"Tss.."

"Oh, bakit?!" natatawa'ng tanong niya at ngumiwi na lang ako saka iniiwas ang paningin ko.

"Ano pa nga ba'ng aasahan ko? Ikamamatay mo yata kung hindi mo pupurihin ang sarili mo." pang-aasar ko sa kaniya at natawa na lang siya. "Daan muna tayo sa bahay." yaya ko.

"Oo, kumuha ka na rin ng gamit mo. Don ka

"Mworago!?" gulat na tanong ko!

*Translation: What did you say!?*

"Ta--guro!?" panggagaya niya pa sa tono ko. "Hindi ka pwede'ng tumanggi, tandaan mo.. sinaktan mo ko."

"Tss.."

"Sasaktan mo na naman ba ako?"

"Hindi nga pwede."

"Aissh! Ano'ng hindi pwede?!" inis na tanong niya at napabuntong-hininga naman ako. "Wala naman ako'ng gagawin sa'yo--"

"Pero hindi pa rin maganda'ng tingnan na nakikitulog ako sa inyo---"

"Edi ako ang matutulog sa inyo!"

"Mas pangit lalo."

"T-Taguro naman e.."

"Marami naman tayo'ng oras na magkasama e--"

~BREAK!~

Iprineno niya ng matindi ang kotse!

"Ngayon kita gustong makasama! Ngayon! Ngayon mismo!" pagpipilit niya pa.

"Magkasama na nga tayo, 'di ba? Ngayon mismo--magkasama tayo, Deib." sagot ko at sumeryoso ang mukha niya. "B-Babawi naman ako sa'yo e."

"Kailan?"

"Bukas.."

"Sa anong paraan?" seryosong tanong niya. "Hahalikan mo ko araw-araw? Susuyuin mo ko araw-araw? Yayabangan mo ko araw-araw?" bakas ang pagkadismaya sa mukha niya. "Ilang pangako pa ba ang gagasgasin mo sa pandinig ko ng wala man lang tinutupad maski isa?!" inis talagang singhal niya at natigilan naman ako. "Tch. Mmm, sige, iuuwi na kita. Pero next time, 'wag ka nalang mangako, ha?" sarkastikong tanong niya at saka nagtuloy.

"P-Pasensya na, pagod rin kasi ako e."

"Okay lang."

"Babawi talaga ako--"

"'Wag ka na lang sigurong magsalita, gawin mo na lang muna. Tutal, sanay naman akong ganon ka." malamig na namang pakitungo niya.

"Deib.."

"Okay lang talaga." aniya pa at saka ngumiti, batid kong pilit at mapait ang ngiting 'yon. "Mahirap naman 'yung pilitin kita e hindi mo naman ugali 'yun talaga, hindi ba? H-Hehehehehe. Baka mamaya n'yan, n-nasasakal na pala kita--sa kagustuhan ko lang na makasama ka." dagdag niya at dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Nakakahiya naman."

"S-Sorry talaga."

"Sige, n-naiintindihan ko." bakas ang panlulumo'ng aniya at saka nagtuloy sa pagmamaneho. Nanlamig na naman ang pakikitungo niya.

DEIB'S POV

Pilit kong hindi ipinakita sa kaniya ang pagkadismaya ko pero hindi ko rin naman magawang pigilang iparamdam 'to.

Oo nga pala, hindi nga pala siya 'yung tipo ng babae'ng nagpapa-control. Tch.

Muli kong inalala ang mga narinig kong sinabi ni Randall nung minsan akong na-ospital. Inalala ko ang lahat ng mga narinid kong sinabi nila.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon