GET INLOVE

191 10 4
                                    

" YAYA !!!" Sigaw ko

" ano ba yan ate ang aga aga ang ingay mo.. Pwede ba gumising ka sa realidad huh!! WALA TAYONG KATULONG!!" Sigaw ng kapatid kong lalaki saakin.. Na halatang kakabangon lang sa kama na nagkakamot pa sa magulo niyang buhok

" hehehe.. Ginigising lang kita ano kaba.. Tara na mag almusal na tayo"

Tinignan niya lang ako ng masama bilang sagot, Lumapit siya sa lababo para maghilamos tsaka dumeretso sa maliit naming lamesa

" Ate! ITLOG nanaman!!" Reklamo niya habang nakanguso

" Arjay di mo ba alam masustansya yan Full of protein" sabi ko habang nag sasandok ng kanin "Pasalamat ka nga may kinakain kapa.. Alam mo ba maraming mga bata ang nagugutom at kumakalam ang tiyan sa lansangan dahil walang makain" sabi ko sabay umupo sa harap ng pagkainan

"Oo na paulit ulit na lang yung line mong yan!! Hayyyy!! Kahapon itlog na ung ulam itlog parin hanggang ngayon .. Kaya itlog nakukuha ko sa school eh"

"Ganun ba.. Hayaan mo Tuyo naman para may one point kana sa school di kana itlog" masayang sabi ko habang kumakain..

" ewan ko sayo ate!! Hindi magandang biro yan ah!!" Nakanguso niyang sabi.

" sige sige pag nagkapera ako bibili ako ng masarap na ulam.. Kumain kana diyan at maliligo na ako.."

Iniwan ko na siya sa mesa tsaka dumiretso sa c.r para maligo dahil papasok na ako sa school.

"Arjay, alis na ako ah.. Maghugas ka ng plato, pag pumasok ka ilock mo nang mabuti yung pinto.. Magaral ka ng mabuti ah .. Bye" paalam ko sa kanya tsaka binuksan yung pinto..

Kaso kamalas malasan tumapat saakin si aling BEBANG na may ari ng bahay na tinitirhan namin ng kapatid ko,

"Hoyy Airiel, tatlong buwan na kayong di nag babayad ng renta pag hindi pa kayo nagbayad sa linggong ito mag impake na kayo huh..!! " mahabang speech ni aling Bebang na umuusok pa ang ilong

"Kalma lang alebangbang Este aling BeBang, magbabayad po ako pag nag padala na si mama .. Wag po kayo mag alala pagkapadala agad ko kayong babayaran" sabi ko

"Aba siguraduhin mong bata ka, kundi lalagyan ko na yan ng for rent"

"Naku aleng Bebang wag namang ganun.. Tsaka wag niyo po ito masyadong problemahin.. Magkaka-wringkles lang kayo sayang ang beauty niyo .. Hindi pa kayo makakahanap ng Amerikano niyan.."

" ay Ganun ba?" Sabi ni aleng bebang sabay hawak sa noo niya.. " oh cge bibigyan ko kayo ng palugit na isang buwan.. Magbayad ka huh.."

"Opo naman aleng bebang, oh panu po papasok na po ako.. " tinanguan lang ako ni aleng bebang tsaka ako lumakad palabas sa maliit na iskinita na daanan papasok sa bahay namin..

Hayyy.. Pag ako nag ka trabaho naku naku.. Babayaran ko yan si aleng bebang ng tag twenty five centavos na nakasako .. Tignan natin kung di dadami ang wrinkles niya sa kakabilang..

Pagkalabas ko ng kanto hinintay ko pa ang sasakyan ko..

..naku! baka malate ako firstday of school pa naman .

manong driver paki bilisan please .. anung oras na .. .. Sabi ko sa isip ko dahil nakasakay nanaman ako sa sasakyan ko na paibaiba.

Walang iba kundi Jeep

yan na malapit na sa wakas

" Manong para po .."

WOW hah! ang laki pala ng academy na to .. !

GET IN LOVEWhere stories live. Discover now