalaki ito.

"Pati ba naman sila, nagsasalita?!" bulong ni Dara sa sarili at hindi makapaniwala.

"Two dragons against five night burning lupus. Who will gonna win?" pagmamayabang nito sabay tawa ng mga kasamahan niya.

Mukhang siya ang tumatayong leader sa kanila. Wala naman reaksyon ang mababakas sa dragon na si Drage.

Tao rin sila na nag-anyong night lupus? Ano ang night burning lupus? Iyan ang tanong ni Dara sa sarili niya.

"Anong dalawa? Bulag ba kayo? Isa lang ang dragon, oh?" Sa wakas ay sumabat na si Dara. Medyo lumapit siya ng konti at tumabi siya kay Drage para marinig niya ang isasagot sa kanuya ng leader ng night burning lupus.

I can smell the blood of a dragon in you

"You can't fool us! You're a dragon and you can't hide it! I can smell the blood of a dragon in you." Umasta pa ito na inaamoy ang hangin.

Nagulantang si Dara sa nalaman niya. Napahawak siya sa bibig niya at hindi makapaniwala.

"I-isa akong d-dragon?"

Bigla naman nagpalit anyo si Drage. Naging tao na siya ulit ngayon. Nakita ni Dara kung paano pumasok ang pakpak sa likod ni Drage.

"Leave us alone. You know the rules between us. Hindi niyo naman siguro hahayaan na masira ang ugnayan ng mga angkan natin," matapang na sambit ni Drage.

"She doesn't know that she is a dragon?" Naglakad siya papalapit ngunit tumigil din at ngumisi kay Drage. "Haha! Alam mong dragon siya at nananalaytay sa kaniya ang ro-"

"Umalis na kayo!"

"Chill! Haha! Okay, okay! Aalis na kami!"

Ngumisi pa ito bago tuluyang umalis. Nang makaalis sila ay doon naman nakahinga nang maluwag si Dara. Hinarap ni Drage si Dara.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na dragon pala ako?" tanong ni Dara.

"From the very beginning, I knew that you're a dragon. A dragon has the ability to sense his fellow dragon. And of course I want you to discover it yourself. Kaya nilaglag kita para makita kung mapapalabas mo ba ang pakpak mo kapag nasa panganib ka na." Hindi nakasagot si Dara. Hindi siya makapaniwala sa nalalaman niya ngayon.

"But you didn't become a dragon dahil mas pinangunahan ka ng takot."

"Eh, sino naman 'yong mga panget na 'yon?" Natawa naman si Drage sa sinabi ni Dara.

"They're the night burning wolves or also known as night burning lupus. Kaya nilang magpalabas ng apoy sa mga katawan nila kapag gabi." Nagsimula na silang maglakad pabalik.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now